Kung hindi ba naman ako saksakan ng malas. Para sa isang araw sobra naman yata ang lahat ng nangyayari sakin. Para sa isang taong katulad ko hindi makatarungan ito. Gumising ako sa loob ng sinehan at natagpuan ang sariling magisa, nalaman na magugunaw na ang mundo, at ito pangalawang beses ko nang matutukan ng baril. Life is unfair.
"Teka boss, di ako lalaban. Brader tropa kuya easy lang", ang nanginginig kong mga salita habang nakatutoj parin sakin ang baril at nakaamba ang pamalo ng dalawang lalaki sa aking harapan.
"Sino ka? Taga-saan ka? May mga kasama ka ba?" Ang sunod sunod na tanong nang lalaking may hawak ng pamalo.
"Max... Max sir ang pangalan ko. Taga-Antipolo. Mag-isa lang ho ako", medyo napatigil ako sa huling salitang binitiwan.
"May kagat ka ba? Jan ka lang wag kang gagalaw", sabi ng may hawak ng baril.
"Kagat? Ano ponv kagat?"
"Sagutin mo ang tanong, meron o wala? Ipuputok ko sa iyo ito"
"Teka Sir, easy lang, hindi ko ho alam ang sinasabi niyo. Wala po akong alagang aso. Kanina po madaming lamok dito, kung yun pong kagat ang ibig niyong sabihin, kanina po nakagat ako ng lamok".
"Wag kang pilosopo! Alam kong alam mo ang ibig naming sabihin!", sabay kasa ng lalaki sa hawak na baril.
Umalingaw ngaw ang tunog ng nagkikiskisang mga bakal sa pagkasa niya ng baril na iyon. At hindi ko na napigilang magpanic. Ano bang kagat ang sinasabi nila?
"Sir, teka baka pwede nating pagusapan ito. Wala po akong kagat. Nagising ako na wala nang tao, tapos ito. Nakita ko kayo. Sir maawa naman kayo, wala talaga akong alam, hindi ko nga ho alam ang mga nangyayari, maski ako naguguluhan, kanina pa ako nagtatanong na wala naman akong makuhang sagot."
Nagkatinginan ang dalawang lalaki na may paagtataka sa kanilang mga mata.
"Tirahin na natin ito pare, baka mapagamak pa tayo", agitated na salita ni Boy pamalo.
"Teka", sabat ni Boy Baril.
"Maghubad ka", pagpapatuloy ni Gun Man.
"Ha? Ano po?"
"Maghubad ka! O gusto mong iputok ko ito?"
Anak ng tinapa! Minalas nanaman ata ako, dalawang myembro pa ata ng federasyon itong nakaharap ko. Sa buong buhay ko hindi ko naisip na mangyayari ito, akala ko sa pelikula o tv lang nangyayari, yung tipong sa loob ng preso. Nampucha, lahat ata ng babae sa mundo nawala (maliban siguro kay Christina na kanina ay kasama ko lang na ngayon ay nawawala kasama ang kambal) at nahayok sa laman ang mga ito, dyusko hindi naman ako makinis, bakit ako pa ata natipuhan nito. bakit hibdi nalang silang dalawa ang magtsukchakan. Anak ng tinapa, Virgin pa ako sa likuran.
"Hubad!"
"Eto na Sir, maghuhubad na, sir maawa naman kayo hindi ho ako masarap. Lalake naman tayo lahat dito diba?", nanliliit na nagmamakaawa habang inaalis ang aking polo.
Tuluyan nang naalis ang aking polo, tumingin ako sa dalawa kung okey na ba? pero tumango lang ang lalaking may baril at sinenyas pati ang aking pang ibaba. Hindi ako makapaniwala, Nampucha magiging sex slave pa ata ako nito. Nanginginig ang buo kong katawan habang hinuhubad ang akong sapatos, sumunod ang medyas, at kahit masama at labag sa aking loob ay dahan dahan kong hinubad ang aking pantalong maong na tatlong araw ko na yatang suot. Habang hinuhubad ang pantalon, madaming tumakbo sa isip ko, papakawalan kaya nila ako matapos nila akong halayin, hahalayin ba nila talaga ako? Pero kung hindi bakit naman ganito? Hindi namab sila siguro direktor ng porn, at malamang hindi naman nila ako magugustuhan, dyusko hindi namab ako masarap eh. nasaan na si Christina, at yung kambal? Tuluyan na ba silang umalis at iniwan ako? o nasa paligid lang sila at pinapanood kung paano ako magkaganito, hindi ba sila naaawa sa akin? Anak ng tipaklong, masakit yata ito, paano ko pa haharapin ang sarili sa salamin, paano ako maglalakad pagkatapos, magiging sakang ba ako gaya ng mga Japanese? Paano ako uupo. At bakit ako pa? Bakit?
BINABASA MO ANG
PUWAN (Mini Novel)
ParanormalAnong gagawin mo kapag isang araw nanunood ka ng sine, nakatulog ka at pag-gising mo wala na ang lahat ng tao. Ikaw nalang mag-isa. End of the World na ba? Kinuha na ng mga aliens ang lahat ng tao? O nasa malaking production ka lang at ginogoyo ka n...