Chapter 22: Realize [Revised]

41 3 0
                                    

Jack POV

"Bro gising na bro" nagising ako nung maramdaman ko na may umuyog saakin.

"Uy bro nakarating ka na pala sorry nakatulog ako eh" si Sanjay pala nakabalik na. Kung itatanong nyo kung bakit bro yung tawagan namin wag niyo nang ituloy dahil wala din akong masasagot jan basta nagumpisa nalang yan mismo kay Sanjay...

"Ok lng bro sa susunod wag kang matutulog kung saan ha ksi hindi mo alam may IBA jan na nangnanakaw ng tingin" sabi ni Sanjay na dinidiin yung word na IBA.

"Ok lang wala naman akong pakielam sakanila" totoo naman eh wala naman akong pakielam kung may tumititig saakin sanay narin ako." (BABALA: Nahawa na ng Sanjay virus, Alamin ang paligid at maging maingat, ang Sanjay virus ay nakakahawa. Health and medical products are not yet tested for this virus. Thank you."

"Uuuhhhh... Kawawa naman yung IBA jan" diniinan nya ulit yung pagkasabi ng IBA. Ewan ko ba jan kung anong trip niyan. Pero siniko siya ni Xia tapos parang may binulong pero syempre hindi ko narinig, BULONG nga diba.

(PARKING LOT)

Pumunta na kami sa parking lot para makaderesto na kami sa Greenwich. Pumunta na ako sa drivers seat si Xia naman sa tabi ko tapos si Sanjay sa likod.

Awkward silence nanaman ang bumalot sa loob ng kotse. Hanggang sa makarating kami sa Greenwich wala paring umiimik saaming tatlo.

"Huy! Andito na sila" sigaw ni Brelia

"Libre mo bro ha! Nakaorder na kami" sunod naman na sumigaw si Cryst.

"Mga wala ba kayong pera? Ang Yaya man niyo ha! Pero sige na nga ako na!" Pagmamayabang ni Sanjay

"O ano pang hinihintay nyo jan kain na tayo" Elyza

Nung sinabi ni Elyza yun nagsimula na kaming kumuha at kumain ng pizza.
Bale ito yung arrangement namin.

   Brelia   Elyza    Xia
________________
    T     A     B     L    E
________________
   Cryst    Sanjay  ako

Kumain kami ng kumain tumigin naman ako sakanila tapos tumingin sa harap ko which is Xia may ketchup siya sa gilid ng bunganga nya pero pinabayaan ko lang yun, grabe matakaw din pla ito kumain tumingin nalang uli ako sa pagkain ko

Pero parang hindi ako mapakali. Kumuha ako ng tissue tapos pinunasan ko yung ketchup sa gilid ng bunganga ni Xia. Namula siya bigla, tapos feeling ko sasabog na yung mukha ko.

Nastuck up kami sa posisyon na yun habang pulangpula parin kami.

"Huy hindi na uso ang mannequin challenge tama na yan!" Cryst na may nakakaasar na tono.

Umupo naman ako ng maayos ganon din si Xia

"Huy! Ano yun ha bkt parang may something?" Elyza.

Something?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Hindi ko din alam - ____ -

Siguro

Pwede

EWAN!

Natapos na kami kumain at dumeresto na sa kotse, pero hanggang sa kotse hindi parin natatapos ang pangaasar.

"Yiieeeee! Baka nga may SOMETHING talaga!! Yiiiieee!" Sabi ni Brelia na sobrang kinikilig talaga as in sobra! Sigaw ng sigaw eh...

"Oo nga naman, bro ano nga ba talagang meron at may papunaspunas ka pang nalalaman?" Sanjay.

Hindi nalang kami umiimik ni Xia dahil hindi ko rin alam kung anong isasagot ko, at parang hindi rin alam ni Xia kung anong nangyayari dahil nakatunganga lng siya, tapos yung mga tao sa likod namin nagiging baliw na.

Hay! Ano nga ba talaga yung nararamdaman ko!

"Kinakabahan na ako sa botohan!" Elyza. Ang dakilang mikropono.

Buti nlng iniba niya yung usapan...

"Buti nlng pala hindi ako tumatakbo sa mga ganyan" Sanjay na natatawa.

"Huy Sanjay! Kasali ka parin diba class representative ka?!'' Sigaw ni Elyza.

"Kasali pa ba yun dun?!"

"Oo naman! Nag class representative ka pa hindi mo din naman alam na ganun!"

Kung itatanong niyo kami ni Cryst kung bakit hindi kami tumakbo eh kasi wala naman talaga kaming hilig sa mga ganyan at kakalipat ko lang tapos bigla ang tatakbo para sa student council. Ang hirap kaya ng mga ginagawa nila lalo na yung president...

Nakadating na rin kami sa school at pumunta na kami sa mga upuan namin. Wala panaman si maam kaya nagpabilog muna kami ng barkada.

Nagkwekwetuhan kami tungkol sa kung ano ano nung lumapit bigla si Yemi kay Xia

"Xia pwede ba kita makausap?" Yemi na parang may tinatago. Parang meron ngang tinatago. Kala ko ba nasuspend na tong babaeng toh dito?!

"Sige..." Sabi ni Xia na emotionless

Lumabas sila ng classroom. Sinundan ko sila ng tingin kasi wala akong to wala sa Yemi na yan eh. Tska dapat wala na siya dito!

Mga 10 mins ng nakalipas hindi parin nakakabalik sila Xia at Yemi.

"Guys CR muna ako ha..." Sabi ko sa barkada. Pero hindi naman talaga ako magC-Cr pupuntahan ko sila Xia kasi...

Hindi ko alam siguro concerned ako...

Ewan! Tumakbo nalang ako ng mabilis kasi di ko na sila makita.

"TULONG!!!" Napalaki yung mata ko nung marinig ko yung boses ni...

"Xia!!" Pinuntahan ko yung janitor's room kasi dun ko naririnig yung sigaw ni Xia

"Jack tulong please!!" Sigaw ni Xia na hinihingal na.

Binuksan ko kaagad yung janitor's room para makalabas si Xia. May phobia siya sa masisikip na lugar.

Agad ko naman siyang niyakap ng mahigpit.

*Lub dub lub dub*

"Jack yung inhaler ko. Nasa sling bag ko" hingal na hingal na si Xia.

Binitawan ko na siya at kinuha yung inhaler sa sling bag niya at binigay sakanya.

Nung hinigop na niya yung inhaler niya nakahinga narin siya ng maluwag

Isa lng ang narealize ko ngayon...




Gusto ko siya...

--------------------------
A/N:
Ummm... babala nalang po ulit. ANG SANJAY VIRUS AY NAKAKAHAWA DAPAT TAYONG MAGING RED ALERT. MAGING MAPAMATIYAG MATANGLAWIN!
-------------------
Byiiieeeeeee💕

Author: soph_IYA😁✌️

Wrong Place, Wrong Time, Right Person (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon