Chapter 10

1.1K 33 3
                                    

Bea's Pov

Dumating na ang araw kung saan haharap ako sa mraming tao. Sana hindi ako mautal.Ngayon lang ako sumali sa spoken word poetry.
Maaga akong kuios, syempre nag-ayos ako ng sarili. Parakung matalo man, atleast hindi ako mukhang bruha. 10 AM pa naman start ng program kaya okay lang kahit mabagal kumilos
Nagluto muna ak,ulog pa si Mama. Nagprito ako ng dalawang itlog, apat na tuyo, at isinangag ang natirang kanin kagabi.

Hinanda ko na yung plato, naglagay na rin ako ng suka't bawang. Syempre hindi kumpleto ang tuyo pag walang sawsawan.

"Maaaaaaa! Kakain naaaaaaa!"

Maya-maya ay nakarinig ako ng footsteps, ibig sabihin gising na si Mama.

"Anong meron?" Tanong niya.

"Almusal." Sagot ko.

"Alam ko, what I mean is, anong meron at nagluto ka?" Isa pa niyang tanong.

"Wala lang, mamaya pa kasi pasok ko. Tulog ka pa rin naman, kaya ako na ang nagluto. Halika na, kain na tayo?" Pag-aaya ko.

Kumain na kami, naka-kamay. Hayy sarap talagang kumain nang naka-kamay. Pinoy na pinoy ang dating.

Pagkatapos naming kumain ay naligo na ako at pumili ng isusuot. Tuwing may event, allowed kami na hindi mag-uniform. Ano kayang isusuot ko?

Simple lang ang isinuot ko, naglagay rin ako ng liptint tsaka cheektint. Ayokong pumunta don na maputla ako.

Anong itsura ko? Teka, mag-picture ako.

Oh diba napakaputla ko, paano pa kaya kung wala akong nilagay na liptint tsaka cheektint

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oh diba napakaputla ko, paano pa kaya kung wala akong nilagay na liptint tsaka cheektint.

Ang puti ko sa picture na to ah.

Pagkatapos kong mag-ayos ay umalis na ako. May dalawang oras pa ako, okay lang yun. Irerevise ko pa yung ginawa ko, baka may wrong choice of words ako.

Pagkarating ko sa room, umupo agad ako sa dulo sa may tabi ng bintana. Tumingin lang ako sa labas ng bintana habang naka-earphone. Hanggang sa unti-unting nagdatingan ang iba kong kaklase.

Maya-maya ay pinapunta na ang lahat ng estudyante sa auditorium. Habang tinatanggal ko yung earphone ko ay nakareceive ako ng text message.

Galing kay JP.
Hi Bea, balita ko kasali ka raw sa Spoken. Good luck :) Miss na kita, galit ka pa rin ba sakin?

Miss mo ko? Miss mo lang akong utuin. Miss mo mukha mo!

Pero sa totoo lang, namimiss ko na siyang kasama. Kaso pag naaalala ko na sila na ni Margaux, naiisip ko na hindi na mauulit yung dati.

When Ms. Piggy Turns To Ms. Sexy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon