A/N: Utang na labas guys mga wampiptee hahahaha mag comment kayo ha! at tweet nyo ko @LhaieOfficial gamitin nyo yung hashtag na #ThatCrazyStalker okay? love lots
KRISTINA POV
Sabado ngayon, araw ng pag punta ko kila inay, sinundo ako ni Ate Sarah. Habang nasa sasakyan kami dada ng dada ang kingina pero turilo ako.
Kahapon kasi dumaan din ako kila inay, nandun si Thomas na ikinagulat ko atsinabi nyang dun na daw sya ulit nakatira. Alam kong may malalim na dahilan yun at sa tingin ko ay involved si Rara dun.
"Hoy? are you with me?" tanong ni Ate
"Luh? Nakita mong katabi mo ko, edi malamang kasama mo ko. Yes Im with you" sagot ko naman
"No I mean, naiintindihan mo ba yung sinasabi ko?" tanong nya
"oo yun mga tagalog naiintindihan ko naman, yung english medyo malabo e. Basta ang naintindihan ko lang eh nag haharutan na kayo ni Ziggy saka yung word mong Forealz. Kamag anak ba ng For sale yun?" walang ganang tanong ko sakanya
"Anong problema ba?" tanong nya sakin, huminga ako ng malalim at hindi sumagot sakanya pero bakas na maluha luha na ko "Hoy ano nga? bat ba nag dradrama ka mag isa?" tanong nya ulit
"Bakit? kailangan ba pag nag dradrama by group?" tanong ko naman
"Tigilan mo ko sa kalokohan mo! Ano nga?" tanong nya ulit
"Sasabihin ko sayo pero wag kang magugulat ha"sabi ko naman sakanya
"Buntis ka?" tanong ng mahadera kong ate
"Buntis agad? Di pa nga ako nirereplyan ni Joseph Marco buntis agad!" sagot ko naman sakanya
"Eh ano nga?"t anong ng king ina kong ate na hindi makapag hintay, palingon lingon sya sakin habang nag dridrive
"Pwede ka naman kasing hindi bumida ate, tipong ako muna mag sasalita tapos mamaya ka na mag react" sabi ko naman
"Ok ok game sorry" sabi nya
"Kagabi kasi kinausap ako ni Thomas bago mo ko hinatid pauwi" sabi ko bilang panimula, ang king inang ate sarah naman nag preno!
"Bakit daw? what happened? niloko nya ba si Zane ano ano ano?" tanong ni Ate
"Sige salita ka pa! Tapos na ho ba ko?" sabi ko ulit na medyo naiirita, pucha papa kwento tapos pabida nanaman!
"Sige na hindi na ko mag rereact" sabi nya at saka nag tuloy mag drive
"Tinanong nya ako, kung may chance ba na magustuhan ko sya" sabi ko at nag preno nanaman sya "Ano ba! Aba ate ingat naman, hindi kagaya ng hinaharap mo yung sakin! Aba walang pang sangga kapag sakaling namali ka ng pag preno!" pasigaw na sabi ko, pinark nya yung sasakyan muna. Chismosa din tong kapatid ko e noh
"So anong sagot mo?" tanong nya
"Syempre sabi ko wala" sabi ko naman, hindi agad nag salita si Ate na parang nag iisip
"Ano yung totoong sagot?" tanong nya ulit, bumuntong hininga ako
"Meron" maikling sagot ko, oo si Thomas yun, naalala nyo ba nung university ball nung nakausap ko sya, na naiintindihan ko sya? Kasi kagaya nya hinahanayaan ko syang maging masaya kay Zane habang ako nasasaktan na.
BINABASA MO ANG
That Crazy Stalker
RomanceZane Creed Zobel, a broken hearted girl who is trying to move on to her ex boyfriend named "Ziggy Andrew Alvarez". Taon din ang lumipas bago muling binuksan ni Zane ang puso nya para subukang mag mahal muli. She met this guy named "Ryder Axel Lopez...