A/N: Finale na bukas!!! Kakaiyak! #TCEG soon
-------
KRISTINA POV
Ngayon ang inaabangan na araw ng kasal namin ni Thomas Blaze Alcantara, si Ate Sarah ang Maid of Honor at si Ziggy naman ang Best Man ni Thomas. Ito ang araw na matagal ko ng pinapangarap. Everything is settled, everything is undercontrol and kingina ang galing kong mag english sa Everything is setteled na yan! Ang motif ng kasal namin ay masquerade, hindi din ako sure bakit 'q' ang nasa masquerade e 'mask' naman ang gamit hindi 'masq' pero hindi ko na pinakeelamanan yun basta yun ang motif namin.
Si ate Sarah ang kasama ko sa hotel room at inaayusan kaming pareho ngayon
"Ready ka na ba?" tanong nya sakin
"Sobrang ready na" sagot ko naman
"Sure ka na ba sa desisyon mo?" tanong nya
"Oo ate, salamat pala ha" sabi ko
"Maayos na ang lahat pag katapos ng kasal wag kang mag alala" sabi nya at ngumiti ako, ito na ang araw na mababago na ang lahat sa mga buhay namin. Ito na ang araw na maaring pag sisihan ko pero alam kong sa huli magiging masaya din ako. Nang matapos kaming ayusan pinalabas namin ang lahat ng nasa hotel room dahil mag bibihis na kami. Pinag pipilitan ng mga organizers na tutulungan daw kami pero sabi namin kaya na namin
Isinuot ko ang puting damit, hinagod ko ang tela nito ng paulit ulit at saka humarap kay Ate Sarah
"Ang ganda ganda mo ate" sabi ko sakanya at ngumiti sya
"Kaya nga mag kapatid tayo diba? Maganda ako, maganda ka din!" sabi nya at ngumiti "Im so proud of you" sabi nya at inakap ako, naiiyak na ako pero pucha di ko bagay.
"Kinginang yan! Prinactice ko na tong iyak na to e. Hinanap ko na anggulo ko at kung paano umiyak ng maganda pero mukang timang parin ako!" sabi ko sakanya at tumawa sya, feeling nya kasi joke yun e! Hayks ate ko naman na to napaka babaw!
"Lagi mong tatandaan na proud na proud ako sayo ha" sabi nanaman nya
"Ginawa mo naman akong hipon! Ano bang prawn na prawn!?" tanong ko
"Proud! hindi Prawn! Pinag mamalaki kita!" sabi nya na parang medyo naiinis, pinag lilihian siguro ko nito!
"Eh maliit lang ako? ANong pinag mamalaki?" hirit ko nanaman at sumimangot sya "Hehe joke lang! Wag na sumimangot makakasama yan kay Zion" sabi ko.SI Zion na ngayon ay 3 mons na sa tyan ni Ate Sarah. Nalaman na namin ang gender nya, lalake sya. Excited na akong maging tita. Pero hanggang ngayon di parin alam ni Inay ang pag dadalang tao ni Ate Sarah
"Pag labas ni Zion hindi mo sya pwedeng lapitan madalas" sabi nya na naka nguso
"Bakit?" takang tanong ko na nakakunot ang noo
"Tuturuan mo lang ng kalokohan!" sabi nya kaya inirapan ko sya
"Hello katalinuhan ko ang ipapamana at ituturo ko sakanya!" sabi ko naman at saka kami sabay na tumawa
Muli akong inakap ni Ate Sarah at natigill ang moment namin ng may kumatok na, nag tinginan kami ni Ate Sarah at saka tumango na akala mo nag kaintindihan kami. Pero di ko naman naintindihan ano ibig sabihin ng tango nya. TInignan ko sya habang sinusuot yung mask nya, at saka ko lang na gets na isuot na namin yung mask namin kaya ayun sinuot ko na din yung sakin.
BINABASA MO ANG
That Crazy Stalker
RomanceZane Creed Zobel, a broken hearted girl who is trying to move on to her ex boyfriend named "Ziggy Andrew Alvarez". Taon din ang lumipas bago muling binuksan ni Zane ang puso nya para subukang mag mahal muli. She met this guy named "Ryder Axel Lopez...