Chapter 30: Suitor [Revising]

58 1 1
                                    


Xia's POV

*Phone rings*

Nagising ako nang magring yung phone ko. Panira naman oh. Natutulog pa ako eh.

"Hello."

[Nakaistorbo ata ako. Tulog pa ba ang prinsesa?]

Narinig kong tumawa sya sa kabilang linya. Sino pa ba? Si Jack malamang.

This past few weeks, nasasanay na ako na tinatawag nya akong uh... alam nyo na yun. Pero hindi masyadong nagsi-sink in na naliligaw sya.

"Oo! Nagising ako sa tawag mo. Tsk."

Sabi ko sabay irap kahit di nya makita.

[Hindi pwedeng ma-late ang President sa last day ng preparation. Bahala ka.]

Gaaah. Minsan talaga nagdududa ako kung nanliligaw talaga to or ano eh.

"Nako bahala karin jan."

Pinatayan ko sya ng tawag. Nagring ulit yung phone ko pero hindi ko na yun pinansin at dumiretso sa banyo.

---

Natapos na akong maligo at magbihis. Nasa harap ako ng salamin at nag-aayos ng sarili.

*knock knock*

Narinig ko ang pagbukas ng pinto at nakita ko si Manang na nakatayo doon.

"May naghihintay sayo kanina pa." Sabi nya at ngumiti sakin.

"Sino po?" Hindi sya nagsalita at nagkibit-balikat lang tapos ay umalis na.

Tinali ko lang yung sintas ng sapatos ko at bumaba na. Sumilip ako sa labas at nakita ang isang black na kotse. Bumaba doon si Jack.

What the f!?

Pumasok agad ako habang hindi nya pa ako nakikita.

"Manang pupunta na po ako sa school!"

Sigaw ko sakanya.

"Kumain ka muna!"

"Hindi na po Manang. Sa school na po."

Hindi ko hinintay yung sagot nya at lumabas ng bahay bitbit yung bag ko.

"Hey Princess!"

Bati nya sakin pagkalabas ko ng gate.

"I'm not Princess." Sabi ko sabay irap.

"Okay then, you're a Queen." Sabi niya at bahagyang natawa.

"Still a no. I'm Xiandra. Not a princess, not a queen."

I smirked at him at binuksan yung pinto sa shotgun seat habang sya ay napa-iling bago sumakay sa driver's seat.

Hah! That was lit! Burn, Jack, Burn! Waha.



Tahimik kaming nagba-byahe patungo sa school. Hindi ko matiis ang katahimikan kaya nagpatugtog ako.

NP: Ed Sheeran- Dive

Favorite song as of now! Haha.

Sumasabay ako sa lyrics ng kanta habang may pa-sway sway pa.

"So don't call me baby...

Unless you mean it."

Kinuha nya yung phone nya kahit nung huminto kami sa spotlight. Hawak nya parin sa kabilang kamay nya nung umandar na yung sasakyan. Hindi ko na yun pinansin at sumabay nalang sa lyrics.

Wrong Place, Wrong Time, Right Person (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon