A/N guys please sali po kayo sa facebook group na
https://www.facebook.com/groups/TCSREADERS/ << yan po! or search THAT CRAZY STALKER READERS para makilala ko naman po kayo hehe game na UD na!
----------------------------
RARA POV
That moment when I saw Zane in that situation, sobrang nag alala ako, gusto ko sanang ako ang mag buhat sakanya paakyat, gusto ko sanang ako ang mag alaga sakanya. Pero si Thomas ang gumawa. Sobrang magulo na ang isip ko, hindi ko na alam kung bakit ganito. Ang dami kong tanong, una bakit ganito ang nararamdaman ko, ayokong tinititigan ni Zane ng ganun si Thomas, ayokong si Thomas ang nag aalaga kay Zane ayoko ng nararamdaman ko dahil sa nararamdaman ko unti unti kong nakakalimutan na si Quinn ang nililigawan ko. Si Quinn? Nawala na ba yung allergy nya sa shrimp? bakit si Zane lang ang inatake, ang tanda ko? Mag Allergy din si Quinn sa hipon, bakit hindi ko na nakikita kay Quinn ang dating sya, bakit kay Zane ko nakikita ang mga bagay na inaasahan kong kay Quinn ko makikita. Hindi kaya? Pero imposible! Alam kong si Quinn yun! Dahil kung si Zane yun, sana nung time na kwinento ko sakanya, sana nag react sya at sana sinabi nyang sya yun at hindi si Quinn. Pero parang wala lang naman? Bakit ganito? Bakit ang gulo gulo
"Kamusta na sya?" tanong ko kay Sarah pag ka baba nya
"Bakit ka nag aalala?" tanong nya sakin, nasa taas si Max, Skye, Kristina at Thomas nandito ako sa baba kasama sila Quinn, hindi ko magawang puntahan si Zane, dahil kung ano man tong gumugulo sa isip ko alam kong mali to. Minsan ko ng naging karibal si Thomas, at hindi na pwede pang maulit yun.
"Kaibigan ko sya" sabi ko naman
"Yun lang ba talaga?" tanong ni Sarah
"Si Quinn ang alalahanin mo wag si Zane kasi may iba nang nag aalaga na sakanya" sabi ni Sarah at saka ko tinignan si Quinn, kausap nya si Ziggy at parang wala lang sakanila yung nangyari kay Zane, nag oover react lang ba ako? O may iba lang talaga akong nararamdaman ngayon?
"Lalabas muna ko" paalam ko sakanila at pumunta sa dalampasigan para mag isip isip, alam kong sinundan ako ng kapatid ko
"Bro anong problema?" tanong ni Reaker sakin habang nasa likod ko sya
"Naguguluhan ako" sabi ko sakanya na nakatingin parin sa tubig
"Saan ba?" tanong nya
"Sa nararamdaman ko" sabi ko, nakakaramdam ako ng selos kay Thomas at Zane ng hindi ko alam kung bakit.
"It hurts when you go through something that kills you inside but you have to act like it doesn't affect you at all, bakit nga ba nililimitahan mo ang sarili mo? Kahit alam mo sa sarili mo kung ano na ba talaga ang gusto mo" sabi nya, napalingon ako sa likod ko kung saan sya nakatayo
"Ano bang sinasabi mo Reaker?" tanong ko sakanya
"Kuya, nakikita ko ang bawat kilos mo, nakikita ko kung paano mo tignan si Zane kapag kasama nya si Thomas, nakikita ko kung paano mo tinitigan si Zane nung University Ball at kahit kelan hindi ko pa nakitang tinignan mo ng ganun si Quinn" Huminto muna sya sa pag sasalita at umupo sa tabi ko "Hindi kaya, pinipilit mo lang ang sarili mo kay Quinn dahil sa lintik na pangako mo sa batang yun noon? Kuya! Ilang taon na ang nakakaraan, yung batang nagustuhan mo noon hindi sya yun ngayon, at pwedeng iba na sya ngayon at isa pa! Iba ang nararamdaman ng bata kesa ngayong matanda ka na" sabi nya at saka ako nag isip. Buong buhay ko yun lang ang inisip ko, na yung batang yun babalikan ko ngayong nasa tamang edad na ako. Kahit kelan hindi ako nag kagusto bukod sa batang yun, pero mukang ngayon nag bago na ng dahil ulit sa isang Zobel, si Zane
---------------------
THOMAS POV
Sobra ang pag aalala ko kay Zane nung nakita ko sya sa ganung sitwasyon, minsan ko na syang nakita na ganun dati pero mga bata pa kami.Hindi ko alam na ganun parin pala sya kalala kapag inaatake. Ayaw ko sana syang iwan kasama ni Sarah dahil wala akong tiwala pero nung nakita ko kung paano nag alala si Sarah kay Zane kampante na din ako kahit papaano

BINABASA MO ANG
That Crazy Stalker
RomanceZane Creed Zobel, a broken hearted girl who is trying to move on to her ex boyfriend named "Ziggy Andrew Alvarez". Taon din ang lumipas bago muling binuksan ni Zane ang puso nya para subukang mag mahal muli. She met this guy named "Ryder Axel Lopez...