Rafael's POV
Habang sinasagot ni Bianca ang mga tanong namin, naka-titig lang ako sa kanya. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Kanina lang nalaman namin na buhay si Eureka at siya ang may pakana sa lahat ng nangyari, tapos bigla siyang umamin na siya si Bea Bianca at tinawag niya akong Sean Rafael.
"...Nag-iwan ako ng address sa librong ibinigay ko sayo, katulad yun nung librong ibinigay sa akin na may nakalagay na S.R. at dun ko naalala kung sino si S.R. sa buhay ko. Naalala ko kasi gustong-gusto mo yung libro na yun. Hindi ko naman in-expect na aakalain niyong patay na ko."
"Sino ba si S.R.?" Pagtatanong ni JP.
Gusto kong sabihin na ako si S.R., ako si Sean Rafael. Ako yung nagbigay ng libro sa kanya noon.
"Siya si Sean Rafael, ang pinakamamahal ko. Kaya nung naalala ko siya, itinigil ko na yung pag-hihiganti ko kasi alam kong hindi niya yun magugustuhan. Nung umalis ako sa ospital, itinuon ko lang yung atensyon ko sa paghahanap sa kanya."
Napaiyak ako sa narinig ko kaya pinunasan ko agad ang luha ko.
"Pero bakit mo tinawag kanina na Sean Rafael si Louis?" Pag-uusisa pa niya.
"Dahil kanina ko lang din nalaman na siya si Sean Rafael."
Kanina lang niya nalaman?
"Pero paano mo nalaman na ako nga si Sean?" Sumabat na ako.
"Nung lumabas ako ng ospital, wala akong ibang ginawa kundi hanapin ang taong nagnga-ngalang Sean Rafael. Matagal din akong naghanap hanggang sa nawalan na ako ng pag-asa kasi lahat na ata ng connection ko ginamit ko na. Sa dami ng connection ko, wala pa ring nakakakilala sayo. Ang gi—"
*Arf* *arf*
*Arf* *arf*
"Rosey."
"Yes, Ms." Agad naman binuksan ni Rosey yung pinto para papasukin yung aso.
Tumakbo naman yung aso palapit kay Bianca at pilit tinatalon ang kama. Iniakyat ni Rosey yung aso sa may kama at pagkatapos ay dinilaan nung aso si Bianca.
"Babyyyy, nag-alala ka ba kay mommy? I'm okay na, by the way pala, I want you to meet your Tita Margaux. She's my bestfriend." Bigla siyang tumingin sakin at itinuro ako, "He's not your Daddy Louis anymore. He's your Tito Sean... unfortunately"
Aba, kanina lang pinakilala niya akong Daddy Louis, ngayon Tito Sean na lang? Unfortunately pa, parang ayaw pang pumayag.
"Hanggang ngayon mahilig ka pa rin pala sa aso, kagaya ka pa rin ng dati." Sabi ni Margaux habang kinakamutan sa tiyan yung aso kasi lumapit siya kay Margaux.
Naalala ko tuloy, mahilig nga pala siya sa aso kaya ko nga pala siya nirega— "T-teka, siya ba yung niregalo ko sayong aso nung mga bata pa tayo?"
"Oo, siya nga. Nung walang makakilala sayo, tsaka ko lang naalala yung aso na niregalo mo sa akin noon. Mabuti na lang nasa bahay pa siya, inaalagaan ng care taker ng bahay namin."
Tinawag ko yung aso at hinawakan, ako ang bumili sayo pero bakit hindi kita nakilala?
"So, paano mo nga ulit nalaman kanina na ako yung hinahanap mo? Na ako si Sean?" Pagtatanong ko ulit, kasi naman naputol yung pagsasalita niya kanina nung dumating yung aso.
"Kanina habang hawak mo ako sa braso, napansin ko yung suot mong singsing. Wala ka namang sinusuot na singsing dati, ngayon lang kaya napansin ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Yang singsing na suot mo, yan yung binigay ko sayo nung mga bata pa tayo. May initials ko pa yan samantalang yung singsing ko, initials mo ang nakalagay." Sabay abot sa akin nung singsing.
