Bumalik ako sa higaan, matapos maisampay ang unang batch ng nilalabhan ko. Wala na ang dalawang butiki sa kisame na kanina ay naglalampungan. Gusto ko sanang umidlip muli, pero di na ako inaantok. Umepekto na ang kape na kanina ay ininom ko. Nakatingin lang ako sa kawalan nang mapansin ang cellphone ko sa may lamesita sa tabi ng aking kama. Kinuha koi to saka tinignan kung may mga mensahe. Pero wala.
Naalala ko ang text ni April.
Mga ilang minuto rin akong nakahiga sa kama, nakataas ang kanang kamay at nakatitig lang sa screen ng aking 3310. Paulit ulit kong binabasa yung text ni April. Pipindutin ang reply….. magta-type…. buburahin…. babsahin ulit…. susubukang magtype ng irereply.
"Kailangan nating mag-usap. 7pm sa Megamall sa dating tagpuan. Importante".
Paulit ulit kong binabasa.
“Oi, musta…. Tagal mong di nagparamdam ah…. Anong meron? GAME ba tayo mamaya”, muli kong type para magrelpy.
Pero binura ko ulit.
Ang hirap talaga ng ganito, hirap kasi niya timplahin. Di ko alam kung ano yun importanteng sasabihin niya, pero ayaw ko namang magtanong. Gusto ko sanang itanong kung “GAME” siya, ang code namin kapag gusto naming maglaro ng apoy. Kapag namimiss naming ang isat isa, at gustong makalimot sa mundo. At gumawa ng sarili naming mundo na kami ang bida. Isang mundong masarap, isang mundong kaming dalawa ay nagiging isa.
Pero hindi kami, yun ang malinaw. Minsan nadarama ko na pang-alis lang ng kati ang tingin naming sa isa’t isa. Isang laro na walang talo, dahil pareho naming itong gusto. Isang bagay na kami lang ang nakaka-alam.
Kung tutuusin maliit lang ang mundo naming dalawa, ang circle of friends niya ay circle of friends ko din. Ang Ex ko ay kaibigan niya, ang mga kaibigan ko ay kilala niya at kilala siya. Pero sa larong ito kami lang ang may alam, kami lang ang nasa mundong ito. Hindi dahil sa ayaw naming may maka-alam na iba, kundi dahil hindi talaga naming alam kung ano kami, at saan kami patungo. Ang alam lang naming masaya kami sa paglalaro. Masaya kami sa apoy. Yun lang ang mahalaga.
Ang usapan ay hanggang dito lang. Hanggang sa paglalaro ng apoy ng walang feelings involved. Pero mahirap pala…. Mahirap kapag nagsisimula ka nang mahulog. Pero sa simula palang malinaw na ang lahat, na hanggang dito lang.
“So ano tayo?”, tanong ko sa kanya nung una naming magpunta sa Bermuda. Pagkatapos naming magniig sa malamlam na ilaw ng lampshade.
“Ano sa tingin mo?”, sagot niya sa akin habang nakayakap.
“Ewan…..”, sagot ko.
“Fling…. Fubu…. Basta ewan ko din, tignan natin kung saan tayo aabot, sa ngayon kasi hindi pa ako handa. May mga kapatid pa akong nag-aaral. At naku, alam mo naman ang tatay ko, nasa ibang bansa. Ako ang inaasahan sa mga kapatid ko”
“Okay…”, matipid kong sagot.
“Oh baket? Masaya naman tayo ng ganito diba. Saka alam ko namang hindi mo pa nakakalimutan si Trina.
Napatigil ako sa sinabi niyang yun. Ang totoo, hindi pa nga. Hindi ko pa nakakalimutan si Trina. Matagal tagal narin nung nagbreak kami, at hindi ko alam kung dahil sa ego o naapakan ang pagkalalaki ko na hindi ko matanggap na ipinagpalit niya ako sa iba. Pero alam ko namang darating din ako sa panahon na iyon. Ang makalimutan ang ex ko na kaibigan ni April. Marahil si April ang sagot, maari ding hindi. Pero malay natin. Walang nakakaalam.
“Oh, bakit natahimik ka dyan? Kita mo na sabi ko na nga mahal mo parin siya, tapos gusto mong maging tayo? Ayoko maging rebound ha!”
“Wala naman akong sinabi na gusto kong maging tayo, tinatanong ko kung ano tayo. Alam ko namang ayaw mo magkaboyfriend eh.”, sagot ko sa kanya na may halong pagkainis.
“Bakit, ikaw….. Gusto mo bang maging tayo?”, binalik ko ang tanong sa kanya.
“Basta ako nageenjoy ako. Masaya ako kung ano tayo ngayon. Walang commitment, walang tag, walang formality. Ang mahalaga nandyan ka.”, malambing niyang sagot.
“Pero selosa ako… So I want us to be exclusive…. You can date whoever you want. Bahala ka, buhay mo yan. But you can never play fire with them, ako lang dapat, sakin lang dapat. Kapag nalaman kong you had sex with others, tapos na itong paglalaro natin. Bahala ka kung lumabas ka with others, basta ako I’ll be exclusive to you.”, seryosong sabi ni April.
Ngumiti lang ako sa sinabi niya, napakaganda niya kapag nagagalit siya.
“Teka, bakit mo b a tinatanong, don’t tell me inlove ka na sakin?”, sabay tawa ni April.
“Ako? Baka Ikaw ang inlove sakin, dinadahilan mo lang si Trina”
“Unang main-love Talo”, sabay naming sinabi ni April na siyang naging dahilan ng aming pagtawa. At sa mga sandaling iyon, naglapit ang aming mga mukha, at sa pangalawang pagkakataon ng gabing iyon. Muli kaming naglaro ng apoy.
Hindi ako mapakali sa kakaisip kung bakit at ano ang gustong sabihin I April. Kung ano ang importante na kailangan kong malaman. Basta ang alam ko, kapag seryoso siya, masamang magbiro. Gusto kong magreply, pero natatakot ako. Siguro nga mas magandang kung ano man ito ay personal naming pagusapan.
Ang daming tumatakbo sa isip ko… Mga bagay na may halong takot at pagkabahala. Ano kaya ang gusto niya, nalaman niya kaya yung ginawa ko nung isang linggo? Gusto na ba niyang itigil ang laro? Ito na ba yung hangganan? Ito na ba yung katapusan? Gusto niya lang ba makipaglaro ulit? Hindi ko maintindihan. Kinabahan ako bigla, pero inalis ko agad sa isip ko.
“Anak ng Tinapa. Buntis kaya siya?”
Pero sino, hindi naman pwedeng ako. Dahil lagi kaming may proteksyon. Hindi rin naman siguro sa iba, dahil alam kong tapat siya at seryoso siyang exclusive lang siya sa akin. Pero paano? Pero baka…. Tang-ina. Hindi pwede.
Hindi maari, ngayon pa? Paano kung buntis nga siya? At ako yung ama? Pero paano kung iba? Putang-ina talaga. Hindi pwede, ngayon pa. Bkait ngayon, kung kelan handa na akong magpatalo. Handan a akong umamin. Handa na akong sabihing “Mahal ko siya”.
Leche. Nakakapraning. Basta ang alam ko lang…. Ang sakit sa bangs.
“Ting”, muling pagtunog ng washing machine na naghuhudyat na tapos na ang aking mga labada.
BINABASA MO ANG
PUWAN (Mini Novel)
ParanormalAnong gagawin mo kapag isang araw nanunood ka ng sine, nakatulog ka at pag-gising mo wala na ang lahat ng tao. Ikaw nalang mag-isa. End of the World na ba? Kinuha na ng mga aliens ang lahat ng tao? O nasa malaking production ka lang at ginogoyo ka n...