JP's POV
Ilang buwan na ang lumipas, heto na naman tayo mag-Christmas Ball na naman. Halos isang linggo na lang.
Ayoko talagang umattend kasi hanggang ngayon nagi-guilty pa rin ako sa ginawa ko kay Bea.
Lahat ng prof namin pinilit kaming umattend ng Christmas Ball, kesyo may additional points daw. Pag hindi umattend, magco-community service sa loob ng isang linggo. Wala na akong choice kundi umattend, ayoko ngang mag community service.
"Okay Class, I have an announcement." Tumahimik ang lahat nung magsalita yung class president namin.
"Regarding sa Christmas Ball, formal dapat ang suot ng mga lalaki, at sa babae naman kahit casual lang okay na. Ang theme natin ay white. Hindi naman puro puti, basta kahit may touch of white lang. And lastly, the search for Mr. and Ms. Metamorphosis will be done during the Christmas Ball, on-the-spot po siya." Pagkatapos ay nagmamadaling umalis kasi may meeting pa raw sila.
Sinong date ko? Sino pa nga ba, si Margaux.
Flashback
*ding dong* *ding dong*
Nagising ako nung may mag doorbell. Tinignan ko yung orasan ko, alas dose na ng madaling araw.
Si Margaux.
"Anong ginagawa mo dito? Hindi mo ba alam kung anong oras na?" Panimula ko.
"Please JP, wag mo namang gawin sakin to. Kahit sa Christmas Ball lang, ako ang i-date mo." Mangiyak-ngiyak niyang sabi.
"Paano kung ayoko?"
"Gagawin ko lahat please JP, pumayag ka lang."
"Gagawin mo ang lahat?" Mukhang familiar yung pangyayaring to ah.
Noon, alas dose rin ng madaling araw, ako ang nagmamakaawa sayo. Tignan mo nga naman ang pagkakataon, ngayon, ikaw na ang nagmamakaawa.
"Oo promise."
"Sige payag ako..." hindi ko na natapos yung sinasabi ko kasi sumagot agad siya.
"Talaga?"
"...pero pagkatapos ng ball, lalayuan mo na ako, hindi mo na ako guguluhin. Is it a deal?"
"Paano kung ayoko?" Pag-aalangan niya.
"Edi pumunta ka mag-isa sa ball." Papasok na sana ako sa bahay nang bigla siyang magsalita, "S-sige na, payag na ako."
"Good."
End of Flashback
Ide-date ko lang siya para tigilan niya na ako. Wala siyang ibang ginawa nitong mga nakaraang buwan, kundi sundan ako, kulitin ako, naglalakpakan na nga ang mga grades niya nung first sem.
Naging busy kami sa paghahanda para sa Christmas Ball kaya mabilis na lumipas ang mga araw.
Mamaya na gaganapin ang Christmas Ball.
*kring* *kring*
"Hello?"
"Baby." Si Margaux na naman.
BINABASA MO ANG
When Ms. Piggy Turns To Ms. Sexy (COMPLETED)
Teen Fiction"Kahit mataba ako, maganda ako. Kaya kong pumayat, e ikaw kaya mo bang gumanda?" "Mabuti ng lechon ang tawag sa amin, atleast sa lechon pag kinain mo walang natitira. E sa hipon? Kain katawan, tapon ulo." "Mataba ako kasi may pambili ako ng pagkain...