Tinignan kong maigi yung singsing, may initials ko nga. Siya talaga si Bianca, naniniwala na talaga ako ng walang halong pag-dududa.
Nang maibalik ko sa kanya yung singsing, "Nung nakita ko yung singsing at sinabi mong si Bea ang mahal mo, hindi ako nagpa-tumpik-tumpik pa, nagpakilala agad ako sayo pero hindi mo ako pinaniwalaan."
"I'm sorry Bianca." Wala na akong ibang masabi kundi sorry.
"Hindi mo ako pinaniwalaan."
"Hindi mo ako pinaniwalaan."
"H-hindi m-mo a-ako p-pinaniwalaan."
Paulit-ulit niyang sabi hanggang sa umiyak na siya.
Nasasaktan ako ngayong nakikita ko siyang umiiyak. Umiiyak siya dahil sakin.
"B-bakit m-mo a-ako i-iniwan? H-hindi mo dapat ako iniwan. Kung hindi mo ako iniwan, hindi ko sana dinanas ang lahat ng yon." Biglang sumeryoso ang mukha niya. Nakayukom na rin ang kamay niya.
"I'm very sorry Bianca. Hindi ko gustong iwan ka, kinailangan kong iwan ka noon. Hindi ko ginusto yon."
"Bakit nga? Bakiiiittttt?!"
"May sakit ako!" Wala na namang dahilan para itago ko pa.
"WHAT?!" Sabay-sabay nilang tanong.
"Kinailangan kong umalis noon kasi may sakit ako. Nung nagka-amnesia ka, dinala ako ng parents ko sa ibang bansa kasi I was broken at a very young age. They thought na baka makasama sa lagay ko. Few years later, bumalik kami ng Pilipinas at Louis na ang pangalan ko. Nung una pinapanood lang kita sa malayo, okay na sakin yun. Anong magagawa ko? Gustuhin ko man na lumapit sayo noon, hindi ko magawa kasi hindi mo ako kilala. Pero hindi ko rin napigilan ang sarili ko, nakipag-kaibigan ako sayo bilang Rafael. Nung iniwan kita sa mall noon, inatake ako bigla kaya kinailangan ko na namang iwan ka. Dumaretso ako sa doctor ko at ang sabi sakin ay kailangan ko ng magpa-heart transplant kasi kapag dinelay ko pa, baka maging huli na ang lahat para sa akin. Hindi sigurado kung mabubuhay pa ako kahit maging successful ang transplant kaya pinag-isipan kong mabuti. Natatandaan mo pa ba? Isa sa three wishes ko sayo ay antayin mo ako, babalikan kita, ipagtatapat ko sayo ang lahat, yung tungkol satin. Sabi ko, makikipag-sapalaran na ako. Isusugal ko na yung natitira kong buhay kung ang magiging kapalit naman ay makasama ka habambuhay. Alam mo ba kung gaano kasakit yung naka-survive ka nga pero pag-uwi mo wala ka ng inabutan. Halos gumuho ang mundo ko non nung malaman kong wala ka na. Sorry talaga Bianca kung kinailangan kong iwan ka ng paulit-ulit pero hindi ko talaga ginusto yon. Hanggang ngayon, mahal na mahal pa rin kita Bianca." Hinalikan ko muna siya sa noo bago ko siya niyakap.
"Iintindihin kita sa lahat ng ginawa mo at kung bakit mo yun nagawa. Sana ako naman ang intindihin mo sa lahat ng mga nagawa ko at gagawin ko pa lang. Lagi mo lang tatandaan na mahal na mahal din kita, Sean." Pagkatapos ay hinalikan niya ako sa pisngi.
BINABASA MO ANG
When Ms. Piggy Turns To Ms. Sexy (COMPLETED)
Teen Fiction"Kahit mataba ako, maganda ako. Kaya kong pumayat, e ikaw kaya mo bang gumanda?" "Mabuti ng lechon ang tawag sa amin, atleast sa lechon pag kinain mo walang natitira. E sa hipon? Kain katawan, tapon ulo." "Mataba ako kasi may pambili ako ng pagkain...