JP's POV
Habang nasa biyahe kami ay kinausap ako ni Mommy. "Okay lang yan nak, try na lang natin ulit bukas. Ganyan talaga, ikaw ang nagkamali. Kailangan mong tiisin lahat."
Sa totoo lang, hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng kapal ng mukha para harapin ulit sila bukas. Hiyang hiya na ako. Pero napag-isip-isip ko lang, kung nung pinaglaruan ko nga si Bea, napakakapal ng mukha ko, ano ba naman yung kapalan ko mukha ko sa paghingi ng tawad sa pamilya niya.
Maaaring hindi ko na maitama yung nagawa kong mali, pero sisiguraduhin kong gagawin ko ang nararapat. Hindi ako susuko kahit na ipagtabuyan nila ako bukas, sa makalawa, hanggang sa huling gabi. Kailangan kong gawin to.
Kinabukasan ay pumunta ulit ako, hindi nakasama si Mommy kasi may kailangan siyang gawin. Nilakasan ko ang loob ko, hinanda ko na rin ang sarili ko sa pwedeng mangyari ngayong gabi.
"Oh JP, andyan ka na pala. Pasok." Bati sa akin ni Tita.
Nilibot ko muna ang mga mata ko, hinanap ko yung Papa ni Bea pero hindi ko siya nakita.
"Pumasok ka na, wag kang mag-alala. Wala ang Tito mo ngayon, pinagpahinga ko muna sa kwarto. Ilang araw na rin kasi siyang hindi nakakatulog ng ayos." Pagkatapos ay dumaretso siya sa tapat ni Bea at pinagmasdan ito.
Tinabihan ko si Tita at pinagmasdan ko rin si Bea. Bumalik sakin lahat ng alaala namin, mula umpisa hanggang sa dulo. Kung paano ko siya nilapitan, kung paano ko siya i-surprise, kung paano kami nagtawanan, kung paano kami nagkatampuhan, kung paano ko siya suyuin, kung paano niya iparamdam na mahalaga ako, kung paano niya ako mahalin, kung paano ko siya sinaktan. Lahat! Bumalik sakin ang lahat.
"S-sorry po talaga Tita."
"Shhh, tignan mo ang anak ko. Hindi ba't parang nakangiti siya? Para bang sinasabi niya na okay na siya at sana maging okay din tayong mga naiwan." Nakita kong lumuha si Tita kaya inabot ko sa kanya yung panyo ko.
Tinanggap naman niya ito at pinahiran ang mga luha niya, "Napakabata pa ng anak ko, kasalanan ko to. Dapat hindi ko na lang pinaaga schedule ng pag-alis namin, edi sana buhay pa si Bea. Kasalanan ko to!" Medyo lumalakas na ang boses ni Tita.
Pinaupo ko muna si Tita at ako na ang nag-asikaso muna sa mga bisita. Habang inaalok ko sila ng mga makakain, may mga narinig akong bulung-bulungan.
Diba siya yung lalaki sa Ball?
Oo nga, anong ginagawa nyan dito?
Grabe, hindi na nahiya sa ginawa niya kay Bea.
Paano kaya nakakatulog yan gabi-gabi?
Sasagutin ko sana sila kaso pinigilan ko ang sarili ko. Nandito ako para makiramay, humingi ng kapatawaran, hindi para makipag-away. Kalma JP, kalma. Wag kang manggulo dito, tsaka diba totoo naman lahat ng pinagbubulungan nila? Kaya bakit ka magagalit? Diba! Totoo naman na ikaw yung gagong lalaki na nanakit kay Bea sa Ball!
Pinagpatuloy ko ang pag-aasikaso sa mga bisita. Binalewala ko na lang ang mga narinig ko. Siguro, mga kalahating oras na ang nakalipas nang lapitan ako ni Tita.
"JP, magpahinga ka na. Umuwi ka na sa inyo. Baka abutan ka pa ng Tito mo dito, di ko pa kasi siya nakakausap."
Walang alinlangan akong sumagot at pumayag na umuwi na lang muna ako. Baka magkagulo na naman kapag nagpang-abot kami ng Papa ni Bea. Atleast napagsilbihan ko si Bea kahit na saglit na oras lang.
Pagkauwi ko sa bahay, binuksan ko ang cellphone ko at nag-facebook. Puro post tungkol kay Bea ang mga nakikita't nababasa ko kaya minabuti ko na lang na patayin ang phone ko at doon na ako nagpahinga.
Kinabukasan, maaga akong pumunta kala Bea pero nung makita ako ni Tita, sinenyasan niya ako na wag munang pumasok at itinuro yung Papa ni Bea. Nagets ko kaagad yung ipinahihiwatig ni Tita kaya di muna ako pumasok, nasa labas lang ako ng bahay nila.
Hindi pa rin nila ako napapatawad kaya ayaw pa rin nila akong papasukin. Buti na lang mabait si Tita sakin.
Ilang oras na ang nakakalipas, hindi man lang tumatayo yung Papa ni Bea. Maghapon lang siyang nakatitig sa kabaong ni Bea, ni hindi pa nga ata siya kumakain. Grabe ang ipinayat niya kaysa nung una kong kita sa kanya sa bahay.
"JP" nagulat ako nung biglang may humawak sakin, si Tita lang pala.
"Pwede na po ba akong pumasok?"
Tinignan niya ako ng may lungkot sa mga mata "Pasensya ka na, mukhang di kita mapapapasok ngayon. Pinag-aawayan ka lang namin, hayaan mo pipilitin ko ang Tito mo na pumayag na papasukin ka na bukas, huling lamay naman na bukas."
Huling lamay? Pero pang-apat na araw pa lang niya bukas ah? "Tita, paanong huling lamay? Diba pang-apat na araw pa lang niya bukas?"
"Oo, wala naman na kaming aantayin kaya hindi na namin patatagalin, para na rin makapagpahinga na si Bea. Ipapacremate namin si Bea sa isang araw at pagkatapos ay dadaretso na kami sa airport. Maiwan na kita ha, mag-iingat ka sa pag-uwi." Pagkatapos ay bumalik na siya sa loob.
Grabe ang bilis naman. Apat na araw lang? Hindi pala siya ililibing dito, kaya kailangan kong makapasok bukas. Pero paano kaya ako makakapasok bukas? Sana matulungan ako ni Tita, siya na lang ang pag-asa ko.
Habang naglalakad ako, paulit-ulit kong iniisip kung mapapatawad pa kaya nila ako? Sana dumating yung araw na mapatawad niyo ako sa ginawa ko kay Bea. Diba ganon naman tayo? Gagawin natin ang lahat para lang mahalin din tayo ng taong mahal natin? Siguro kahit sino namang nasa kalagayan ko, gagawin din yung mga ginawa ko. Isa lang naman ang dahilan kung bakit ko nagawa lahat ng yon kay Bea.
Nag-send ako ng email kay Bea.
To: Bea Bianca Sandoval
From: Jan Paul RamirezHi Bea, sigurado akong galit na galit ka sakin dahil sa ginawa ko sayo. Pero sana mapatawad mo ako, I'm sorry Bea kasi nadamay ka pa sa gulong to. Oo, pinaikot kita, pinaasa kita, pinaglaruan kita kahit wala ka namang masamang ginawa sa akin. Sana hindi ko sinabi sayo yun sa Ball, na ayaw na kitang makita ulit. Hindi ko naman gustong mawala ka at mamatay. Ito ba yung ibig mong sabihin nung sinabi mo na isang araw mawawala ka na lang na parang bula? Patawarin mo ako sa pagsesend ko sayo ng email, ito na lang kasi yung alam kong paraan para makahingi ako sayo ng tawad kahit na alam ko namang hindi mo na mababasa ito. Patawarin mo ako kung naging biktima ka ng puso kong naghahangad ng pagmamahal mula sa taong minamahal ko.
BINABASA MO ANG
When Ms. Piggy Turns To Ms. Sexy (COMPLETED)
Teen Fiction"Kahit mataba ako, maganda ako. Kaya kong pumayat, e ikaw kaya mo bang gumanda?" "Mabuti ng lechon ang tawag sa amin, atleast sa lechon pag kinain mo walang natitira. E sa hipon? Kain katawan, tapon ulo." "Mataba ako kasi may pambili ako ng pagkain...