Prologue

5.9K 150 5
                                    

If you care for someone more than they deserve, you'll get hurt more than you deserve.

Yan ang dapat nating tandaan. Na hindi lahat ng tao deserve ang pagmamahal na ibinibigay natin.

Akala mo totoo siya, pero hindi pala. Pero kapag nagmahal ka, wala e. Bigay lahat, ni katiting na pagmamahal wala kang tinitira para sa sarili mo.

Pero paano nga ba mamuhay ng may kapintasan?

Nanjan ang mga manunukso, manlalait na kala mong sila ang pinakamaganda sa balat ng lupa. Nanjan ang mga mambubully verbally, emotionally and physically.

Akala ba nila ganun lang kadaling tanggapin lahat ng sinasabi nila? Noooo! May epekto lahat ng yon! May nararamdaman din naman kami!

Akala ba nila hindi nauubos ang pasensya namin sa kanilang mga nanunukso? Hindi nila alam kung gaanong pagtitimpi ang ginagawa namin para lang hindi na lumaki.

Inuunawa na lang namin ang lahat. Nag-aadjust kami para naman hindi kami maawa sa sarili namin.

Ang simpleng manunukso ay naging panlalait dahil lang sa kapintasan namin. Bakit? Sila ba ay walang kapintasan? Sa pagkakaalam ko, walang taong perpekto. Lahat may kapintasan. Pero bakit sila ganun manlait? Porket mas maganda sila? Hindi ba nila alam na kung wala kaming mga pangit, hindi sila matatawag na maganda? Kung wala kaming mga matataba, hindi sila matatawag na payat. Kung wala kaming mga mahihirap, hindi sila matatawag na mayaman.

Ganun ba talaga kapag mayaman? Sayo nakapalibot ang mga tao? Kahit napakasama mo, ikaw pa rin ang kakampihan? Dahil sa may pera ka. Dahil sa kaya mo silang bilhin sa pamamagitan ng pera mo. Pero dapat ba talagang maging matapobre ang mga nakakaangat sa buhay? Na kapag may nakikita silang umaangat ay hahatakin nila ito pababa? Pero kung tutuusin, sino ba samin ang mas mababa? Ang hinahatak pababa o ang humahatak pababa?

Mamuhay ng may kapintasan ay hindi madali. Apektado buong buhay mo. Yung halos lahat ng mata ay nakatingin sayo. Isang maling galaw mo lang, husgado ka na agad ng lahat. Na kapag nagkamali ka ay mawawala sa isip nila lahat ng kabutihan mo. Nawala na lahat pero yung isang pagkakamali mo, ayun! Nakatatak sa isipan nila!

Ganyan sa mundong ito! Hindi pantay-pantay ang mga tao. Hindi magiging pantay-pantay ang turing sa mga tao. Kapag mahirap ka, magtiis ka! Jan ka nababagay sa basurahan. Kapag mayaman ka, swerte mo! Sa palasyo ka nababagay.

Kaya kung hindi ka sanay sa buhay na ito, kung hindi ka masasanay, kawawa ka! Talo ka sa mga matang mapanghusga at mga bibig na mapanlait.

Pagtatawanan ka nila dahil sa kapintasan mo, o kaya naman ay dahil sa nasasaktan ka. Okay lang. Ayos lang sakin yon! Dahil sanay na ako! Sinanay ko ang sarili ko! Isang bagay lang ang masasabi ko, maaaring ang pagtawa nila ay dahil sa paghihirap ko pero hinding hindi magiging sanhi ng pagtawa ko ang paghihirap nila.

Oo mabait ko, pero kailangan ba talaga akong abusuhin?

Pero dahil ba sa kabaitan ko kaya ako nasasaktan ng paulit-ulit? O di kaya'y sinasaktan ng paulit-ulit?

Maituturing ba akong tanga dahil sa kabaitan ko?

Ayos lang sakin lahat! Pero alam mo yung masakit?

ANG PAGLARUAN KA NG TAONG MINAMAHAL MO.

Alam niyo kung anong mas masakit don?

ANG PAGLARUAN KA NG TAONG MINAMAHAL MO DAHIL SA KAPINTASAN MO!

Nang dahil sa ginawa niyang yon, feeling mo nasa palad niya ang kapalaran mo. Na kaya niyang kontrolin yung mga mararamdaman mo.

Ano yung pinakamasakit sa lahat?

WALA KANG MAGAWA DAHIL NGA SA MABAIT KA AT MINAMAHAL MO YUNG TAO.

NGAYON, MASASABI KONG NAPAKATANGA KO DAHIL SA KABAITAN KO!

---

YAN ANG SALOOBIN NG ATING PANGUNAHING TAUHAN.

Sana basahin niyo po hanggang dulo :) Magsuggest lang po kayo ng gusto niyong mangyari sa kanila.

VOTE. VOTE. VOTE.

When Ms. Piggy Turns To Ms. Sexy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon