Chapter 18: Lucky Jacket

173 5 1
                                    

Maaliwalas ang panahon nang lumabas ako sa veranda kung saan nakasampay ang kanina ko pang nilabhan na damit. Hawak ang malaking basket kung saan nakalagay ang mga bagong banlaw at ahon na damit damit mula sa washing machine. Isa isa kong winagwag ang matapos pigain sa huling pagkakataon ang isasampay na damit. Isinuksok ang hanger saka ipinuwesto sa mga taling nakaladlad sa veranda. Tumingala ako sa itaas at nakita ang asul na asul na langit. Kakaunti lang ang ulap pero hindi ganoon kainit ang araw na iyon. Napakaaliwalas at mahangin. Napakagandang araw para punuin ko ang sarili ng bad vibes. Pero hindi ko parin maalis sa aking isipan si April. Sinubukan kong alisin sa isip ang text na iyon, kahit sa loob loob ko ay hindi ako mapalagay. Siguro salamat nadin sa aking mga nilabhan ay pansamantalang nawaglit sa aking isip si April. Isa isa kong buong lakas na piniga ang aking mga maong na pantalon saka isinampay.Pero ang huling labadang aking isasampay ay parang nangungutya na muli nanamang ibinalik sa aking alaala si April.

Unti unti nanamang napuno ang utak ko ng pagkabahala at agam-agam, nang Makita ang aking denim jacket. Ang jacket na suot ko nang una kaming magtagpo ni April, matapos ang mahabang panahon. Ang unang gabi na naglaro kami ng apoy. Ang unang beses na nagkaroon kami ng kasunduan. Hindi ko alam kung matatawag ko bang lucky denim jacket ang jacket na ito. Pero madami na kaming pinagdaanang karanasan ng denim jacket na ito. Nabili ko sa ukayukay sa halagang 400 pesos, ang denim jacket na ito ang suot ko nang una kaming pumunta ni April sa Bermuda.

“Saan tayo?, tanong ko sa kanya.

“Bahala ka, pati ba naman yun ako ang magiisip?”, sagot niya na may kasamang pagkainis.

“Malay ko bas a ganun, eh di pa naman ako nakakapasok sa ganun. Sabi ko nga sa iyo, virgin pa ako.”

“Kahit saan, yung malapit lang”.

Lumabas kami ng Megamall para maghanap ng taxi. Huminto sa aming harapan ang isang MGE at biglang bumuhos ang ulan. Binuksan ko ang pinto sa likod at pinauna siyang pinapasok. Umupo ako sa tabi ng drayber, lumingon ako sa likod para tignan si April. Ang kanyang mga mata ay nagsasabing “baket ka nandyan?”. Nakuha ko agad ang ibig sabihin ng pagtaas niya ng kilay at kung anong ibig niyang sabihin. Tinanong ko ang drayber kung saan malapit na motel, na agad niya namang nagets at tumango. Sakto namang nagred light, kaya bumaba ako ng sasakyan at lumipat sa likod. Kumapit sa akin si April at hinilig ang kanyang ulo sa aking balikat. Hindi ako mapakali, hindi ko din alam kung anong mararamdaman. Ang totoo ay kinakabahan ako. Nakakahiya mang sabihin ay dahil virgin pa ako.

Wala pang limang minuto ay pumasok na kami sa maliit na eskenita pagkatawid ng EDSA. Ilang liko pa ay nasa may mataong palengke na kami, pinatay ko ang ilaw ng taxi.

“Oh, bakit mo pinatay?”, tanong ni April habang nakasandal sa akin. Saka binuksan niya muli ang ilaw ng taxi.

“Madaming tao sa labas”, bulong ko sa kanya.

“Ay sorry naman”, sabay tawa ni April saka niya pinatay muli ang ilaw sa loob ng taxi.

“Hindi ko alam na may pagkamahiyain ka pala”, ang siya niyang paglalambing na may kasamang pangaasar, saka muli siyang yumakap sa aking mga bisig.

Ilang liko pa matapos naming pasukin ag maliit na eskinita sa may may maliit na talipapa ay nakita ko na ang motel. Sa malamlam pero mailaw nitong neon lights, ay mababasa mo ang karatula ng BERMUDA INN.

PUWAN (Mini Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon