CHAPTER 23 LAST MALDIVES (Pasabog)

4.3K 101 16
                                    

A/N: Happy 10K reads guys! Tweet nyo ko @LhaieOfficial

May pasabog dito kaya kapit ok?! Mahal ko kayo, wag nyo na pansinin yung mga bashers at haters hehe. Bayaan nyo na ha! ILOVEYOU guys!

Guys please use #ThatCrazyStalker as hashtag satwitter kasi minsan flood sa interaction ko kaya di ko na mabasa pero sinesearch ko yan sa hashtag na yan. Join kayo sa group search nyo THAT CRAZYSTALKER READERS or ito link facebook.com/groups/tcsreaders

-------------------------------

RARA POV  (GABI KUNG KELAN NAG KA ALAM ALAM SILA MAX, QUINN, ZIGGY at NUNG GABI NA SINABI NI SARAH ANG DAHILAN NYA)

Nang nakita ko si Quinn na umiiyak, hindi ko na inisip ang lahat ng "Bakit?" na tanong ko, ang tanging naisip ko lang umiiyak sya at kailangan nya ako. Ni hindi ko na nga inintindi talaga kung anong nangyayari at kung anong sinasabi nilang lahat, dahil nung nag simula ng pumatak ang luha sa mata ni Quinn doon ko naisip na hindi ko dapat tinatanong ang sarili ko kung si Quinn parin ba o baka si Zane na ang laman ng puso ko.

Dahil ang sagot ay si Quinn parin talaga, simula nung una hanggang sa ngayon si Quinn parin talaga. Kahit na nag bago sya, kahit na hindi na sya ang dati sa palagay ko sya parin talaga

Iniwan ko si Kristina sa lugar kung saan kami nag tatago at saka ako lumapit kay Quinn

"Quinn" mahinang sambit ko sa pangalan nya

"Ra.. rara? kanina ka pa ba nandyan?" tanong nya habang umiiyak

"Hindi na mahalaga kung kanina paba ako nandito ang mahalaga nandito na ko ngayon sa tabi mo, tahan na"sabi ko sakanya

"Narinig mo? ang lahat? let me explain" sabi nya

"Hindi mo kailangang mag paliwanag, hindi mo kailangan mag kwento ng kahit ano" sabi ko sakanya

"Rara" mahinang tawag nya sa pangalan ko, sa pag bigkas nya ng pangalan ko alam kong kailangan nya ko sa mga oras na to, kaya inakap ko sya at mas lalong lumakas ang iyak nya

"Shhh, halika na" sabi ko sakanya at hindi na ako nag hinatay pa ng sagot nya at umalis kami ng walang imik sa harapan nila Skye, Max, Ziggy Sarah at ang kaka lapit na si kristina mula sa pinag taguan namin kanina

Nang nakalayo na kami ni Quinn sa lugar na pinang galingan namin, ay napag desisyunan namin na umupo malapit sa isang puno na malapit sa dalampasigan.

"Sorry, Im so sorry" mahinang sambit nya na humihikbi

"For what?" i asked her

"For what I did, you didnt deserved it RARA Im sorry" sabi nya na hindi naka tingin sakin, nakatingin sya sa dagat na wari mo ay kumikislap dahil sa liwanag ng buwan

"Wala kang ginawang masama Quinn" sabi ko sakanya

"Meron, at alam mo yun" sabi nya

"Wala akong naalala na may ginawa kang mali Quinn" sabi ko ulit sakanya, alam ko kung anong tinutukoy nya, nasaakin parin ang mga tanong na "Anong meron sa kanila ni Ziggy?" "Bakit sya nag panggap na ibang tao?" lahat ng klase ng tanong na nasa isip ko na sa palagay ko hindi ko na dapat pang itanong sakanya

"Bata palang ako, ako yung babaeng nakatanaw sa malayo at nag nanakaw ng tingin kay Ziggy. Kahit minsan hindi nya ako napansin, kahit minsan hindi nya ko nagawang tignan at ngitian kagayang kung paano sya tumingin at ngumiti kay "sey" si Maxine Samantha Go." panimula nya, sa sarili ko, ok lang kahit hindi na nya i kwento dahil kahit ano pang dahilan nya nandito lang ako sa tabi nya para tanggapin sya. Pero may lugar sa akin na parang nag tatanong parin na, nung mga bata kami? Si Ziggy ang gusto nya? Paano nga nakilala si ZIggy e kami lang naman ni Thomas noon ang mag kasama.

That Crazy Stalker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon