Chapter 25

755 27 0
                                    

JP's POV

*tok* *tok*

Nagulat ako biglang may kumatok. Ngayon lang ata may kumatok sa kwarto ko.

Pinabayaan ko lang yun.

*tok* *tok* *tok* *tok*

Mas mabilis at mas madiin ang pagkatok sa pinto.

"Sino ba yan?! Sandali lang!" Sigaw ko. Nakakainis na e, may mga bagay akong iniisip tas biglang may iistorbo.

Bubuksan ko na ang pinto ng makaramdam ako ng panlalamig.

Pagkabukas ko ng pinto, nawindang ako sa nakita ko. Dahilan para mabitawan ko ang cellphone ko.

Totoo ba to?

"B-BEA?!"

"B-Bea ikaw ba talaga yan?" Nanginginig kong sabi.

Hindi ko ako makapaniwala sa nakikita ko. "Totoo ba talaga to? Totoo ka ba talaga?"

Bigla niyang hinawakan ang mukha ko, at pinunasan ang mga luha ko. Napaluha na pala ako.

Umupo kami sa may kama. "Hindi pa rin ako makapaniwala Bea. Buhay ka ba talaga?" Ngiti lang ang isinukli niya sakin.

Pagkatapos ay hinila niya lang ako palabas ng bahay.

Pumunta kami sa hardin, nagpulot ng mga basura at mga natuyong dahon na naglaglagan.

Kinabit ko yung hose, dalawa ang kinabit ko para pareho kaming makapagdilig.

Habang nagdidilig kami ay bigla kong naitapat kay Bea yung hose. "S-sorry Bea, hindi ko sinasadya."

Tinignan niya ako ng masama, pagkatapos ay ngumiti ng nakakaloko.

Biglang tapat sakin ng hose. Huuuu, ang lamig ng tubig.

"Gusto mo ng basaan ah? Teka." Tinapat ko sa kanya yung hose at nilakasan yung tubig.

Nagbasaan kami hanggang sa gininaw na kami. For short, naglaro kami na parang walang bukas. Kahit gusto pa namin maglaro, hindi na kaya ng katawan namin ang lamig.

Iniligo na namin agad, baka magkasakit pa kami. Pagkatapos maligo at magbihis, nanood naman kami ng movie sa kwarto.

Bago manood, nagluto muna ako ng popcorn. Hmmmm, ang bangooo. Nakakagutom lalo.

Pagkatapos maluto, bumalik na ako sa kwarto. Inabutan ko si Bea na namimili ng movie na papanoorin.

"Bea, may napili ka na ba?" Pagtatanong ko.

Inabot niya sakin ang bala ng "Carrie".

Sa isip isip ko, "Ano to? Ngayon ko lang napansin to ah?"

Kahit masama ang kutob ko sa movie na to, pinlay ko pa rin.

Nung nasa part na patapos na, may party. Di ko alam kung prom o ano. Ang ganda nung bida. Kaya tama lang na siya ang naging prom queen.

When Ms. Piggy Turns To Ms. Sexy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon