Lumabas ako ng bahay suot ang aking lucky denimjacket. Naka sneakers na Converse na sakto sa aking kupas na maong at grey T-shirt na may print ni Godzilla. Alas Onse na ng tanghali at nagsimula nang kumalam ang aking on-cue na sikmura. Natunaw na ang oatmeal na inalmusal ko kanina at nailabas ko narin ang kasama nitong kape na nilantakan ko nung umaga, lahat ay nilabas ko na sa trono kanina kasabay nang paliligo. Lahat, as in lahat na para bang may bakanteng warehouse nanaman ang aking tiyan na kailangang punuin. Ilang kanto lang ang layo ng Marcos Hi-way at pwede na akong sumakay papuntang Cubao. At doon magbu-bus papuntang Megamall. Pero maaga pa, at napakaganda ng araw na ito, para palampasin ang pag-crave ko sa paborito kong pagkain. Tinawid ko ang Sumulong Hi-Way at naghintay sa tapat ng Cassava Cake store, na dating tindahan ng bike. Naghintay ng kulay pulang Jeep na may nakasulat na Marikina Bayan. Dumating ang isang karag-karag na jeep. Huminto sa aking harapan. Bakante ang harap na upuan katabi ng jeep.
“Bayan! Bayan!”, sigaw nang matandang drayber na kulang ang mga sets ng ngipin, pero buong ngiti parin. Sasampa n asana ako sa harap na upuan sa tabi ng drayber pero naamoy ko ang nilulutong Cassava Cake sa aking likuran. Dahil maaga pa naman at mukhang sa estado ng jeep na ito, saka ng matandang drayber. Kahit hindi ako makasakay sa jeep niya eh kaya ko siyang abutan kahit maglaro ako ng dota ng isang oras saka maglakad ng pabaliktad.
Iwinagayway ko ang aking kamay para isenyas na hindi ako sasakay. Na sinundan ng 3 minuto para ma-mapastart niya ang tumirik na sasakyan, 1 minuto para ilagay ang kambyo mula neutral sa primera at 1 minuto pa para mapaabante ito. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, pero parang bigla akong naguilty at naawa sa kanya. Sa edad niyang yun ay nagtratrabaho pa siya, yung jeep na mas matanda pa yata sa kanya eh umaarangkada pa. Gusto ko siyang i-hug at bigyan ng pera kahit hindi ako sasakay. Pero dyahe, nakakahiya. Ayaw ko naman iba ang ma-feel niya, at isiping nagbibigay ako ng limos. Ang totoo ay masaya ako na Makita ang gaya niya, na puno parin ng ngiti, ng pag-asa, nang isang bagay na nagpapasaya sa kanya. Kaya sa gitna ng kanyang pagtawa, pag-ngiti at pagpapasensya sa mga pasahero niyang nagsisimula nang madyahe eh tumalikod na ako at hinarap ang mabangong tindahan ng Cassava Cake.
“Magkano ang isa?” tanong ko sa tindera.
“150 isang box. 20 pesos ang slice”, magiliw na sagot ng babeng naka-hairnet at may makapal na blush on.
Inisip ko kung kaya ko ubuin ang isang box. Pero naalala kong malapit nang magtanghalian. Iniisip ko baka pwedeng isang box tapos ibibigay kong pasalubong kay April. Kaso parang off kung may bawas na isang slice. Paano kung bibili ako ng isang buong box para kay april, tapos isang slice para sa akin. Pero teka, paano kung bad news yung importanteng kailangan niyang sabihin. Hindi ba parang sayang kung maibabagsak ko yung cassava sa gulat, eh paano kung kainin muna namin habang sinasabi niya ang balita, eh paano kung bad news nga, nakakawalang gana na ubusin at sayang kapag may natira. Anak ng Tinapa. Ending napabili ako ng isang box at isang slice. Epekto narin siguro ng nasaid kong sikmura, ay naubos ko na yung isang slice habang binabalot ni ateng naka-blush on yung isang box.
At sa aking pagkatalikod. Ay sakto namang paghinto ng isang jeep na byaheng Marikina Bayan. Nice. Patok. May sounds. Party party ang tugtog.
Agad akong sumampa sa jeep, at bumungad ang maluwag na upuan sa likod. Mga 7 lang ata ang sakay, hindi nakakabigla dahil tanghaling tapat na iyon. Pumuwesto ako sa likurang bahagi sa may bungad sa may estribo. Inabot ang bayad saka bumalik sa aking sariling mundo. Sa maliit kong espasyo na nababahala parin sa kung anong balita ang maririnig ko mula kay April. Hindi pa man kami nakakaabot sa may dating Home Sweet Home Department Store na ngayon ay Korea-Japan Surplus shop na, naputol ang pagiisip ko nang may sumakay na mga bata at sumabit sa estribo.
BINABASA MO ANG
PUWAN (Mini Novel)
ParanormalAnong gagawin mo kapag isang araw nanunood ka ng sine, nakatulog ka at pag-gising mo wala na ang lahat ng tao. Ikaw nalang mag-isa. End of the World na ba? Kinuha na ng mga aliens ang lahat ng tao? O nasa malaking production ka lang at ginogoyo ka n...