A/N sa mga nalalabing Chapters napag desisyunan ko na mag award ng mga best best hahahahaha! Best in Comment si Kylie! at best in tweet talaga si Trisha sa chapter 30 kagabi hahaha! Intense sya e! Hahahaha hello girls! Kaway kaway. Grabe sobrang na flood ako kagabi sa twitter at hanggang sa kanina na sesearch ako sa hashtag na #ThatCrazyStalker ang sarap mag basa promise kaya sana more tweets ha guys! Okay gaya ng promise ko kagabi ito na ulit ang UD dahil wala ang atii nyo bukas! Hahahahaha.
Patawarin nyo na ako please sa mga umiyak sa Chapter 31 hahahaha! Pero game na? UD na!
----
RARA POV
Ako, ako nanaman ang masama sa kanila. Ako nanaman ang mali sa mata nila. Bakit ganun ka unfair? Masama bang ipaglaban ko yung isang bagay na dapat para sa akin naman talaga? Galit na galit sila sa akin sa kadahilanan selfish daw ako? Dahil pinili kong gumawa ng paraan sa isang bagay na magiging kauna unahang dahilan na sasaya ako. Ang unfair lang kasi talaga, bakit nung si Thomas ang naging selfish hindi sila nagalit? Wala ba akong karapatan lumaban sa isang bagay na gustong gusto kong makuha?
Sa storyang ito, halos bawat eksena nananahimik lang ako, ni isa kaya sa kanila naisip kung ano kayang nararamdaman ko? Ni isa ba sa kanila naisip na ang tahimik na kagaya ko may karapatan din naman lumaban. Buong buhay ko, lagi ko nalang iniisip ang ibang tao, lagi nalang akong nag paparaya at laging nag papakumbaba. Ni minsan wala silang narinig na imik, kibo o hinaing pero sa ka isa-isang bagay na to na oo siguro nga mali, pero ni isa sa kanila walang nag tanong kung bakit ko nagawa to. Ngayon sabihin nila, sino ang hindi totong kaibigan sa aming lahat? Kung bawat isa sa kanila hinusgahan ka na bago ka pa makapag paliwanag.
May narinig ba kayong sumbat mula sa akin? Wala diba? Masama ba akong kaibigan kay Thomas? Kung ako mismo ang kasama nya nung mga panahon na sobrang baba pa ng self-esteem nya. Iniwan ko ba sya? Hindi bat ako ang nag iisang kaibigan na simula nung panahon na walang may gustong kumaibigan sakanya hanggang sa ngayon na nag karoon na sya ng lakas ng loob at hindi na mahiyain kagaya noon? Selfish ba ako? Kung ako mismo ibinaba ko ang sarili ko para pag bigyan ang gusto ng kaibigan ko? Alam ko naman na sa bawat aspeto gusto akong higitan ni Thomas, pero hindi ako nakipag kumpitensya sakanya. Hinaayan ko na mahigitan nya ako kahit na minsan nag kukusa nalang ako mag patalo para lang hindi matapakan ang ego nya. Dahil hindi ko lang sya basta kaibigan, kapatid na ang turing ko sakanya. Pero sya ba? Nagawa nya bang isipin ang mararamdaman ko sa pag lilihim nya?
Masama ba akong kapatid? Kung sa bawat panahon na kailangan ako ni Reaker lagi akong kasama? Kahit nga muka na akong tanga habang mag kasama sila Max at ako nasa likod lang nila. May narinig ba sila sa akin? May panahon bang tumangi ako sakanila? Diba wala?
Hindi ba ako marunong makisama? Nung naging kaibigan ko Skye at nalaman ko na may gusto sya kay Sean nung nag spin the bottle kami sa apartment nila, kahit nakaka baklang tignan tinulungan ko si Sean para makapag tapat kay Skye dahil alam kong may gusto din naman sya dito. Siguro hindi alam ni Skye yun o ng kahit na sino, pero ako ang nag tulak kay Sean na umamin kay Skye nung university week namin kahit sobrang nahihiya sya, Ako yung kasama nyang bumili ng paper para makapag message sya. Ginawa ko yung ng kusa at sa tingin ko hindi ko naman kailangan sabihin sa kanila dahil hindi naman ako nanunumbat.
Masama ba akong tao, kung binigyan ko lang naman ng chance si Kristina na kagaya ko nag mamahal lang din naman. Si Kristina na kagaya ko na nag mamahal sa maling paraan?
Buong buhay ko, pinilit kong maging mabuti sa lahat. Ngayon nyo ako murahin, ngayon kayo magalit sa akin at ngayon nyo sabihin na wala akong kwenta!
At ngayon sabihin nyong masama akong tao, ngayong pinakiusapan ko si Reaker na pickup-in si Zane para makita nya si Thomas. Oo, kanina kinausap ko si Reaker na sunduin si Zane dahil sa kanilang lahat alam kong kapag kay Reaker papayag ang daddy ni Zane dahil kapatid ko sya at mag titiwala sila. Pinakiusapan ko din si Reaker na itext si Ziggy para kunwaring sunduin si Sarah at isama si Thomas dahil alam kong kapag si Sarah ang kasama pag kakatiwalaan nila Tita Kassandra, at para mag kita si Zane at Thomas sa Secret Place nila.
BINABASA MO ANG
That Crazy Stalker
RomanceZane Creed Zobel, a broken hearted girl who is trying to move on to her ex boyfriend named "Ziggy Andrew Alvarez". Taon din ang lumipas bago muling binuksan ni Zane ang puso nya para subukang mag mahal muli. She met this guy named "Ryder Axel Lopez...