Jack's POV
Pagkatapos ng Initiation namin sa resort nila Sanjay ay official na, na kasama ako sa barkada nila.
Ewan ko ba dun sa mga un pero atleast nagenjoy din kami..
Ngayon naghahanda na ako para pumasok. Pagkatapos kung maligo at magbihis ng Uniform ko ay pumunta na ako sa kusina.
"Good Morning kuys!" bati sa akin ni Kass na kumakain ng agahan kasabay ni ate Franciene.
"Good morning baby!" bati ko rin sa kanya.
"By the way Jack, anong nangyari sa outing nyo with your friends?" tanong sa akin ni ate Franciene pagkaupo ko.
"Actually, hindi un outing. Initiation. They want to know me better. About sa Initiation, Masaya.." sagot ko sa kanya.
Tumango lang sya at nagpatuloy na sa pagkain. Kumain na rin ako.
***
Nagsisimula ng magdiscuss nag teacher namin sa harap. Ang subject namin ngayon ay English.
"Okay class, for your project, group your selves into three." wika ng aming guro pagkatapos nyang magdiscuss ng aming lesson.
"Pano yan guys, sino-sino ang magkakagroup satin?" tanong ni Cryst.
"Ganito na lang. Ako, si Cryst at Brelia ang magkakagrupo. Tapos sila Xia, Sanjay, at Jack ang magkakagrupo. Agree?" suhestiyon ni Elyza.
Since pumayag naman sila, wala na akong magagawa.
"You're project is to make a story na may Compound, Complex, and Simple sentences since iyon ang ating topic. Ang deadline nyan ay next Wednesday. Kahit anong genre ng story basta ay walang mga bastos. Okay that's all. Goodbye class." pagpapaliwanag ng aming guro.
"Tara pagusapan nating tatlo ang story natin." sabi ni Sanjay sa amin ni Xia.
Pinaharap naman namin sa isa't isa ang aming upuan.
"Anong genre ang gusto nyo?" tanong ni Sanjay.
"LOVESTORY." sabay naming sabi ni Xia.
"Ahemmmm!" narinig kong tikhim ni Cryst. Naguusap din kasi silang tatlo tungkol sa story nila since wala pa naman ang next teacher.
"Yieeeee!" tukso sa amin ni Elyza at Brelia. Pati ba naman sila?? Bakit ba kasi sila nakikinig.
Okay! edi lovestory." si Sanjay.
Dumating na ang Math Teacher namin kaya mamaya na lang daw namin ituloy. Inayos na rin namin ang aming upuan.
"Our topic today is finding the Percent, Rate, and Base." panimula ng aming Math teacher.
Nagdiscuss lang sya kung paano kunin iyon at nakinig lang ako.
Pagkatapos ng Math ay Filipino. Nagdiscuss lang din ang teacher namin. Pagkatapos ng Filipino ay Edukasyon sa Pagpapakatao.
***
Nasa Cafeteria kami ngayon at kumakain ng aming pananghalian.
"After nating kumain, pagusapan natin sa garden ang story natin para matahimik." sabi ko kila Sanjay at Xia.
Tumango lang sila at pinagpatuloy na namin ang pagkain.
Nang matapos na kaming kumain ay nagpaalam kami kina Cryst, Brelia, at Elyza na sa garden lang kami pupunta para mapagusapan namin ang aming story.
Umupo kami sa mga upuan na may lamesa doon sa garden pagkarating namin.
Hindi masyadong mainit dahil may puno naman.
"So, ano na ang story natin?" tanong ni Xia.
"Hmmm! Ako may alam. Infatuation. Para relate din naman tayo diba!" Suhestiyon ko.
"Pwede rin. Pero anong takbo ng story natin?" tanong ni Sanjay.
"Uhmmmm..... Ganito na lang may isang babaeng bagong transfer sa isang University. Tapos meron sa University na popular na guy pero hindi sya badboy. Mabait sya at gentlemen. Tapos ung babae pumunta sa garden ng University para hintayin ang mga friends nyang transferee din. Umupo sya sa bench na nandun. Tapos lumapit yung popular na guy sa babae at sinabing parang na upuan sya. Tapos tumayo ung babae at nakitang may pintura sa skirt nya. Nataranta ung babae. Hindi nya iyon napansin nung umupo sya. Nagalit ung babae sa guy dahil akala nito sya ang may pakana. Pero ipinaliwanag nung lalake na hindi sya un at may nakita lang syang lalake na naglagay ng something doon. Naniwala naman ang babae. Inabutan ng guy ung transferee ng jacket para ipangtapis. Tapos naging maging magkaibigan sila at habang tumatagal, akala ng lalake na nahulog na sya sa babae kaya sinabi nya sa babae. Hindi naniwala ang babae dahil baka nagkakamali lang daw sya sa nararamdaman nya dahil bata pa sila. Kaya Infatuation. Na akala ng mga kabataan ay true love pero infatuation pala." paliwanag ko ng aking idea.
"Maganda. Un na lang kaysa mahirapan pa tayo mag-isip ng iba." sabi ni Sanjay
"Ano namang pangalan ng Cast?" tanong ni Xia.
"Ahh! Arvin and Moira!" suhestiyon ni Sanjay.
"Woow. Okay maganda naman!" sabi ko.
Sinulat namin sa notebook ang cast, genre at iba pa.
"This weekend na lang natin itype sa loptop. Atleast ngayon alam na natin ang gagawin sa story. Sa bahay na lang namin. Meron naring loptop doon and printer." si Sanjay.
Sumang-ayon na kami ni Xia at naglakad na papuntang room dahil 15 minutes na lang ay time na.
"Ano, may nabuo na kayong ideas?" tanong samin ni Cryst ng makarating kami sa room.
"OO." sagot naming tatlo.
"Kayo meron na?" balik na tanong ko.
"Uhmm.. Meron na rin. Horror samin." sagot ni Elyza.
"Ahhhh." ako, Sanjay, at Xia.
Hinintay na lang namin ang Science teacher namin. Ilang minuto lang ay dumating na rin sya.
"Good afternoon class." bati nya sa amin.
"Good afternoon ma'am Condolia!" bati naman namin.
"Our lesson is Circulatory System..........." at nagdiscuss na sya
Pagkatapos ng Science ay History na. Nagdiscuss lang din ang teacher namin.
***
Umuwi na kami pagkatapos ng klase namin.
Hayy!! Infatuation.
------------------------------
A/N: hayy! We hope na sana nagugustuhan nyo rin ito!Please Vote and Comment!❤❤
-Author J.M(jonayyiee)
(Akin si Jungkook!!)
BINABASA MO ANG
Wrong Place, Wrong Time, Right Person (on-hold)
Novela JuvenilOn-hold Kajejehan namin huwahahahahaha KSQUAD1922