JP's Pov
"ANO YAN?!" Sigaw ko nung makita kong magkayakap sina Bea at Rafael.
Humarap sila sakin at kinunotan lang ako ng noo ni Bea.
"Halika na Bea." Hinawakan ko siya sa kamay at hinila. Pero hindi siya nagpahila at tinanggal agad yung kamay ko sa pagkakahawak sa kamay niya.
"BEA ANO BA!" Napalakas na ang boses ko, hahawakan ko na sana siya kaso may biglang humawak sa kamay ko.
"Anong nangyayari dito Baby?" Pagmamalasin ka nga naman, wrong timing talaga tong si Margaux e.
"Ano din yan?" Tanong ni Bea.
Bago pa ako makasagot ay biglang nagsalita si Rafael, "Alam mo BABE, kailangan na nating umalis. May ice-celebrate pa tayo." Hinawakan niya ang kamay ni Bea at umalis na sila.
Nakakainis! Mas pinili pa talaga niyang sumama don sa lalaking yon kaysa sakin?
"Ano ba Baby, halika na." Pag-aaya ni Margaux.
Tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko, "Ano ba Margaux?! Hindi mo ba ako titigilan? Lumayo-layo ka nga sakin! Naaalibadbaran ako sayo!" Pagtataboy ko sa kanya.
Nakakairita, lagi siyang nakabantay sa akin. Akala mong girlfriend kung makabantay. Wala na akong time para lumapit kay Bea. Hindi ko na nga siya nakakasama, kahit usap hindi rin. I hate it!
Ako nga pala si Jan Paul Ramirez, tawagin niyo na lang akong JP. Transferee lang ako this year.
Kung matatandaan niyo, ako yung JP na nagbigay ng white roses, m&m, at nagyayang makadate si Bea Bianca Sandoval sa darating na Christmas Ball. Kinantahan ko pa nga siya noon ng Torete, buti na lang at hindi niya ako tinanggihan.
Naging close kami sa maikling panahon. Lagi nga kaming magkasama noon. Hanggang sa dumating si Margaux sa buhay namin. Doon na nagkanda-letse-letse ang lahat.
Simula nung pangyayari sa cafe, yung pagkakaroon ng sugat ni Bea sa kamay, pati yung mga masasakit na salitang nasabi ko, nagbago na ang lahat. Hindi na siya tulad ng dati.
Alam ko namang patay na patay sakin yon, kaya ineexpect ko na isang sorry ko lang sa nasabi kong "Ang arte-arte niya, di naman maganda, ang baboy pa.", ay mapapatawad niya kaagad ako.
Pero nagkamali ako, nag-iba na ang pakikitungo niya sa akin. Naging cold na siya.
Dati, makita niya lang ako, ngingitian niya kaagad ako. Ngayon, kada makikita niya ako, dinadaan-daanan na lang niya ako.
Nakakamiss yung pagiging makulit niya, sweet, lahat namimiss ko sa kanya. Ewan ko ba kung bakit nagkakaganito ako. Nasanay lang siguro ako sa presence niya.
Hindi pwedeng magkasira kami. HINDIIIIIIIII!
Bea's Pov
Nagulat ako nung sumigaw si JP ng "ANO YAN?!" Napabitaw tuloy ako non kay Rafael. Kumunot lang ang noo ko.
Nagulat ako ng hinawakan ni JP ang kamay ko at sinabing "Halika na Bea." Agad kong tinanggal ang kamay niya.
BINABASA MO ANG
When Ms. Piggy Turns To Ms. Sexy (COMPLETED)
Genç Kurgu"Kahit mataba ako, maganda ako. Kaya kong pumayat, e ikaw kaya mo bang gumanda?" "Mabuti ng lechon ang tawag sa amin, atleast sa lechon pag kinain mo walang natitira. E sa hipon? Kain katawan, tapon ulo." "Mataba ako kasi may pambili ako ng pagkain...