Chapter 20: Video Call [Revised]

48 4 0
                                    

Xia's POV

Nagulat talaga ako sa tanong ni ate Fraciene.

"Uhmm.. Ate pwedeng mamaya ko na lang sabihin?" sabi ko na lang.

"YIEE!! Bakit masyado ba-"

 
"ATE!" putol ni Jack sa sasabihin ni Ate Fraciene.

 
"Eto naman! Char lang!" sagot ng kanyang ate.

Kumain na lang kami ng tahimik.  Pagkatapos naming kumain, hinila ako ni ate Fraciene sa may sala.

 
"So, paano nga naging kayo?" bulong nya sakin ng nakaupo na kami sa  sofa.

"Echus echus lang un ate! Di un totoo. Baka kasi umiyak ung kapatid nyo." sagot ko.

Lumungkot naman ung mukha nya.

 
"Akala ko pa naman totoo na! Sayang." sabi nya.

 
Nginitian ko na lang sya.  Nagpaalam na rin ako sa kanila na uuwi na ako.

 
"Hatid na kita." sabi ni Jack.


"No need. I can manage" sagot ko.

Hindi nya na rin ako pinilit at umalis na nga ako.

~~~

Pagkauwi ko, pumunta kaagad ako sa kwarto ko at nagopen ng facebook ko  sa phone.

Nagopen din ako ng messenger. Nakipagvideo call ako kay  Sanjay.

  ["Hi Xia."]

"Hello. Kailan ka babalik?"

["Baka bukas na"]

 
"Ohh!"

 
["Kamusta nga pala ung story? Tapos na?"]

"Oo naman!"

["Ehh kayo ni Jack? *ngiti ng mapang-asar*"]

 
"Ehh bakit nyo ba ako tinutukso kay Jack? Kaibigan lang naman natin sya!  Kung mantutukso kayo bakit hindi kay Brelia o Elyza!? Bakit sakin!?"


["Sorry naman! Eh kasi nakita namin na bagay kayo!"]

"Namin!? So naguusap usap kayo tungkol sa akin pag wala ako?"

["Ehehe Peace!"]

"Grabe naman kayo!"

["Sorry na nga eh!"]

"Sige may gagawin pa ako. Bye"

At pinatay ko na nga ung video call.

Wala naman talaga akong gagawin. Gusto ko lang muna magpahinga kaya matutulog muna ako.

~~~

Sorry po sa late update. Wala kasing signal dito sa binakasyunan namin. Sinend ko pa kay author SecretAngeeeel para siya magupdate. Sorry, again.


Please Vote and Comment.

-Jonayyiee

Wrong Place, Wrong Time, Right Person (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon