Margaux's POV
Isang linggo na ang lumipas simula nung inaresto kami.
Finally, after one week, nakalaya din kami. Thanks to Louis, siya kasi may kakilala dun sa abogado.
Sa isang linggo ko sa kulungan, andami kong napagnilayaan. Nag-reflect ako sa sarili ko, sa mga nagawa ko.
Ngayong nakalaya ako, ituturing ko itong pangalawang buhay. Itatama ko na ang mga mali kong nagawa.
Una, umuwi muna kami sa bahay. Hinatid kami ni JP. Dumaretso muna ako sa kwarto para maligo. At pagkatapos ay daretsong higa.
Grabe, namiss ko tong kama ko. Habang nagce-cellphone, nakita ko yung picture namin ni Charla. Bigla akong napaluha, di na ako nagpatumpik-tumpik pa, tinawagan ko siya.
"Hello?" Panimula niya.
"Hello Charla, ako to si Margaux."
Hindi siya nagsasalita, pero hindi niya inend yung call.
"Gusto ko lang sabihin na I'm very sorry sa lahat ng nagawa ko, sa mga kasamaan ko, kamalditahan ko, basta sorry sa lahat. Sana mapatawad mo ako. Okay lang kahit napilitan ka lang na kaibiganin ako, basta para sakin ikaw ang pinaka-malapit kong kaibigan. Sana maaayos pa natin to. Miss na kita Cha."
Hindi pa rin siya nagsalita, kaya ako na ang nag end ng call.
Tama lang yung ginawa mo Margaux. One step at a time.
Naniniwala akong, magkakaayos din kami ni Charla, hindi nga lang ngayon pero soon. Kailangan niya lang siguro ng time para mag-isip-isip. Kung hindi na kami magkaayos, tatanggapin ko ng maluwag, kasalanan ko rin naman kasi. Masyado akong nakampante na kahit anong mangyari, nandyan lang siya lagi sa tabi ko. But I was wrong. Napagod siguro siyang maging kaibigan ang isang katulad ko.
*tok* *tok* *tok*
Nagising ako nang may biglang kumatok sa pinto ko, nakatulog na pala ako kanina. Tumayo ako at binuksan ang pinto.
"JP?" Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Is this for real? Nandito siya ngayon?
"Bakit parang hindi ka makapaniwala?" Pagkatapos ay tinawanan niya ako.
"Ah, wala. Ano palang meron? Bakit ka napunta dito samin? Bihis na bihis ka pa. San lakad?"
Tinawanan niya na naman ako at pagkatapos ay binatukan ako. "Seryoso ka ba? Niloloko mo ba ako? Di porket birthday mo, pwede mo na akong sungitan."
"H-ha? Birthday ko?" Naguguluhan kong tanong kaya naging seryoso ang mukha niya. "Huwag mong sabihing nakalimutan mo na birthday mo ngayon?" Seryoso niyang tanong.
Inisip kong mabuti kung anong petsa na ngayon, at ng maalala ko, "It's a prank!" Sabi ko sa kanya at sabay tumawa ng malakas, pero pilit lang naman. Tumawa rin siya, kaya nakahinga na ako. Buti lumusot.
Birthday ko na pala ngayon, nawala na rin kasi sa isip ko. Sasara ko na sana ang pinto pero hinarang niya ang paa niya. "Anong gagawin mo? Bakit mo isasara yung pinto?" Pagtatanong niya.
"Babalik sa pagtulog. Bakit?"
"Hindi mo ba nakikita? Bihis na bihis na ako tapos sasabihin mo matutulog ka. Magbihis ka! Celebrate tayo sa labas, treat ko." Habang sinasabi niya yan ay nakatingin lang siya sakin na para bang nagmamakaawa na magbihis na ako.
"Sorry, pero wala ako sa mood. Tsaka ang tanda ko na para mag-celebrate pa ng birthday." Pagkatapos ay tuluyan ko ng isinara yung pinto.
Bumalik ulit ako sa kama at humiga. Gusto ko sana kasi kasama si JP, kaso wala talaga ako sa mood ngayon. Parang wala akong ganang kumilos, magsalita, umalis, parang tamad na tamad ang katawan ko. Basta ang gusto ko lang gawin ay humiga sa kama at matulog ng matulog ng matulog. Parang pagod na pagod ako kahit wala naman akong ginagawa.
Nagbukas ako ng fb, may mga bumati sakin. Bukas ko na lang sila rereply-an. Habang nag-i-scroll ako, nakita ko yung fb ng dati kong bestfriend. Bigla akong nakaramdam ng lungkot, napaiyak na naman ako ng biglang mag flashback sakin lahat ng mga pinaggagagawa ko sa kanya. Napakaiyakin ko ata lately.
Dali-dali kong binuksan ang email ko, ewan ko ba, parang may nagtutulak sakin na magbukas ng email. Tinype ko yung email nung dati kong bestfriend at nagsimulang mag-type ng message.
To: .........@gmail.com
Hi Be, hindi ko alam kung paano magsisimula. Alam kong mukha akong tanga sa ginagawa ko ngayon kaso wala na akong ibang maisip na paraan para masabi ko sayo yung mga gusto kong sabihin. Hindi ko rin kasi alam kung paano kita kokontakin. Alam ko naman na hindi mo na mababasa to pero ipupush ko pa rin tong email. Kung mabasa mo man, siguro iisipin mo na na-wrong send ako o kaya nababaliw na ako kasi kung anu-ano sinasabi ko, pero napaka-imposible naman na mabasa mo to. Wala namang mawawala na sakin, nawala na sakin lahat. At ikaw ang unang nawala sakin.I'm sorry Be, nagpalamon ako sa galit ko, sa mga insecurities ko, sa inggit ko sayo. Alam kong walang kapatawaran yung mga nagawa ko sayo, pero humihingi pa rin ako ng tawad. I know it's too late, pero diba sabi nila it's better to be late than never. Wala namang masama diba?
Alam mo Be, nitong huling linggo, nakakulong kami ng Daddy. Pero tinulungan naman kami ni Louis, ay Rafael nga pala tawag mo sa kanya. Hindi ko nga alam kung sino gumamit ng email para mag-demanda pero nakatulong sakin yung pagkakakulong namin. Dahil don, nakapag-decide ako na it's time para itama na ang mga mali kong nagawa. Kaso, mukhang hindi ko na maitatama yung mga mali kong nagawa sayo. Sorry talaga, ngayon ko lang kasi natanggap sa sarili ko yung mga pagkakamali ko.
Siguro kung mababasa mo to, nauumay ka na. Baka nga hindi mo tapusin. Pero kung natatandaan mo lang yung nakaraan, gustong-gusto mong nagkukwentuhan tayo habang nagkukulitan. Naalala ko pa, gusto mo lagi mag-shopping tapos bibili tayo ng magkaparehong bagay para matchy matchy tayo. After natin mag shopping pupunta tayo sa dvd store para mag rent ng gusto nating panoorin kasi diba mahilig tayong mag-movie marathon sa inyo o kaya samin.
Marami pa sana akong ikukwento sayo, pero baka magreklamo ka na nobela na yung sinulat ko. Beeee, miss na miss na kita. Madaming taon ang nasayang. Kung maibabalik ko lang sana ang lumipas na panahon.
Pagkatapos kong isend yung email, medyo gumaan yung pakiramdam ko. Pero gusto ko pa rin matulog kaya natulog ako.
*tok* *tok* *tok* *tok*
*kring* *kring* *kring*Bigla akong nagising sa lakas ng ringtone ko at sa lakas ng kumakatok. Parang masisira pinto namin. Una kong kinuha yung phone ko, si Daddy lang pala tumawag. Akala ko naman kung sino, bago ko ibaba yung phone ko, may napansin ako sa notification ko.
"AHHHHHHHHHH!"
BINABASA MO ANG
When Ms. Piggy Turns To Ms. Sexy (COMPLETED)
Novela Juvenil"Kahit mataba ako, maganda ako. Kaya kong pumayat, e ikaw kaya mo bang gumanda?" "Mabuti ng lechon ang tawag sa amin, atleast sa lechon pag kinain mo walang natitira. E sa hipon? Kain katawan, tapon ulo." "Mataba ako kasi may pambili ako ng pagkain...