CHAPTER 14

7.3K 119 24
                                    

A/N: *Sa mga nag babasa na nito dati. Iniba ko po yung age nila saka po imbis na 4thyear hs K-12 po yung ginamit ko. Wala naman nag bago ^_^ yun lang hehe. Saka yun dati na characters puro koreans at Thai artist na po ^_^

------> si RARA nasa side 

Please mag comment po kayo ha!!! XOXO

--------------------------------------------

She ignores all the other guys who want her, because she's too busy noticing the one she wants.

---------------------------------------------

ZANE POV

Nagising ako sa sigawan ng mga kasama ko sa baba, anong oras palang ahhh! Masyado naman atang gagad ang mga to pumasok.

Bumaba ako para i check sila kung anong nangyari at nag sisigawan sila na akala mo tuwang tuwa na ewan hahahaha!

"Hoy! anong problema nyo?"  tanong ko sakanila

"Walang pasok Zane! Wiiihhhh! hahahahahaha"  sagot ni Skye sakin

"Hoy! paanong walang pasok? ehh hindi naman holiday ngayon?"  tanong ko ulit

"May bagyo kasi! sige pumasok ka! Gusto mong pumasok diba? sige pasok dali!"  sabi ni Skye

Mga lechecng to may bagyo na nga tuwang tuwa pa? Ehhh paano naman yung nasa lansangan na walang matinong tutulugan? Paano yung mga nasalanta ng husto? Yan ang problema sa mga estudyante e! tuwang tuwa sila na may bagyo kasi walang pasok pero hindi nila naisip yung mga naapektuhan!

"Anong nakaka tuwa sa may bagyo?"  Tanong ko ulit

"Ang korni mo! Like Duh? walang pasok syempre masaya yun!"  sagot ni Skye ulit

"Makasarili! masaya ka na may bagyo dahil walang pasok! Ehh paano naman yung mga naapektuhan ng bagyo!"  sabi ko ulit

"Hoy bat ba ang sungit mo? wala ka sa tamang gising?"  tanong nya pero nakakunot parin yung noo ko kasi ayoko talaga ng way of thinking nya!

"Skye na gegets ko si Zane, kasi tignan mo masaya tayong mga studyante na nasa maayos na lugar sa kadahilanan na walang pasok pero paano nga naman yung mga taong walang bahay. Parang ako dati? paano kung hindi nyo pa ko nakukupkop edi isa ako sa mga taong nasa lansangan na basang sisiw." malungkot na sabi ni Kristina! Hayy buti pa to nag iisip 

"Ehh kasalanan ko ba yun, oh my gie?"  sagot ni Skye

"Sis may point sila, wag mo naipilit yung sayo"  sabi ni Max kay Skye

"Ok ok talo na ko, sorry na guys! please sorry na"  sabi ni Skye.

Yan naman ang gusto ko sa mga kaibigan ko e. Kapag alam nila na mali sila marunong silang mag sorry

"Ohhh tama na yan, anong gusto nyong breakfast? hindi pa ko nakakapagluto e hehe nanood kasi ako ng news"  sabi ni Kristina

"Hmm sawa na kami sa bacon bacon egg egg ihhh ano ba pwedeng masarap?" naka ngusong sabi ni Max

"Hmm alam ko na! Alam nyo ba yung champurado?"  tanong ni Kristina

"Alam ko yun! nakatikim na ko nun dati! masarap yun gusto ko yun hehehe!" sabi ni Skye

That Crazy Stalker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon