Chapter 14

815 32 0
                                    

Bea's Pov

"Joomoon hashi gessoyo?(May I take your order?)" Tanong samin nung cashier.

"Ne, samgyup sal saminboon hago gongi bap doogae joosaeyo." Nagkecrave ako sa pork ngayon.

Nag-aantay kami ng confirmation nung order namin galing sa cashier, kaso antagal. Hanggang ngayon hindi pa nagsasalita yung cashier.

"Sillyehabnida?" Pagbasag ko ng katahimikan sa pagitan namin ng cashier.

"Excuse me?" Pagsasalin ko sa ingles.

"I'm sorry ma'am, basic pa lang po kasi ang alam ko." Pagpapaliwanag ng cashier.

"Okay lang." kaya pala ang tagal niyang sumagot.

"Ano nga po pala inorder niyo? Di ko po kasi naintindihan yung sinabi niyo kanina."

"Three servings of pork and two bowls of rice, please." Pag-uulit ko nung inorder ko kanina.

"Sorry po ma'am, hindi po available samin yan. Pero may mga packages naman po kami dito na mapagpipilian niyo." Sabay turo sa mga pagpipilian.

"Osige, yung C2 na lang. Bigyan mo kami ng dalawang C2."

Ano yung C2? 1 pc of chicken, rice, drinks, and regular fries.

"Ma'am, flavor po nung chicken? Garlic or Spicy?"

"Garlic."

"Drinks po? Iced tea or pineapple?"

"Akin, pineapple. Tanungin ko lang yung kasama ko."

"Anong gusto mo? Pineapple o iced tea?" Tanong ko kay Rafael.

"Pineapple na lang din."

"Ayun Ms., dalawang pineapple na pala."

"Ma'am yung fries po, gusto niyo po bang i-upgrade sa large?"

"Yes, please."

"Okay po ma'am, P269 po lahat."

"Sige, wait lang." ako na sana ang magbabayad kaso biglang nag-abot ng P500 si Rafael sa cashier at sinabing. "Eto na yung bayad Ms." pagsusungit ni Rafael.

"Nako ma'am, nakakatakot naman yung kasama niyo. Parang galit."

"Tinotoyo kasi yung boyfriend ko, kaya ganyan yan. Pwede bang pakibilisan na lang yung pagkain? Nagugutom na kasi yung babe ko. Thanks." Ano kayang nangyari, biglang nagsungit.

Ngumiti lang samin yung cashier at binigay na samin yung number.

Habang naghahanap kami ng mauupuan, binitawan niya ang kamay ko.

"CR lang ako." Maikli niyang sabi.

Umupo na ako doon malapit sa pintuan para madali niya akong makita pagbalik niya.

When Ms. Piggy Turns To Ms. Sexy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon