Chapter 32

758 22 0
                                    

Louis Rafael's POV

Ako si Louis Rafael Diamante, ako yung nagpakilalang Rafael kay Bea almost four years ago. Noon pa lang, gustong gusto ko na siya kaso iba yung gusto niya kaya hindi ko siya nilalapitan. Tinitignan ko lang siya sa malayo.

Pero nung nakita kong nasasaktan si Bea dahil sa JP sna yun, hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya nilapitan ko na siya.

Alam mo yung ikaw yung nasa tabi niya pero ang layo ng tingin niya. Ano ngayon kung ikaw yung nasa harapan niya, kung iba naman ang tinitignan niya, hinding-hindi ka niya makikita. Ang sakit lang, pero ayos lang ang mahalaga nakakasama ko siya.

Kaya nung namatay siya, hindi ko alam kung paano magsisimula ulit. Hindi ko alam kung paano ako mabubuhay kung hindi ko siya nakikita, kung hindi ko siya nakakasama.

Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, hindi na sana kita pinaubaya kay JP, hindi na sana kita pina-attend ng Christmas Ball. Inangkin na lang sana kita, sana niyaya na lang kitang sumama sakin kahit walang kasiguraduhan kung makababalik pa ako.

Pero alam niyo yung pinakamasakit? Yung nakabalik ka nga pero pagbalik mo, wala ka na palang babalikan.

Halos apat na taon na akong nangungulila sayo Bea Bianca Sandoval. Bakit mo nagawa sakin to?

Alam mo bang gabi-gabi akong hindi makatulog, sa tuwing sumasapit ang alas tres ng madaling araw, wala akong ibang magawa kundi umiyak ng umiyak. Kailangan ko pang uminom ng sleeping pills para lang makatulog ako.

Sobrang sakit! Hindi kita makalimutan! Hindi kita kayang kalimutan, hanggang ngayon mahal na mahal pa rin kita.

Kaya nung makita ko yung babaeng naka blue noong Christmas Ball, kahit alam kong napaka imposible, hinanap ko pa rin ang babaeng yon, hanggang sa siya na mismo ang lumapit sakin sa stage.

Nung una, hindi ko alam na siya yung sa Christmas Ball kasi naka sumbrero siya, pero nung tinanggal na niya yung sumbrero, I knew right then na siya yun.

Mahirap mang paniwalaan pero ang laki ng pagkakahawig niya kay Bea, maputi lang siya tsaka sexy, pero kamukhang kamukha niya si Bea. Kaya nung sinabi niyang Bea ang pangalan niya, niyakap ko kaagad siya at sinabing namiss ko siya. Kaso Beanca pala ang dapat niyang sasabihin, nahihiya tuloy ako sa ginawa ko. Namimiss ko lang talaga si Bea, siguro ganyan din itsura niya kung buhay pa siya tsaka pumayat at pumuti.

"...ayokong may tumawag sakin na Bea o Beanca, alam kong may Bea na namatay dito..." natauhan ako bigla nung marinig ko ang tungkol kay Bea.

Paano niya nalaman yon? Kaunti na lang kaming nakakaalam non, karamihan sa mga kaklase ko ngayon, hindi nila alam ang tungkol don kasi bago lang sila dito.

Bakit pa niya kailangang banggitin ang tungkol don? Bumalik lahat sakin ang sakit na naramdaman ko nung nalaman kong patay na si Bea. Nananahimik na si Bea, kailangan kong pigilan tong babaeng to, baka maungkat pa yung mapait na nangyari kay Bea. "Okay, Eureka. Mukhang marami ka ng nasasabi."

Natahimik kaming lahat nung may natanggap kaming lahat na video, napayukom ang kamao ko nung mapanood ko si Bea habang tinatapunan ng kaning baboy at pinagsasalitaan ng masasakit na salita kasama na ang flash report na nagsasabing nakita na si Bea.

Sari-saring bulungan ang mga naririnig ko, wala na akong pakialam, tutal nilabas na naman ang tungkol kay Bea.

Nanggagalaiti na ako sa galit, ni wala man lang tumulong kay Bea nung Christmas Ball. Hindi ko siya dapat iniwan, kaso kailangan kong umalis non.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nilapitan ko si JP. *BOGSH!* Nasuntok ko na pala siya, inawat agad ako ng mga tropa niya, "HAY*P KA JP!" Sumisigaw na ako. Makawala lang ako dito sa pagkakahawak ng mga tropa mo sakin, hindi ko alam kung anong magagawa ko sayo.

Anong nangyayari?

Bakit sila nag-aaway?

Hindi ko na inintindi yung mga sinasabi ng kaklase namin. Pinilit kong makawala sa pagkakahawak ng mga tropa niya.

Nung makawala ako sa mga tropa niya, lumapit ako kay JP at hinawakan ang kwelyo, "Hindi ka na naawa, wala na akong pakialam kung makulong pa ako, mabasag ko lang yang pagmumukha mo!" Bumwelo na ako para suntukin ulit siya pero may biglang humawak sa kamao ko, malakas siya, napigil niya yung kamao ko. "HINDI KAYO TITIGIL? Kayo dyan, ano tutunganga na lang ba kayo?" Sabi niya sa mga kaklase ko at pagkatapos ay bumalik ang tingin samin, "GUSTO NIYONG ITUMBA KO NA LANG KAYO PAREHO?" Pagkatapos ay tinitigan niya kami pareho ng masama.

Bakit ang lakas ng epekto sakin nitong babaeng to, tingin lang niya parang mapapasunod na niya agad ako.

Hindi! Hindi siya si Bea, Louis. Umayos ka Louis. "Umalis ka dyan." Sabi ko sa kanya at tinabig sa tabi. Napansin kong nawala na siya sa paningin ko, hawak ko pa rin sa kwelyo si JP at bumwelo ulit para suntukin.

"ARAY!!!!" Sigaw ko nung may biglang bumatok sakin, masakit ha. Lumingon ako para makita kung sinong bumatok sakin, patay ka sakin. "HINDI KA TALAGA TITIGIL HA?" Hindi na ako nakapagsalita, bigla niya akong hinawakan sa braso at hinila sa palabas.

Hindi ako makapalag, ang higpit ng pagkakahawak niya sakin. "San ba tayo pupunta? Dahan-dahan naman."

"MANAHIMIK KA DYAN! BAKA MASAPOK KITA!" Dapat na ba akong matakot dito sa babaeng to? Boses pa lang niya, parang dapat na akong matakot.

Wala akong nagawa kundi tumahimik, baka nga sapukin ako nito pag nagsalita pa ako.

Nung tumigil kami sa paglalakad, tinignan ko kung nasaan kami. Ano to? Boxing Gym?

Hinila niya ako papasok, "Oh napadaan ka? Anong kailangan natin?" Bati nung isang lalaki kay Eureka. Pagkatapos ay tinulak ako dun sa lalaki, "Ayan! Gustong makipag-suntukan. Kayo na bahala dyan hangga't di tumitino."

Binitbit ako nung lalaki papunta sa boxing ring, literal na binitbit. Ang laking tao ni... *BOGSH!* ansakit, parang umiikot ang paningin ko nung may sumuntok sakin. "EUREKAAAAA!"

Tinignan niya ako habang tumatawa, "Oh bakit? Makipag-suntukan ka. Gusto mo yan diba? HAHAHA!" Pang-aasar niya. Bwisit kang babae ka.

*BOGSH!* Hindi ko na kaya, sobrang lakas niyang sumuntok. "Eureka patigilin mo siya, hindi ko na kaya."

"HINDI KA NA MAKIKIPAG-AWAY?" Seryoso ang mukha niya. "OO NA!" Matapos na lang to.

"Sige..." buti naman titigil na rin siya "...tuloy niyo lang yan!" Tinignan ko si Eureka, "Pumayag ka lang kasi ayaw mong masuntok ulit. Tuloy niyo na!" Nung nakikita kong nabwelo na yung lalaki para suntukin ako, "oo na! Sige na! Hindi na ako makikipag-away kay JP. Promise!" Pinikit ko na lang yung mata ko.

"Good. Ibaba niyo na yan dito." Unti-unti kong minulat yung mata ko, akala ko katapusan ko na kanina.

Hinawakan niya ulit ako, "Masama pakiramdam ko dito ah! Bitawan mo na ako, nag promise na ako. Ano pa bang gusto mo?"

"IKAW!..."

When Ms. Piggy Turns To Ms. Sexy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon