Chapter 15: Welcome, Jack [Revising]

43 6 2
                                    

Elyza's POV

Nandito kami sa room naming mga girls at nag-iisip kung anong susuotin namin para sa island hopping. Nag decide kami na mag two piece nalang at magsuot muna ng hanging na tshirt at shorts  kapag hindi pa bababa sa speed boat.

Lumabas na kami at naabutan namin ung mga lalaki na naghihintay na sa baba para kumain kami ng lunch.

"Haaay. Ang tagal nyo naman Bae." pang-aasar ni Cryst kay Brelia.

"Yuck! Eww. Baka naman! Kadiri ka." Sagot naman ni Brelia na diring diri at kumapit pa kay Xia.

"Kayo ah. May hidden relationship na kayo." Sabi ni Xia. Nagulat nga ako dahil ngayon lang sya nagsalita at nagiba ung mood niya pagtapos nung confession ni Jack. Hmmm...

"Xia! Eww. So gross." Sabi niya sabay palo kay Xia.

"Ang sakit nun Bae! Ikinakahiya mo ba ako?" Sabi ni Cryst kaya ayun. Nakatanggap ng dalawang batok from Jack and Sanjay.

"Ulol. Umayos ka." -Sanjay.

"Nababading ka na Pre. Tigilan mo yan." -Jack.

"Hahahahahaha!" Tawa naming lahat.

Kumain lang kami at pagtapos ay pumunta na kami sa sasakyan namin na speed boat.

Nagstart ng umandar ung speed boat na sinasakyan namin habang kami naman ay busy na magpicture sa mga nakikita naming magagandang tanawin.

"Wowww.." sabay- sabay naming sabi maliban kay Xia kaya napalingon narin siya.

Xia's POV

"Wowww.." rinig kong sabi nila Brelia kaya lumingon din ako sa tinitignan nila.

Woaaah! Ang ganda nga. Masyado siguro akong spaced-out kaya di ko napansin.

"Ito ang Perfect Island. Ito rin ung pinaka favorite kong Island." Sabi ni Sanjay. Naging tour guide na!

"Bababa po kayo?" Tanong samin ng driver ng speed boat.

"Yep. Were gonna swim!" Sabi ni Brelia. Hinubad na niya yung hanging tshirt at shorts nya.

"Brelia! Masyadong malalim!" Sigaw ni Cryst pero huli na at nakatalon na si Brelia. 15 segundo na ang nakalipas at hindi parin sya lumilitaw kaya tumalom si Cryst.

Maya maya lang ay nakita na namin si Brelia na lumitaw habang tumatawa.

Pagtingin ko ulit sa dagat ay lumalangoy na si Brelia pabalik at speed boat at hinahabol siya ni Cryst. Edi sila nang sweet! Psh.

Naghubad narin ako ng hanging tshirt at shorts at handa ng tumalon ng biglang may humila sakin pabalik. Pagtingin ko ay biglang bumilis ung heartbeat ko.

Pero.. bakit?

Ah siguro dahil nagulat ako dahil hinawakan nya ako bigla. Ha-ha. Yun nga yun.

"Wae?" Tanong ko sakanya.

"Ah. Wala. Tatalon rin kasi ako." Sagot niya. Tumango ako at tumalon na. Naramdaman ko naman na sumunod din siya.

Katabi ko na ngayon si Brelia at hinihintay namin si Sanjay at Elyza. Nakita namin na may hawak na mga life vest ung dalawa. Binato nila saamin ung apat. Sila naman ay sinuot muna yung life vest nila bago tumalon. Tss! Away-from harm couple!

Pagtapos ng ilang minuto ay nagdesisyon na kaming bumalik sa speed boat at pumunta sa isang island.

Ang next island na pinuntahan namin ay BAL Island. Ayon kay Sanjay, may meaning raw ung BAL kaso nakalimutan niya.

Wrong Place, Wrong Time, Right Person (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon