Nagsimula ang lahat nung ako'y 6 na taong gulang. Nasa ilalim ako ng puno ng mangga. Naglalaro ng paborito kong turumpo. Isa dalawa tatlo, buong lakas kong ibinato sa ere ang nakapulupot na turumpo. Bumagsak ito sa buhangin at kumandirit kandirit ng ilang segundo bago tuluyang huminto. Badtrip.
Badtrip ako. Puro buhangin. Ang malaking lote sa tapat ng bahay ay puro buhangin. Wala naman akong magagawa, sadyang kapalaran ng mga lupa dito ang matabunan ng buhangin. Pero di ko maiwasan mainis. Hindi ako naiinis dahil pumutok ang bulkang Pinatubo at natabunan ng buhangin ang buong lugar, pero naiinis ako dahil wala na nga akong kalaro, hindi ko pa mapaikot ng matagal ang turumpo.
Mahirap maging isang anak na lalaki, habang ang mga kapatid mo ay mga babae may sariling mundo sa mga laruang panchicks, wala kang magagawa kundi magsolo. Mas gusto nila ang luto-lutuan, bulaklak, barbie at magsuklay ng magsuklay. At syempre pakiramdam ko sila ang paborito, ano nga ba naman ang laban ng isang middle child na gaya ko. Ang panganay ay siyang unang apo, at ang bunso ay ang darling of the crowd. Ganun ata talaga sa probinsya. Dito sa bahay nila lolo at lola. Out of place ako. Wala din naman akong kakilala sa labas. Di bale na.
Badtrip talaga, naka-ilang hagis na ako, pero napakaikli ng ikot. Naririnig ko ang tawanan nila sa loob. Hindi naman sa loner ako, pero di ko lang talaga trip kapag umuuwi kami dito sa probinsya.
Umupo ako sa ilalim ng punong mangga. Tumingala at pinagmasdan ang mga nakadapong ibon. Mas lalo ako nabadtrip. Kung bakit ba kasi wala yung tirador ko, sana may mas exciting akong nagagawa. Gaya ng pagpukol sa ibon na ito. Wala din naman akong ibang masisisi. Kasalanan ko din naman kaya ito kinuha/tinago at mukhang wala nang pag-asang maibalik sakin. Pero hindi ko naman sinasadya na tamaan si bunso. Pero kahit anong paliwanag ko... Luge... Luge maging middle fucking child.
Hindi ko makakalimutan yung una ko siyang nakita. Sa ilalim ng punong mangga. Sa tapat ng bilog na balon. Yung balon na puno ng basura at may takip na yero. Naka-kadena at nakapadlock.
Lo, bakit po di na nagana yung balon.
Wala na kasing tubig yan. Natuyo na, saka sinarado yan para walang mapahamak na bata na gaya mo na makulit.
Hindi ako naniwala kay lolo, gayung alam ko na puno ng tubig ang balon. Sa maliit na butas madalas akong magpasok ng bato. At rinig ko yung malakas na tilamsik ng tubig. Mapahamak? Ewan. Siguro madami nang batang makulit na gaya ng sabi ni lolo na madalas maglaro dun. Gaya ko.
Taga-saan ka?
Hindi umimik ang babae. Tumingin lang siya sa akin. Napaka-ganda ng kanyang mukha at napaka-puti ng kanyang damit. Napakalambot ng tela at parang lumiliwanag sa kanyang bawat kilos. Minsan wala siya, minsan nandyan. Pero hindi niya nakakalimutang magbigay ng magagandang bato, na may ibat ibang kulay kapag siya ay dumarating. Sa likod ng kanyang napakagandang ngiti halata ko ang lungkot sa kanyang mga mata.
Madalas nakatitig lang siya sa akin, at hindi nagsasalita. Kapag napapasulyap ako sa kanya napakaganda ng ngiti niya, lalo na nung namaster ko na ang pagbato ng turumpo. Astig, kahit sa buhangin matagal siya umikot. Ang bawat pagkikita namin ay mistulang isang kasunduan sa bawat araw. Hindi man siya nagsasalita, ramdam ko ang init at kabaitan niya. Sa bawat araw na nandun ako sa ilalim ng punong mangga kasama siya, hindi ko namalayan na ang bilis palang dumaan ang mga araw. Tapos na ang bakasyon.
Bukas, uuwi na kami...
Babalik na kami sa Antipolo.
Nakatitig lang siya sa malayo.
"Sa iyo nalang ito", sabay abot ko sa kanya ng Turumpo.
Kinuha niya ang turumpo, at sa pagdampi ng kanyang kamay sa akin, napansin ko ang kanyang maputing kamay na puno ng sugat at galos, animo'y dumaan sa bundok ng labada o kaya humawak ng alambre. Butas-butas parang moon. Gaya nung kamay ni aleng Selma, yung kapitbahay naming naglalabada.
"Mag-iingat ka", sa unang pagkakataon ay narinig ko ang kanyang boses. Napakaganda at maaliwalas ng bawat tono. Parang hinehele ka ng malamig na hangin sa gabi. Papalubog na ang araw, madilim na.... Nagising nalang ako ng maramdaman ko ang mga kamay na bumuhat sa akin. Iminulat ko ang aking mata at nakita si itay. Kalong kalong ako sa kanyang mga braso, limingon ako sa punong mangga. Wala na siya. Wala na ang babae. Hindi ko man lang nalaman ang pangalan niya.
Ibinaba ako ni itay sa kama, katabi ang dalawa kong kapatid na babae, nang maramdaman ko ang aking bulsa. May laman ito. Inilabas ko. At nakita ko ang isang napakakinis na bato na puno ng madaming kulay. Sa likod nito, nakasulat.
Maria.
Maaga akong gumising, at dali-daling lumabas sa ng bahay at dumiretso sa likurang lote kung saan nandoon ang punong mangga. Sabik akong makita siya sa huling sandali at magpasalamat, ngayon alam ko na ang pangalan niya. Maria.
Pero hindi ko na siya nakita. Nalungkot ako. Napansin ni itay ang simangot ko sa mukha.
Bakit ang lukot ang mukha mo?
Napaiyak nalang ako, at kwinento ang aking kaibigang si Maria sa kanya, na hindi man lang ako nakapagpaalam at pasalamat sa kanya.
Hindi ko alam kung paano idedescribe ang mukha ni itay, pero matagal siyang hindi nagsalita. Parang isang estatwa, na nakatitig lang sa akin.
Wala namang mangga at balon sa likod ng bahay, sabat ng kapatid kong panganay na kanina pa pala nakikinig sa aming usapan.
BINABASA MO ANG
PUWAN (Mini Novel)
ParanormalAnong gagawin mo kapag isang araw nanunood ka ng sine, nakatulog ka at pag-gising mo wala na ang lahat ng tao. Ikaw nalang mag-isa. End of the World na ba? Kinuha na ng mga aliens ang lahat ng tao? O nasa malaking production ka lang at ginogoyo ka n...