Chapter 26

3.5K 82 16
                                        

A/N: Guys mag join kayo sa group! facebook.com/groups/tcsreaders! dali may free gravy ang mag jojoin! or search That Crazy Stalker Readers

Follow: @TCSZANE @TCSTHOMASBLAZE @TCSRARA @TCSQUINN @TCSSKYE @TCSMAXINE @TCSZIGGY @TCSSARAHLOVELY @TCSARAR @TCSKRISTINA sa mga gusto pangmaging OP dm or tweet me @LhaieOfficial or si Zane. okay okay? muahhhh! game na! UD na

ZANE POV

Ilang araw na ang nakalipas at opisyal na ngang kami ni Thomas, ang lalakeng mahal ko. Nung time na nasa hospital kami at nakita ko ang lungkot sa mga mata nya, yun yung time na narealize ko, hindi ko pala kayang nakikita sya ng ganun kalungkot, naisip ko ganun na pala talaga sya kahalaga para sakin, importante pala talaga ang Thomas Blaze Alcantara sa buhay ko, dahil mahal ko na pala yung lalakeng simula't simula palang mahal na mahal din ako. So far so good, ganyan ko i describe ang relasyon namin, si Ziggy palang naman ang naging boyfriend ko, akala ko noon perfect ang relasyon namin, pero mas masasabi kong mas perfect ang ngayon. Paanong hindi magiging perfect? Nasa akin lang naman ang lalakeng boyfriend ko na, bestfriend ko pa (pero besty ko parin naman si Max). Sobrang swerte ko, Isang prince and knight in shining armor in one ang nasa akin. Pero may parte parin sakin na iniisip, kamusta na kaya sya? Wala na akong narinig na balita sakanya simula sa hospital. Nalaman na ng mga kaibigan namin na kami na ni Thomas, Nakaka sama namin si Ar-ar syempre dahil boyfriend sya ni Max pero hindi nila binabanggit si Rara. Siguro mabuti na rin to, hindi deserve ni Thomas kung mag kakaroon pa sya ng kahati sa isip ko kahit nasakanya na ng buong buo ang puso ko. Pero may kung ano sa akin na hindi mapigilan na alamin kung kamusta na sya, kung ano na bang nangyari at kung ok ba sya?

Kinuha ko ang laptop at tinignan ang unit ni Rara, hindi ko inaasahan na may makikita pa ako, since alam naman na nya ang tungkol sa cam pwede namang alisin na nya yun pero hindi. Buhat dito nakita ko syang kinakapa ang gitara nya, hindi sya tumutugtog pero mukang tinotono nya yung gitara.

Tumingin sya sa mismong camera, yung camera na naka pwesto malapit sa may kama nya. Matagal syang tumitig sa camera at pakiramdam ko tuloy naka titig sya sakin. Hindi kagaya noon na sa simpleng ganyan nya kinikilig na ako, pero ngayon wala ng epekto sakin, parang normal lang saakin. Kung siguro noon pa sana, pero huli na ngayon

"Hindi ako sigurado kung mapapanood mo to dahil alam kong wala ka naman pake sakin, nabalitaan ko din na kayo na pala ni Thomas, Zane? masaya ka ba?" nagulat ako ng marinig ang mga tanong at salita nyang yan "Ang tanga ko naman, itatanong ko pa kung masaya ka ba. Alam ko naman masaya ka. Ako Zane, pinipilit kong maging masaya, tinutulungan ako ni Quinn pero siguro mas sasaya ako kung makikita kong saakin ka masaya at hindi sa iba"  patuloy na pag sasalita nya habang nakatitig sa camera. Gusto kong mag salita at sabihin na tumigil na sya kahit na alam kong hindi naman nya ko maririnig

"Naalala mo ba yung sinabi ko noong mga bata pa tayo? Na kakantahin ko yung kantang yun kapag marunong na akong mag gitara? Hayaan mo sana akong kantahin sayo to para manlang kahit papano matupad ko yung pangakong yun" sabi ni Rara na sobrang lungkot ng muka, ang kantang Where we used to run, ang kantang noong bata ako napaka magical sa pandinig ko.

"Let's break away from what we know

Just say the word, just say go
No better time then now to make our move
Lets find a place to leave our shoes
Among the stars, they have no use
When I'm with you, when I'm with you
I feel so weightless." pag sisimula nya ng kanta, ang kanta na sana noon nya pa ginawang kantahin sakin. Iniisip ko nga, kung si Quinn ang nakilala nyang batang Zobel malaki ang chance na kinanta nya na kay Quinn to, nauna nya ng kantahin kay Quinn to, pangalawa nanaman ba ako?

That Crazy Stalker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon