Chapter 15: The Road So Far

239 5 3
                                    

“Bilisan mo”, sigaw ni Christina habang hawak hawak ang dalawang bata.

Agad ko naming dinampot ang aking mga damit na may bahid pa ng dugo mula sa dalawang lalaki na nasa sahig na ngayon, isa ay sabog ang bungo ang isa naman ay labas ang puso. Anak ng tinapa, asintado pala itong babaeng ito. Mukhang kelangan ko mag-ingat.         

Papalapit na kami sa pintuan nang huminto siya, at kumuha ng basket, walanghiya, balak pa ata magshopping nito.             

“Kumuha kayo ng asin”, utos niya sa dalawa. Nilingon niya ako habang nagmamaali akong nagbihis,.        

“Ikaw, dumampot ka ng kahit anong makakain”.       

Mabilis kong binotones ang aking pantalon, at saka sumunod sa kanya. Nasa state of shock parin ako sa mga tagpo kanina kaya mabilis akong dumampot nang kahit anong makukuha kong malapit, hindi ko na tinignan kung ano, basta susunod nalang ako sa babaeng ito, mahirap nab aka toyoin at sakin naman iputok ang shutgun.               

“Tara na!” malakas n autos ni Christina. Na agad naming sinunod naming, nagmamadali kaming lumabas ng Save More at dimiretso patungo sa EDSA.               


Bago pa man makarating sa EDSA na puno ng katahimikan, isang bagay pa parang milagro noong may tao pa, isang maingay at masalimuot na kalsada ito, ngayon ay puro nakatiwang wang na mga sasakyan na lamang, ang ilan ay wasak, sunog, at bangga-bangga. Napahinto si Christina, huminto din ako sa paglakad dala ang basket ng asin at lung ano ano pang naharbat sa loob ng tindahan.              

Tumingala siya sa langit, tahimik at nakikiramdam. Lumingon lingon siya sa paligid na para bang may hinahanap, marahan pero alerto. Itinaas niya ang kanyang kamay para sumenyas na kami ay manatili at wag gumalaw. Dahan dahan siyang naglakad ng paatras pabalik sa akin, akay aka yang dalawang bata sa magkabilang kamay. Mabagal at marahan. Tahimik at maingat.                      

Nasa dapit hapon na ang mga sandaling iyon, tumingin ako sa aking relo, pero naalala ko huminto nga pala ito. Malapit nang mag-agaw ang liwanag at dilim, pero sa aking pagtingala nandun parin ang malaking buwan na ang nababahiran ng kulay pula.                                          

Nasa tabi ko na ngayon si Christina at ang dalawang bata, iniabot niya ang kamay ng dalawang bata sa akin, para mabuting mahawakan ang dala niyang shotgun, nakataas ito at nakaturo sa kanyang harapan.

“Wag kayong maingay, walang gagawa ng ingay”, bulong niya sa amin.

Muli siyang sumenyas para kami ay umatras pabalik ng parking lot ng Save More, kung saan kami galling kanina. Maliliit at maiiksi an gaming lakad patalikod, ang ulo ni Christina ay umiikot sa bawat direksyon para bang may hinahanap. Sumenyas ulit siya ng paghinto at katahimikan.

Umiihip na ang malamig na hangin na nagsasabing malapit na ang pagdilim, ang paligid ay unti unti nang nababawasan ng liwanag.

Sumenyas muli si Christina na kamiy umatras, na marahan naman naming ginawa. Mula sa kung saan ay may mga alulong ng hayop na hindi mo maintindihan. Parang pinaghalong aso, lobo, oso, at paniki. Kinilabutan ako at napaikot din ang ulo, nagbabaka sakaling makita ko kung saan nanggagaling ang mga ito. Pero hindi ko makita.   

Patuloy kami sap ag-atras hanggang sa matapat kami sa nakaparadang kotse sa carpark. Isang Toyota na medyo ay pagka-brandew pa ang modelo base sa itsura, kahit  ito ay nanlilimahid na sa dumi, halata mong bago pang modelo. Tumatagaktak ang pawis ko habang hinahanap kung nasaan ang mga nagtatakbuhang mga paa at kaluskos.        

Muling sumenyas ng katahimikan si Christina…          

Pero hindi ko na napigil ang sarili at inilapit ang mukha sa kanya,

“Ano yun?”, mahina kong bulong sa kanyang tenga…          

Tumingin lang siya sa akin, na para bang natatakot din. Kita ko ang pagkabalisa sa kanya. Ibinaling niya ang kanyang tingin sa dalawang bata. 

“At sinabing, pagbukas ng pinto pumasok kayo agad, alam niyo na ang gagawin niyo”, habang nginunguso ang mga balot ng asin na nasa aming mga basket.

Tumango lang ang kambal, pero kumunot ang ulo ko, naguguluhan ang isip ko…. Eh ako anong gagawin ko? Bahala na, papasok nalang ako, bibilisan ko. Kahit anong mangyari, basta susunod nalang ako sa babaeng ito.                         

Tumingin sa akin si Christina at tumnago, senyales na humanda ako. Pero bago pa man ang lahat, napaisip ako, teka paano kami papasok sa kotse kung naka-lock ito?            

Tatanungin ko palang sana ito sa kanya, pero mabilis ang mga pangyayari. Ibubuka ko palang ang aking bibig para bumulong, pero sadyang mabilis ang mga pangyayari.            

Nakita ko nalang na biglang itinaas ni Christina ang kanyang hawak na shotgun. Ikinasa…..       

Ilang sandali pa ay narinig ko na ang malakas na pagkabasag ng mga salamin.

“Pasok!!!!! Bilisan niyo”, ang sigaw niya!!

PUWAN (Mini Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon