Bea's Pov
"...kasali ka sa spoken word poetry?!"
"Ganun na nga. May problema ba?" Pagtatanong ko.
"Wala naman, so saan ka bukas?" Tanong niya sa akin.
"Bakit ko naman sasabihin sayo?" Kaya nga pinagbakasyon ng isang araw para makahanap ng inspirasyon. Hindi asungot.
"Sama ako." Sinasabi ko na nga ba.
"At bakit? Wala ka bang klase?"
"Wala." Maiksi niyang sagot.
"Paano ka naman mawawalan ng kla... wag mong sabihing... kasali ka rin?"
Nginitian niya lang ako at sinabing "sige, hindi ko sasabihin."
Nagdare-daretso lang ako sa paglalakad, hindi ako kumibo.
"Ano? San ka bukas?" Pangungulit niya.
"Sa bahay." Maikling sagot ko.
"Ah, dun tayo sa bahay niyo bukas? Gusto ko yan ah. Movie marathon tayo?" Hayy nako, nawala nga yung isang makulit, may pumalit naman.
"Busy ako bukas, kailangan kong mag focus. Wala akong oras sa movie marathon na yan."
"Kahit hindi na tayo mag movie marathon, magsama na lang tayo bukas dali naaaa." Pagpipilit niya.
Kahit nasa biyahe na kami, hindi pa rin niya ako tinitigilan sa pangungulit niya. Hanggang sa "Pwede ba! Kanina lang naman tayo nagkakilala ah!" Nagulat ako sa sinabi ko, kahit siya nagulat rin.
Buong biyahe tahimik lang siya. Pagkababa namin ng tricycle, bigla siyang nanakbo.
"Rafael, san ka pupunta?" Tanong ko na pasigaw para marinig niya.
"Wala!"
Nagalit kaya siya sa sinabi ko?
Hinabol ko siya, tumakbo rin ako. Kaso ang bilis niya. Hanggang sa mapansin kong papunta samin yung dinadaanan ko. Hanggang sa mapansin kong unti-unti na akong bumabagal, unti-unting kinakapos ng hininga.
"R-rafa...el.." hindi na ako makasigaw.
Hindi siya lumingon, hindi niya siguro ako narinig.
Pinilit kong lakasan ang boses ko, "Rafaellllll!"
Pagkatapos ay hindi ko na kinaya. Napadapa na ako.
"BEAAAAA!" Sigaw ni Mama.
Nasa tapat na pala ako ng bahay namin. Nakita kong lumingon si Rafael nung sumigaw si Mama.
Nagmadali silang dalawa papunta sakin.
"Ano bang nangyari sayo?" Tanong sa akin ni Mama.
Pinipilit nila akong itayo pero hindi ko talaga kaya. Tumingin ako kay Rafael at bumulong ng "So...rry..." , bago ako tuluyang bumagsak sa bisig ni Mama.
Ipinasok nila ako sa may sala at iniupo don. Kumuha naman si Mama ng first aid kit. Habang nakuha si Mama, umupo si Rafael sa tabi ko, nakayuko lang siya.
"Sorry, hindi ko naman alam na hahabulin mo ako."
"Sshhh, ako dapat ang magsorry sayo. Nabigla lang ako, ikaw kasi napakakulit mo. Sorry ah?" Sincere kong sabi.
"Ano ba kasing nangyari sayo?" Andyan na pala si Mama.
Bago pa ako makapagsalita, nagsalita na si Rafael. "Ganito kasi yon Ma'am, kanina sa school si Bea biglang na..."
BINABASA MO ANG
When Ms. Piggy Turns To Ms. Sexy (COMPLETED)
Teen Fiction"Kahit mataba ako, maganda ako. Kaya kong pumayat, e ikaw kaya mo bang gumanda?" "Mabuti ng lechon ang tawag sa amin, atleast sa lechon pag kinain mo walang natitira. E sa hipon? Kain katawan, tapon ulo." "Mataba ako kasi may pambili ako ng pagkain...