CHAPTER 29 First Kiss

3.5K 85 8
                                    

A/N: I tweet nyo ko after ha @LhaieOfficial at mag join kayo sa fb group search nyo THAT CRAZY STALKER READERS kung gusto nyong ma dedicate sa inyo yung isang chapter, dun ako kumukuha ng mga idededicate ko.

use this hashtag #ThatCrazyStalker para makita ko mga tweets nyo para sa update na to okay? minsan kasi flood na sa interaction ko. Salamat pala sa mga nag join sa #ProudStalkies tweets haha sana mag tweet pa kayo ng sagot sa tanong na "Paanong way kayo naging stalker?" then use #ProudStalkies

Ayun xoxo guys! 

sana din na follow nyo na accounts ng mga characters ha!

-------------------------

ZANE POV

Sabado ngayon at maaga akong sinundo ni Thomas, nandito kami ngayon sa sasakyan nya pero hindi ko ma ipaliwanag pero parang may mali sakanya, parang ang dami nyang iniisip, parang ang daming gumugulo at tumatakbo sa isip nya ngayon, hindi nga ako sigurado kung kasama ba ako sa mga bagay na iniisip nya ngayon.

"Mahal ko ok ka lang ba?" tanong ko sakanya, tumingin sya saglit sakin saka ulit tumingin sa daan, ngumiti sya at pinisil ang kaliwang kamay ko

"Basta kasama at nasa tabi kita ok na ok ako mahal ko" sagot nya, huminga ako ng malalim para alisin yung kung ano mang bumabagabag din sa isip ko

"Hinding hindi ako aalis sa tabi mo mahal ko, pangako" sabi ko, ngumiti sya ulit. Ngiting muka nawala na yung kung ano mang iniisip nya. Hinawakan ko yung pisngi nya at mahinahong hinaplos, gusto kong maging pamilyar sa bawat anggulo at bawat kanto ng muka nya "Ang swerte ko pala talaga noh?" tanong ko sakanya, muli syang tumingin sakin at saka ngumisi

"Ngayon mo lang nalaman?" tanong nya at tumawa naman ako, ang Thomas ko na talaga ulit to. Ang makulit kong Thomas

"Hmm hindi naman, matagal ko ng alam mahal ko, gusto ko lang paulit ulit na ipaalala sayo na alam kong sobrang swerte ko" sabi ko sakanya "Sobrang swerte ko kasi nasa akin ka" sabi ko ulit. Sa hindi ko malaman na dahilan bigla nanaman syang nalungkot at kumunot ang noo "Anong problema?" tanong ko ulit, hininto nya saglit ang sasakyan sa gilid ng kalsada, tumingin sya sakin na wari mo pinag aaralan din ang buong muka ko, yung bang feeling na parang sinasaulo nya yung bawat parte ng muka ko, yung pakiramdam na parang kailangan nyang ma memorize yun dahil baka bukas makalawa aalis na ako, ganun yung pakiramdam

"Hindi mo naman ako iiwan diba?" tanong nya, naguguluhan ako sa kinikilos nya. Kung ganun ito pala yung gumugulo sa isip nya? Na iiwan ko sya

"Syempre hindi" sagot ko, hindi sya ulit sumagot. Pinag aralan nya ulit ang bawat pag galaw ng kilay ko at maging ang pag titig ng mga mata ko sakanya

"Sapat na sakin yun" sabi nya "Sapat na sakin na sinabi mo na hindi mo ko iiwan" sabi nya ulit at saka ulit pinaandar yung sasakyan. Hindi na ako ulit nag salita, nakiramdam lang ako sa pagiging weird nya ngayon.

Bakit ko naman sya iiwan? Bakit ko naman iiwan ang nag iisang lalake na minahal ako ng buo at walang kahati? Bakit ko naman iiwan ang lalakeng simula pa sa simula ako lang ang nag iisa sakanya? bakit ko naman iiwan ang lalakeng to na sobrang mahal na mahal ako at sobrang mahal ko din? Gusto kong malaman kung ano ba talagang problema, kung ano ba talagang gumugulo sa isip nya. Gusto kong mawala lahat ng iniisip nyang negative, gusto kong mag tiwala lang sya na hindi ko sya iiwan.

nakarating kami agad sa bahay, yes! bahay kung nasaan nakatira ang mga magulang ko. Ngayon ang araw na ipapakilala ko si Thomas sa kanila. Huminga sya ng malalim kaya pinisil ko lang ang kamay nya para lumakas ang loob nya. Mag kahawak ang kamay naming dalawa habang papasok sa bahay, gusto kong sabihin na hindi sya dapat kabahan dahil magugustuhan sya nila mommy pero alam ko naman na kahit sabihin ko yun e hindi parin mababawasan ang kaba nya.

That Crazy Stalker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon