A/N: hahahaha nag tatampo si Kaye! Akala nya nawala nayung award nya! Ito! Dahil RaZane Moment ito! Yan dito kita aawardan! Hahahaha hello kay Kaye na Loyalty Awardee! hahahaha simula talaga sa simula Team Rara na sya at yung name nya sa twitter! nag palit na lahat pero sya Ryder Axel Lopez parin talaga! Hahahahahha! Ohh? Game UD na? Tweet nyo ko ha @LhaieOfficial #ThatCrazyStalker at search nyo naman sa fb yung page ko hahaha! Cookiesnamaycream WP yan search nyo!
---------
ZANE POV
Hindi na ako naka pasok ng hapon dahil dali dali akong dinala ng mga guards pauwi ng bahay. Pag kadating ng bahay nakita na nadoon si Rara, hindi ko sya pinansin at nag tuloy tuloy ako paakyat ng kwarto ko. Umiyak lang ako ng umiyak kahit na ayaw ko na sana, pero hindi ko parin mapigilan.
"Zane? Pwede ba akong pumasok?" tanong ni Rara mula sa labas ng kwarto ko
"Kahit naman ayaw ko ipipilit mo parin yung gusto mo diba? Bat kailangan mo pa kong tanungin? Dyan naman kayo magaling e, yung ipilit yung gusto nyo!" sigaw ko at maya maya lang iniluwa na ng pinto si Rara, dali dali syang lumapit sa tabi ko
"Zane? Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" tanong nya
"Importante pa ba sayo kung bakit ako umiiyak? Akala ko kasi ang mahalaga lang sayo e yung masaya ka, kahit na nakakasakit ka pa" sagot ko
"Hindi totoo yan, dahil hanggat kaya kong saluhin yung lungkot nyo gagawin ko. Mas gugustuhin ko pang ako yung mas masaktan kesa kayo" mahinahong sagot nya
"Parang hindi naman! Makasarili ka! Ngayon masaya ka na? kasi ayan o! Hindi na kami okay ni Thomas!" hagulgol na sagot ko
"Kahit kelan hindi ako naging masaya kapag alam kong may nasasaktan na iba" sagot nya at kumunot ang noo ko sa inis
"Pwede ba Rara! Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng to! Ikaw ang dahilan kung bakit kailangan kong ikasal sayo at kung bakit ikakasal si Thomas sa iba! Ikaw ang dahilan kung bakit nag kagulo ang lahat! Ikaw ang may kasalanan! Kaya wag kang mapanlinlang na akala mo ang bait bait mo! Dahil ang totoo, masama at sakim kang tao!" inis na sigaw ko, at tinitigan nya lang ako
"Yan ba talaga ang pag kakakilala mo sa akin?"tanong nya
"Oo! Dahil yan ang pinapakita mo!" sagot ko
Lumuhod sya sa harap ko at nag pantay ang panignin namin
"Hindi lahat ng nakikita ng mata totoo, maaring masama ako sa paningin mo. Pero kung talagang kilala mo ako mapapakiramdaman mo kung anong totoo" malungkot na sagot nya
"Hindi lahat ng nararamdaman totoo! kagaya ko! Noon pakiramdam ko napaka bait mo! Pero sa nakikita ko ngayon? Iba na yung dating Rara na nakilala ko" madiin na sagot ko
"Hindi ako nag bago Zane, hindi mo lang talaga ako binigyan ng chance na makilala ako ng husto." sagot nya
"At wala akong balak na kilalanin ka pa, dahil baka ma dismaya lang ako lalo!" matapang na sagot ko
"Kapag handa ka nang nakausapin ako, o baka sakali na gusto mong mag tanong nasa baba lang ako. Dadating nga pala ang parents ko, baka sakaling gusto mong mag pakita sakanila" sabi nya pero hindi ko sya pinansin at hinayaan ko syang lumabas ng kwarto ko
Bakit ko naman kinakailangan maag pakita pa sa mga magulang nya? At bakit ko naman sya dapat kausapin? At higit sa lahat! Wala akong balak na mag tanong sakanya dahil alam kong kasinungalingan lang ang isasagot nya.
Tumingin ako sa side table ko at nakita ang picture ni Thomas, hinayaan ko lang na dumaloy ang luha ko sa pisngi ko. Akala ko pa naman ubos na yung luha ko! Akala ko pa naman may Thomas na laging nandyan para mag punas ng luha ko at pasayahin ako. Tinitigan ko yung picture ni Thomas at saka ngumiti "Mahal ko? Diba walang susuko? Diba lahat ng pangako mo tinutupad mo? Diba lalaban pa tayong dalawa? Nasan ka na ngayon? Wag mo naman akong iiwan oh! Please naman Thomas" para na akong tanga na kinakausap ang sarili ko! Napaka hampas tubig naman kasi ng mga luha na to e, ayaw tumigil! Akala ata nila mananalo ako ng best actress kapag umiyak ako ng umiyak e.
BINABASA MO ANG
That Crazy Stalker
RomanceZane Creed Zobel, a broken hearted girl who is trying to move on to her ex boyfriend named "Ziggy Andrew Alvarez". Taon din ang lumipas bago muling binuksan ni Zane ang puso nya para subukang mag mahal muli. She met this guy named "Ryder Axel Lopez...