Chapter 35

712 20 4
                                    

Margaux's POV

"Pabalikin niyo si Ms. Montecarlo sa klase ko! Gusto ko by next week, nasa klase ko na siya! Take it or leave it!"

Yan ang huling sinabi ni Ms. Helen bago siya umalis, like what the hell? GUSTO NIYANG PABALIKIN NAMIN YUNG BABAENG YON SA KLASE NIYA? Sa pagkakaalam ko nga ayaw niya sa mga nagwo-walk out, tapos ngayon siya ang humahabol?

Kahit labag sa loob ko, walang akong magawa. Kailangan naming pabalikin siya para makabalik din kami sa klase. Bakit ba kasi lahat ng pabor nasa babaeng yon?!

"Margaux, p-paano gagawin natin? Tinarayan natin siya kanina." Mangiyak-ngiyak na si Charla.

I can't see her like this, kailangan kong gumawa ng paraan. Nadamay lang si Charla, kung hindi naman ako nagsalita, hindi rin naman siya magsasalita kanina.

I smiled at her, "Don't worry, aayusin natin to. Ang una nating gagawin, hahanapin natin siya. Pagkatapos ay saka natin kausapin."

"P-paano kung ayaw niya tayong kausapin?"

May point si Charla don, paano ngankaya kung ayaw niya kaming kausapin? Bahala na basta ang mahalaga mapabalik namin siya sa klase.

Hinawakan ko ang kamay niya, "Gagawa tayo ng paraan para kausapin niya tayo. Halika na? Hanapin na natin siya."

Pag nakita mo siya, kalma lang Margaux. Kinabukasan niyo ni Charla ang nakasalalay dito. Control your temper.

Nalibot na ata namin yung buong school pero hindi namin makita si Eureka. Nagtanong-tanong na rin kami sa ibang estudyante hanggang sa may isang nakapagsabi na nakita daw niya si Eureka sa library.

Dali-dali kaming pumunta sa library, nang mahanap na namin siya, lalapit na sana kami kaso napatigil kami nung makita namin si JP na tumabi kay Eureka.

Kumuha kami ng libro at umupo malapit sa kanila, pero nakataklob yung mukha namin ng libro.

Nakakainis, hindi ko marinig yung pinag-uusapan nila. Pangiti-ngiti ka pang babae ka ha, sakin lang si JP! Mga sampung minuto na ata namin sila pinapanood. Ano ba kasing ginagawa mo dito JP?

Lalo akong nainis nung nakita kong nagbubulungan sila, napakalapit na ng mga mukha nila sa isa't isa.

Kitang-kita ko ang paghawak ni JP sa kamay ni Eureka. Hindi ko na napigilan ang sarili ko nang makita kong hinawakan din ni Eureka ang kamay ni JP.

Malakas ang pagkakalapag ko ng libro sa mesa kaya napatingin samin ang lahat.

"MARGAUX?!" Gulat na sabi ni JP.

Nilapitan ko sila at walang alinlangang hinila ang buhok ni Eureka.

"Malandi kang babae ka haaaaa!" Kinaladkad ko siya palabas ng library habang hila-hila ko ang buhok niya.

Inabot ko kay Charla yung phone ko para i-live yung mangyayari. Malandi kang babae ka, ipapakilala kita sa buong mundo.

Nakasunod lang samin si Charla, si JP naman inaawat ako pero hindi niya ako maawat. Yung ibang estudyante ay sumunod lang din samin.

"Diyan lang kayo, wag kayong susunod!" Sigaw ko sa kanila.

Hinila ko si Eureka hanggang sa makarating kami sa 2nd floor para kitang-kita nila kung paano ko ipapahiya ang babaeng to.

When Ms. Piggy Turns To Ms. Sexy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon