Bea Bianca's POV
Na-realize ko na napakaikli ng buhay kaya natuto akong magpatawad sa mga nagkasala, ibaon sa limot ang hindi magagandang nangyari, na walang magandang maidudulot ang paghihiganti at ang mag-palamon sa galit.
Anong nangyari sa kanila?
Nagkapatawaran na kami ni Margaux, nagkaayos na sila ni Charla pero syempre ako pa rin ang bestfriend niya. Tinulungan ko silang makaahon, nakipag-merge rin ako sa company nila at si Mama Ey ang namamahala ng Pandora's Box. Remember Mama Ey? Yung nag-ayos sa akin nung Christmas Ball.
Okay na rin naman kami ni JP, naintindihan ko naman siya. Kahit ako, gagawin ko ang lahat para sa taong mahal ko. Okay na rin ang relasyon nila ni Margaux pero hindi sila nagkabalikan. Well, sa tingin ko naman magkakabalikan din sila. Siguro kailangan muna nilang mapatawad ang sarili nila.
Natatandaan niyo pa ba si Manong Guard? Yung nang-aasar sa aking Beaboy? Ipinasok ko siya sa Montecarlo Group of Companies samantalang si Doc naman ang ginawa kong in-charge sa ospital kasama si Mae.
Si Mia at si Martin, engaged na sila at magkakaroon na sila ng anak. Sino nga namang mag-aakala na mauuna pa pala siya sakin? Sabi ko sa kanya magtatampo ako kapag hindi niya ako kinuhang ninang.
Si Rosey, natanggap na siya ni Tito (Papa ni Louis) bago kami umalis. Sumama siya samin ni Louis dito sa US. She's been a good friend to me, para ko na siyang kapatid. Sa ngayon, senior high school siya samantalang kami ay nasa college pa rin. Nag-aaral mabuti para sa magandang kinabukasan.
"Huy!" Sabi sa akin ni Rafael habang niyuyugyog ako.
"H-ha?"
"Kanina pa ako nagsasalita, hindi ka pala nakikinig. Ano bang iniisip mo?"
"W-wala naman. Halika na? Baba na tayo." Nasa park na pala kami, hindi ko man lang namalayan.
Si Rafael ang may hawak kay Sean. Habang naglalakad kami, napansin kong parang wala masyadong tao ngayon, napakatahimik naman. Tsaka parang wala ata yung mga kaibigan ni Sean. Nakakapanibago.
Mga kalahating oras pa siguro ang lumipas, biglang nanakbo si Sean. "Ako na hahabol, dito ka lang." Nanakbo rin si Rafael para sundan si Sean.
Umupo muna ako sa may bench. Ang tagal naman nilang bumalik, naiinip na ako.
Habang nag-aantay ako at nagce-cellphone, may narinig akong kumakanta.
🎶 Be my lady
Come to me and take my hand
And be my lady
Truly, I must let you know
That I'm in love with you
All I want is you
How I need you
So pleaseSino naman kayang tanga ang magvi-videoke sa park tapos hindi naman maganda ang boses. Hindi na siya nahiya.
Be my lady
Maybe, you could lose the pain
If you just tell me
Say the words you long to whisper
That I want to hear
Something's on your mind
Is it hidden in your smile?Be my lady
Just forget the past, it's time to mend your broken heart
No walls divide us now
So, dry the tears in your eyes
Nothing can stop us now
I'll give you all I haveBe my lady
You're the one that I adore
So, please, believe me
I can never find the courage
To resist your charm
Nothing's more divine
Than each moment
You are mineHabang tumatagal, kilala ko yung boses na yan ah. Tumayo ako at naglakad papunta kung saan nanggagaling yung boses.
Be my lady
Just forget the past
It's time to mend your broken heart
No walls divide us now
So dry the tears in your eyes
Nothing can stop us now
I'll give you all I haveLiteral akong napanganga sa nakita ko. Kanina iniisip ko lang sila, ngayon andito silang lahat sa harap ko. Hindi ako makapaniwala pero anong ginagawa nila dito?
Be my lady
Let the sun shine through your heart
And make a brand new start
Stay with me each night and day
Through the rest of my life
Just like a work of art
My love will last until foreverJust like a work of art
My love will last forever"Sabi ko na nga ba kilala ko yung boses. So, ikaw pala yung tangang nagvi-videoke sa park na hindi naman maganda ang boses. Hindi ka na nahiya." Pang-aasar ko kahit ang totoo ay naiiyak na ako.
Tumakbo papalapit sa akin si Sean habang may kagat-kagat na maliit na kahon. Kinuha ko ito at binuksan, "Ano to?" Pagtatanong ko habang hawak ang kahon na may lamang singsing.
"Para sa babaeng binigyan ng pangalan na Bea Bianca Sandoval
Bibigkas ako ng mga salitang sapat
Para sa pagmamahal mong tapat
Dahil para sakin ikaw lang ang babaeng karapat dapatSa lahat ng taong nandito, kaya kong ipagmalaki sa buong mundo
Na ikaw, ikaw na nakikinig ngayon
Ikaw na babaeng pinakamamahal ko
Ikaw na magiging ina ng mga anak ko
Ikaw ang bubuo sa pamilyang pinapangarap koIkaw na nagbigay ng inspirasyon
Dito sa mundong puno ng imahinasyon at lahat ay may limitasyon
Sa lahat ng tulang ginawa ikaw ang unang pag-aalayan ko
Na sa lahat ng taludtod nito, pagmamahal ko ang binibigkas koSiguro nga'y malawak ang aking imahinasyon
Dahil iniisip ko na hawak ko ang kamay mo sa paglipas panahon
Di ko hahayaang maubos ang tinta ng nagsusulat ng kwento nating dalawaAko ang sumulat at ikaw ang pamagat
Para bang ikaw ang pahina at ako ang aklat
Ikaw yung laman at ako naman ang balat
Ayan ang patunay na laging nakadepende sayo ang kasiyahan koOo, walang ako kung walang ikaw
Sa atensyon ko'y walang ibang makakapukaw
Asahan mong ikaw ang siyang laging pamagat
Sa mga tulang aking isusulatWill you marry me, Bianca?"
Hanggang ngayon hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, hindi ko alam ang sasabihin ko.
Nung una kumanta siya, nandito buong pamilya ko at mga kaibigan namin, ngayon nag spoken word poetry siya at tinatanong ako ng will you marry me?
Alam kong umiiyak na naman ako ngayon, pero hindi na dahil sa sakit kundi sa tuwa. Wala akong paki kung sasabihin na namang niyang tumutulo na ang uhog ko sa kakaiyak basta ang alam ko tumatakbo na ako ngayon papunta sa kanya.
Nang makarating ako sa harap niya, niyakap ko kaagad siya at hinalikan sa lips.
"Ofcourse I will marry you."
--
At dito na po nagtatapos ang kwento ni Bea Bianca Sandoval.
Thank you guys sa mga nag-tiyagang mag-antay sa napakabagal kong update, sa mga nagbasa hanggang dulo, maraming salamat talaga. 🥰
Btw, balak ko pong palitan yung title kasi marami palang kapareho. Any suggestions?
BINABASA MO ANG
When Ms. Piggy Turns To Ms. Sexy (COMPLETED)
Novela Juvenil"Kahit mataba ako, maganda ako. Kaya kong pumayat, e ikaw kaya mo bang gumanda?" "Mabuti ng lechon ang tawag sa amin, atleast sa lechon pag kinain mo walang natitira. E sa hipon? Kain katawan, tapon ulo." "Mataba ako kasi may pambili ako ng pagkain...