Chapter 8: Can you be my partner?

56 6 0
                                    


Xiandra's POV

Nakakainis talaga sila! Hindi man lang nila ako hintayin Hayshh! Ambait talaga ng mga kaibigan ko!

Papunta na kami ngayon sa classroom. Ayun, nauuna sila at ako ung nasa huli.. Yes, ako lang ung sa huli!!

"Huy tulungan nyo nga si Xia" sabi ni Brelia nung lumingon sya sakin sa likod. Hay salamat! Napansin din nilang hirap na hirap na ako.

"No thanks. Kaya ko na! Bago nyo pa ako naisipang tulungan kung saang nasa tapat na tayo ng room" kunwari'y nagtatampong sabi ko sabay turo sa room namin sa aming tapat.

"Sorry po" sabi ni Elyza sabay hawak sa may gilid ng palda nya at ginaya si chichay (ung sa Got to believe) "Tara balik tayo sa Cafeteria tapos alalayan natin si Xia papunta ulit dito" biro pa neto.

"Tsss. Tara pasok na tayo mamaya dumating na ung prof natin" sabi ko na lang sa kanila at pumasok na nga kami.

Natapilok kasi ako habang palabas ng canteen.

Kasalan ko bang maout balance ako!? Buti na lang nakahawak ako sa likod ni Sanjay.

So yun na nga. Ilang minuto lang ay dumating na ang prof namin.

"Class, mag kakaroon tayo teen ball next Wednesday. Sabi ng ating Principal, maganda daw kung magkakaroon ng king and queen dito kaya iyon ang program na gagawin natin para mahanap iyon. Sumang-ayon naman kami dahil magandang idea iyon. Senior High lang daw ang pwede. Kaya kabilang kayo sa ball at walang hindi sasali. Since meron pang isang linggo bago ang ball, time nyo iyon to prepare and find your partner. Dito lang sa room ang pwede nyong makapartner para mas makilala ninyo ang isa't isa dahil kayo-kayo parati ang magkakasama." sabi ng prof namin tsaka sya pumunta sa table nya at umupo at may isinusulat sa papel.

"Kyaah. Gusto ko niyan"

"Whaah. Makakasuot na naman ako ng gown"

"Excited much"

Sabi ng mga kaklase kong babae maliban sa mga kaibigan ko.

"Hmmm. Uhhh, Brelia partner tayo ha" rinig kong sabi ni Cryst kay Brelia.

"Of course." sagot naman ni Brelia.

"Elyza, partner tayo ah? Please, libre kita kahit saan." sabi naman Sanjay kay Elyza.

"Since Ayoko namang mapahiya ka, okay." sagot ni Elyza tsaka umirap.

Teka paano ako? Sino partner ko?

(Now Playing: Beautiful by BTS)

Tinignan ko ang katabi kong si Jack ng mata lang ang gumagalaw at hindi lumilingon sa kanya. Napapansin kong sumisilip din sya sa akin kaya umiiwas agad ako ng tingin.

"Ahamm. Uhhh... Uhhh... Xiandra." pinutol ni Jack ang kanyang sasabihin. Bumilis naman ang tibok ng puso ko. "Can... Can y-you be my pa-partner?" utal-utal nyang sabi.

Anong isasagot ko? Aishhh!! Cge na nga! Okay na yan kaysa walang mag alok sakin.

"Uhh.. Oo naman bakit hindi" Yan na lang ang nasabi ko.

"O-okay. Thanks" mahinang sambit nya.

"Sus. Nagkakahiyaan patong dalawa" Tukso ni Elyza sa amin. Tinignan ko na lang sya ng masama at tumahimik na rin sya.

Tumayo na ang prof namin at pumunta sa harapan para magdisscuss.

Discuss whole day.

******

"BYE" paalam naming magkakaibigan(syempre kasama si Jack dahil kaibigan na ang turing nila sa kanya) sa isa't isa.

Sinusundo na ako ng driver namin nung nalaman nila mommy ang nangyari sa akin sa parking lot.

"I'm home" sabi ko ng makarating ako sa bahay.

"Oh iha nandiyan ka na pala eh. Mauupo ka muna sa sala at ipaghahanda kita ng makakain." sabi sa akin ni manang nang makita nya akong dumating.

"Cge po manang. Thanks" sagot ko naman kay manang.

Habang hinihintay ko si manang, nakikinig muna ako ng mga kanta ng BTS, at nanunuod ng Video nila lalong-lalo na ni Jungkook😍

"Iha ito na oh. Kumain ka muna at pagkatapos ay pumunta ka na sa kwarto mo para makapagbihis" sabi ni manang ng makabalik na sya.

"Okay po manang. Salamat" tugon ko naman.

Kumain na ako at tsaka pumunta sa kwarto ko para makapagpalit.

Nang matapos na akong makapagpalit ng uniform ko, umupo muna ako sa kama ko at nagisip-isip

'Can... Can y-you be my pa-partner?'

Bumilis na naman ang tibok ng puso ko ng maalala ko ang sinabi ni Jack sa akin.

'Can... Can y-you be my pa-partner?'


'Can... Can y-you be my pa-partner?'

'Can... Can y-you be my pa-partner?'

Hayshh! Bakit umeecho sa tenga ko ung sinabi nya! Nakakainis naman. Wala namang malisya dun? And duhh, nakakainis kaya sya.

Pero Bakit ganito ang nararamdaman ko?

--------------------

A/N: Oh ayan ha! Dalawang update! Pambawi sa maikling update ng isa nating author.

Sa mga susunod na chapters, ita-try naming maglagay ng picture sa mga scenes para makarelate din kayo sa aming imagination!😁😂

Please Vote, Comment and spread the love guys!❤❤

Wrong Place, Wrong Time, Right Person (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon