CHAPTER 35.2

2.6K 59 15
                                    

A/N: ito na yung part 2 ng chapter 35 (Chapter 35.2). Awardan natin si Maxine! Naalala ko sya yung may name sa twitter na stalkies dati. Sya din yung laging nag aabang sa FRIDAY kasi UD day yun! Sya din yung laging may hashtag :"> Yiihhh salamat best reminder award!!!

Ayun UD na game! Tweet me @LhaieOfficial #ThatCrazyStalker

----

ZANE POV


Sinama ako ni Rara sa party ng mga basketball players ng Mallows at Graham Academy. Sabi ni Rara bawat isang member ng team pwede daw mag sama ng isa kaya ako ang sinama nya habang si Reaker naman at si Sean sinama si Max at Skye, nandito din si Ziggy pero hindi na sumama si Sarah kasi makakasama sakanya mag puyat at maka langhap ng usok since bar tong pinuntahan namin. 

Pag kadating namin ni Rara sa bar ang dami na agad bumati sakanya, ito ata ang unang pag kakataon na hindi si Thomas ang MVP. Speaking of Thomas nakita ko sya sa left side sa VIP Coach ng bar kasama nya si Kristina, nandun din si Ziggy, pati sila Max, Skye, Sean at Reaker. May dalawa pang nandun na hindi ako pamilyar sa pangalan.

Hinawakan ni Rara ang kamay ko at pinisil

"Kung ayaw mong tumabi dun pwede tayo sa ibang lamesa tatawigin ko nalang sila Reaker" sabi ni Rara at umiling ako

"Okay lang, kailangan ko na din masanay na humarap sakanya ng tinatago ang nararamdaman ko" sabi ko at ngumiti ng mapait

"Zane, kahit anong pilit mong itago ang nararamdaman mo kusa parin naman lumalabas" sabi ni Rara at napa kagat ako sa labi ko "Sa buong laro kanina, alam kong nanonood ka pero ni hindi mo manlang nabangit ang pangalan ko kahit na ako ang palaging nakaka shoot. At kahit na napaka lakas na ng sigawan ng mga tao, hindi ko alam pero pakiramdam ko boses mo lang ang naririnig ko kanina nung tinawag mo ulit syang MAHAL KO" sabi ni Rara kaya napatingin ako sakanya, pinag masdan ko yung mga mata nya na akala ko noon palaging walang emosyon, pero ngayon habang tinititigan ko ito pakiramdam ko lahat ng nararamdaman nya nababasa at nararamdaman ko din "Parang ako, palagi kong tinatago ang emosyon ko sa inyo pero ngayon hindi ko kayang itago ang katotohanan na nasaktan ako kanina" sabi nya

"Sorry Rara" tanging sagot ko sakanya

"Wag kang mag sorry sa isang bagay na wala ka namang kasalanan, tara na?" sabi nya at tumango lang ako. Hawak kamay naming tinungo ang pwesto kung nasaan sila Thomas, marami naman syang kasama pero hindi ko alam pero pakiramdam ko sya lang ang nakikita ko at ang tawanan at hampasan nila ni Kristina, ang lakas ng music pero pakiramdam ko tunog ng tawanan lang nilang dalawa ang naririnig ko

"Congrats!" bati ni Ziggy kay Rara

"Salamat pre!" sagot naman ni Rara at saka kumuha ng alak galing sa lamesa

"Cheers! Congrats sa bagong MVP" biglang sabi ni Thomas, medyo akward pero nakiapg cheers parin si Rara. Tinignan ako ni Thomas pero pakiramdam ko tumatagos ang mga tingin na yun. Tingin na parang wala syang pakeelam sa prisensya ko, yung titig na nanginig ang buong katawan ko.

"Anong gusto mong drink Zane?" walang kagana ganang tanong ni Thomas sakin habang naka akbay sya kay Kristina

"Ahhh hindi ako iinom, juice lang ako" sagot ko lang, tumabi sakin si max at Skye alam ko naman na nag aalala sila sakin.

"Besty okay ka lang ba?" bulong ni Max sakin, actually kahit naman hindi sya bumulong hindi naman sya maririnig ng iba kasi maingay dito sa bar, at kahit lakasan nya pa hindi naman maririnig ni Thomas yun kasi busy sya na nakikipag kulitan kay Kristina. Habang tinitignan ko silang dalawa medyo na insecure ako, pakiramdam ko sobrang bagay nilang dalawa sa isa't isa. Nung kami pa ni Thomas mas napapasaya at napapatawa nya ako kesa sa ako ang nakakapag patawa sakanya. Pero kay Kristina parang pareho silang walang effort pero masayang masaya sila.

That Crazy Stalker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon