Chapter 14: Just Another Day

227 5 1
                                    

Inikot ko ang timer saka naupo sa sala, alas-8 na, binuksan ang TV at saktong nakahabol pa sa balita ng isang morning-slash-variety-news-magazine show.

Kasalukuyan padin walang magawa ang mga eskperto laban sa misteryosong sakit na nagmula sa bansang Africa, na kumitil na sa buhay ng mahigit 5 milyong tao. Tuluyan na ngang kumalat ang sakit na ito kung saan may mga kaso na rin sa Europa at Amerika, ang pinaka-malalang tinamaan sa labas ng kontinente ng Africa ay ang bansang Mexico na may 1,000,000 kaso na ng sakit at patuloy pang lumalaki. May mga naitalang kaso narin ang China, Hong Kong, Russia, Singapore at ilang bansa sa Middle East. Ang sakit na ito ay itinuturing nang Major International Outbreak ng World Health Organization. . Pinangangambahan itong kumalat pa.                   

Ukol diyan, makakapanayam po natin ang Dept. of Health Secreaty, si Ginoong Narciso Arturo. Mr, Secretary ano pong hakbang ang ginagawa ng pamahalaan ukol sa kumakalat na sakit na ito. Na tinuturung ng marami na mas Malala pa sa mga naunang virus o salot na naranasan na ng mundo.

“Ahh… Opo, sadya pong mapanganib ang virus na ito, dahil ang sino mang mahawaan ng sakit ay namamatay sa loob lamang ng 24 oras. Hindi parin matukoy ang sanhi nito pero ang sakit na ito ay mabilis na kumakalat sa katawan ng tao at pinupuntirya ang utak. Para poi tong rabies pero mas Malala, dahil sa bilis nitong kumalat”        

Mr. Secretary, sapat po baa ng ating mga pasilidad dito sa bansa para makontrol at maiwasan ang pagkalat nito? Kung sakali mang makapasok ito sa bansa?        

“Ikinalulungkot ko pong sabihin, dahil mismong ang mga eksperto na ng WHO ang nagbabala laban sa lakas at bagsik ng sakit na ito. Hanggang sa ngayon ay hindi parin malunasan o makontrol ito sa ibang bansa, dahil mismong ang origin ng virus ay hindi matukoy, hindi rin makagawa ng panlunas sa sakit na ito. Pinangangambahan po natin na sa dami ng ating mga OFW na bumabalik sa Pilipinas ay maaring ano mang araw ngayon ay makapasok na ito sa bansa, at ito po ang ayaw naming mangyari.” Dahil kapag nagkataon po, malaking trahedya poi to.”

Mr. Secretary ano pong hakbang na binabalak ng ating pamahalaan.?

“Iisa lang po ang nakikita naming solusyon, ngunit malaking epekto poi to sa ating ekonomiya at bansa, yan po ang pagsasara ng lahat ng paliparan at daungan sa ating bansa, hanggang sa magkaroon ng solusyon sa epidemyang ito”       

Mr. Secretary, sinasabi niyo po bang total shutdown ng ating mga airport at ports ang balak ng ating gobyerno?

“Masakit man hong isipin eh, ito lang po ang aming nakikitang solusyon, ngunit ito po ay proposal pa lamang ng Health Department, at nasa kapangyarihan parin ng ating pangulo”           

Mr. Secretary, hindi po ba napaka-bigat naman ng solusyong iyan? Paano naman po ang ilang miyong OFW na gustong bumalik sa bansa upang makaiwas sa sakit na ito? Paano po ang mga ekonomiya at industriya ng mga umaasa sa mga airport at pantalan.                              

“Gaya nga po ng nasabi ko, ito ay proposal pa lamang, ngunit sa bilis po at laki ng epidemyang ito, hindi po ang Pilipinas ang nauna nang nagsagawa ng shutdown, at yun nga rin po ang isa naming pangamba ang mga bumabalik na mga OFW ay maaring maging carrier nito. Nauna nap o naming ipinagbawal ang paglapag sa bansa ng mga eroplano at mga taong nanggaling a mga bansang may kaso ng virus, nasa 20 bansa napo ang may total no entry sa bansa. Kaya po humihingi rin kami ng pangunawa sa mga OFW na huwag nang bumalik sa bansa kung kayo ay galling sa mga lugar na may kaso ng virus. Isipin po natin ang kaligtasan ng mga Pilipino sa bansa, manatili po muna kayo diyan nang may sapat na pagiingat. Sa ngayon sa dami ng bansang nagkakaroon ng outbreak ng virus, dadami at dadami lamang ang mga bansang papatawan natin ng Total No Entry Status sa bansa……

Hindi ko na tinapos ang interview at pinatay ang TV. Napakaganda ng araw na ito para isipin ang kumakalat na virus sa mundo… Hindi ako magpapatalo sa bad vibes….                

“Ting!!!”, tumunog ang timer ng washing machine.

PUWAN (Mini Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon