A/N: Ito na ang update but! my dearest stalkies please mag join kayo sa group sa facebook search nyo ang THAT CRAZY STALKER READERS, para naman makilala ko kayo and please follow @TCSZANECREED @TCSTHOMASBLAZE @TCSRARA @TCSSKYE @TCSKRISTINA @TCSQUINN sa mga gusto pang maging operator ih dm or tweet nyo si Zane kasi sya ang nag aayos ng lahat ng account! ito nga pala link sa facebook page
https://www.facebook.com/groups/TCSREADERS/
USE #ThatCrazyStalker para mabasa ko yung mga tweets nyo ha! I LOVE YOU GUYS!
follow me too @LhaieOfficial
ZANE POV
Kinabukasan, late na akong nagising halos lunch time na, napansin kong wala si Max sa tabi ko, siguro kila Skye na sya nakitulog, baka na ilock ni Thomas yung kwarto nung lumabas sya. Kagabi kasi nag pahinga na ako after namin kumain at nag paiwan sila sa baba. Kasama ko si Thomas sa kwarto at nanood lang kami ng power puff girls buong gabi, hanggang sa nakatulog na ako at sa tingin ko umalis na sya nun ng hindi ako ginigising
Ang saya kagabi, habang nanonood kami ng power puff girls, feeling ko bata ako ulit, laro namin to nung bata ako, nung chubz pa sya, lagi ko syang nilalagyan ng ribbon at sya si Blossom ako si Bubbles at si Rara ang Buttercup. Hindi ko alam kung naalala pa ni Rara yun kasi twing ganun ang laro namin laging nag tatago na nun si Rara kasi ayaw nya ng power puff girls, at si Thomas game na game lang sya at hindi nag rereklamo. Pati kagabi, hindi sya nag reklamo nung sinabi kong lalagyan ko sya ng ribon para maging si Blossom ulit sya, dun ko na realize na ganun ako kamahal ni Thomas, ok lang na mag muka syang tanga at mag bakla baklaan mapasaya lang ako. Nilagyan ko din sya ng make up, wala akong narinig na reklamo sakanya.
FLASHBACK
"Lagyan din kita ng make up, hindi naman bagay kung naka ribbon ka tapos wala kang makeup" sabi ko sakanya habang nilalabas ko ang makeup kit ko
"Sige, basta gusto ko pink ha" sabi nya, napangiti ako nun dahil ni wala manlang syang reklamo
"Pikit ka dali" sabi ko sakanya ng lalagyan ko na sya ng eye shadow
"Bakit? kikiss mo ko?" tanong nya
"Wag kang feeling, lalagyan na kita ng eye shadow!" sabi ko
"Psh! pasas naman nag susuggest lang e!" sabi nya saka pumikit, nilagyan ko sya ng eye shadow at ng blush on
"Ohh nguso ka naman" sabi ko sakanya, dumilat sya
"Bakit? i kikiss mo na ko talaga?" tanong nya ulit saka ko sya hinampas
"Kahit kelan puro ka kalokohan!" sabi ko sakanya pero hindi na sya nag salita at ngumiti lang saka nag pout
"Ayan pink din ang lipstick" sabi ko sakanya
"Patingin nga" sabi nya saka tumingin sa salamin
"Ohh diba ang ganda?" sabi ko sakanya
"Psh may make up na ko, gwapo parin ako? Di lang basta gwapo! hot pa" sabi nya
"Hahahaha bakit ka naging ganyang kayabang? Hindi ka naman ganyan dati" sabi ko na tumatawa
"Dahil, gusto kong mas angat ako kay Rara" sabi nya, tumingin sya sakin saka ngumiti ng pilit "Kaya lagi kong sinasabi na gwapo at hot ako, metaphor ko yun, para hindi ako pang hinaan ng loob. Parang lagi kong pinapaalala sa sarili ko na kayang kaya ko syang tapatan at wag panghihinaan ng loob, kahit na sa tingin ng iba mas siguro sa tingin mo, kayabangan yun" sabi nyana mukang malungkot, ayoko ng malungkot si Thomas, dahil kapag nakikita kong malungkot syang hindi madaldal at hindi makulit hindi sya ang Thomas ko, "KO" oo ang Thomas KO
BINABASA MO ANG
That Crazy Stalker
RomanceZane Creed Zobel, a broken hearted girl who is trying to move on to her ex boyfriend named "Ziggy Andrew Alvarez". Taon din ang lumipas bago muling binuksan ni Zane ang puso nya para subukang mag mahal muli. She met this guy named "Ryder Axel Lopez...
