"Anong sabi mo?"
"Bingi ka ba o nagtatangatangahan lang? Babalik na si Kristo. Pagkagunaw ng mundo, end of the world, apocalypse, hell in earth, judgement day. Ano ang mahirap intindihin dun?", ang kaninang malumanay na si Christina ay mistulang nagtranform.
"Teka, wag ka magalit. Nagtatanong lang naman ako eh. Saka ang hirap magsink-in ang mga sinasabi mo. Nanonood lang ako ng sine tapos pag-gising ko end of the world na, syempre madami akong katanungan. kailangan ko ng sagot"
"Hindi ako ang tamang tao para sumagot niyan. Bukas malalaman mo ang lahat"
"Bakit bukas pa? Bakit hindi ngayon? Bakit hindi mo ipaintindi sakin para hindi na kita kinukulet", napalakas ata ang boses ko ng mga sandaling iyon kaya nakita ko nanaman na nagtransform ang mukha ni Christina. Mula sa pagod ay galit ang nakita ko.
Mabilis siyang lumapit sakin at kinuha ang shotgun sa aking tabi. Itinutok ito sa aking mukha.
"Sa tingin mo kapag naliwanagan ka, may magagawa ka sa estado at kinalalagyan mo ngayon? Isa lang ang dapat mong gawin sa mga oras na ito! Makinig at sumunod ka sa lahat ng sasabihin ko kung gusto mo pang mabuhay!"
Hindi ko alam kung anong nangyari ngunit sa mga huling salita ni Christina na iyon ay napatigil siya. Inilayo ang shotgun at ang sarili mula sa akin. At humandusay sa lapag at tumawa. Anak ng tinapa, baliw pa ata itong nakasama ko.
"Mabuhay! Mabuhay! Sino ang niloko ko, lahat naman tayo mamatay. Ang tanong nalang kung hanggang saan tayo tatagal. Kung hanggang kailan natin matatakasan ang kamatayan at ang paghuhukom. Tayo na mga tinuturing na latak kaya tayo naiwan dito", patuloy ang pagtawa niya sa pagitan ng mga salitang ito.
Naputol ang tawa niyang iyon nang may kumaluskos sa harapan nang tindahang iyon kung saan kami nakalagak. Agad siyang tumayo at sumenyas na walang gagawa ng kahit anu mang ingay. Ang dalawang batang kamabal ay lumapit sa akin at pilit ibinabaon ang kanilang mga sarili sa akin sa pamamagitan ng mahigpit na pagyakap. Bakas ang matinding takot sa kanilang dalawa.
"Huwag mo kaming iiwan, wag mo yaan makuha nila kami", sabit ng isa sa mga bata habang lalong mahigpit na kumapit sakin.
Sumenyas ulit si Christina upang kami ay tumahimik. Mahigpit ang hawak niya sa shotgun at nakatutok sa kawalan ngunit alerto at handa itong iputok anu mang oras. Sumenyas siya muli, ngayon naman ay para kami ay tumayo at sundan siya. Marahan at tahimik ang aming mga galaw, lakad takbo ng walang ingay, isang bagay na mahirap gawin dahil sa ibat ibang bagay na nakaharang sa aming dadaanan. Mga nagkalat na paninda at estante ng tindahan, bagsak na mistulang obstacle at maze sa aming bawat hakbang. Mistulang isang war zone ang tindahan na iyon, mukhang dinaanan ng bagyo, para bang kay daming tao ang nanggaling dito at nagmamasaling kinuha ang lahat ng kaya nilang dalhin. Isa itong paraiso ng mga looters kung tutuusin.
Ilang hakbang pa ay Napadpad kami sa gilid na bahagi, sa tabi ng meat section. umaalingasaw ang amoy, nakakasulasok at nakabandera sa loob ng malalaking salaming estante ang mga nabubulok na karne ng manok, baboy at baka. Napasandal ako sa isang box chiller at naramdaman ang malagkit na likido sa aking mga kamay. Pagtingin ko sa aking nasandalan at bumungad ang chiller na puno ng nabubulok na manok at pinagpyepyestahan ng mga naglalakihang bulate.
Sa aking gulat ay muntik na akong napasigaw, kundi lamang sa mabilis na pagkilos ni Christina na agad natakpan ang aking bibig. Itinuro niya ang likod ng meat stand para kami ay magtago.
Habang nakasalampak na nagingitim at mabahong sahig sa likod ng mga estante patuloy ang pakikiramdam namin sa kung ano man ang meron. Ilang sandali pa ay mga hakbang ang aming narinig. Steady lang kaming apat, walang gumagalaw, habang papalapit ng papalapit ang mga hakbang na iyon. namumuo ang mga pawis sa ulo at buong katawan ko. Para akong nabaldado at hindi makagalaw. Ang kaninang mga yapak ng paa ay napalitan ng mga tunog ng mga panindang nagbabagsakan.
Mistulang aso na may kinakalkal sa bundok ng basura. Maingay at nagmamadali.
"Bilisan mo, kunin mo na ang lahat ng kaya mong dalhin, kailangan nating makabalik sa kampo kaagad", boses ng isang lalaki ang umalingawngaw.
"Sandali lang may hinahanap pa ako", sagot naman ng isa.
Mga tao, tao ang nasa loob ng tindahan. Biglang lumuwag ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko alam, para bang natuw ako na makarinig muli ng ibang boses ng tao. Mga bagong tao, nabuyahan at nadagdagan ako ng pag-asa. Tumingin ako Kay Christina at sa aking mga mata ay nagsasabing, "okay na, wala tayong dapat ikatakot mga tao sila." Pero hindi yun ang nasa mata niya, nakapandilat siya na mistulang nagsasabing manatili ako sa aking pagkakaupo sa sahig. Pero tuwa ko ay bigla akong napatayo, sa aking pag-angat ay pilit akong inabot Ni Christina upang hilahin pabalik, ngunit huli na ang lahat. Mabilis ang aking pagkakatindig para abutan ako ng mga kamay niya upang pigilan.
Sa aking pagtayo ay tunog sabay ring tumama sa akin ang mga ilaw ng flashlight ng mga taong kanina'y nagkakalungkat sa mga bundok ng panindang nagkalat.
Kita ko ang gulat sa kanilang mga mukha, ngunit mas nagulat ako dahil sa nakatutok na baril sa aking harapan. Binitawan ng isa ang kanyang mga hawak na de lata at inilabas ang nakatagong baseball bat sa kanyang likuran, habang ang isa ay nakatutok parin ang revolver sa akin.
"Sino ka! Wag kang gagalaw! Dyan ka lang, ipuputok ko sa iyo ito", balisang sabi ng mat tangan ng baril, habang ang isa pa ay mahipit ang hawak sa pamalo at akmang susugod at hahampas anumang oras.
"Teka teka, wag kayong magpapaputok. May mga kasama.......," natigilan ako sa pagsasalita nang makitang wala na sa si Christina at ang kambal sa aking tabi.
"May mga kasama ba kayo? Kailangan ko ng tulong.... ang nanginginig kong pagpapatuloy sa unang nasambit.
Anak ng tinapa, nawawala yung tatlo. Saan naman kaya nagsuot ang mga iyon? Bakit nila ako iniwan. Ayos. Bakit ba lagi akong minamalas? Anong gagawin ko ngayon? Yuyuko? Magtatago? Pero limang metro lang ang layo ko sa kanila. Paano kung asintado itong si kuya na may hawak na baril? Hindi ko maiiwasan ang bala.
BINABASA MO ANG
PUWAN (Mini Novel)
ParanormalAnong gagawin mo kapag isang araw nanunood ka ng sine, nakatulog ka at pag-gising mo wala na ang lahat ng tao. Ikaw nalang mag-isa. End of the World na ba? Kinuha na ng mga aliens ang lahat ng tao? O nasa malaking production ka lang at ginogoyo ka n...