Umalingaw-ngaw ng tunog ng nabasag na salamin sa buong paligid. Ang katahimikan at lamig ng panahong iyon ay nawasak mula sa pagbasag ni Chirstina ng salamin sa driver’s side ng kawawang manlilimahid na kotseng Toyota.
“Pasok!”, muling sigaw ni Christina….
Na agad naman naming sinunod na tatlo, nagmamadali kaming buksan ang pinto matapos i-unlock ni Christina ang backseat door sa pag-abot niya ng lock mula sa basag na salamin ng driver’s seat. Dali daling umupo sa likuran ang dalawang bata na pinauna kong makapasok. Sisingit sana ako sa backseat, papasok na ako ng pintuan pero nakita ako ni Christina at hinila ang aking damit, sumensyas na sa sa harap ako umupo. Nagmamadali akong umikot ako sa kabilang bahagi ng sasakyan, at kinatok ang pintuan, na agad naming binuksan ng isa sa mga kambal. Nakatayo parin sa labas si Christina habang naka-angat at nakatutok ang shotgun sa malayo. Papasok n asana ako ng kotse nang marinig ko, ang nakakakilabot na ungol mula sa kung saan.
Hindi ko maintindihan pero nanlamig ang buong katawan ko, parang mababangis na hayop ang tunog na umalingaw ngaw sa tahimik na kahabaan ng EDSA. Nakatutok sa kawalan ang shotgun ni Christina, pinapaling paling sa kaliwa at kanan, mabilis at alerto. Ako naman ay parang estatwang nanigas sa aking kinakatayuan.
Binalutan ako ng takot, nanigas ako mula ulo hanggang paa. Hindi ako makagalaw. Gusto kong pumasok ng kotse, pero sa kabilang banda ay gusto ko ring Makita kung saan nanggagaling ang mga tunog na iyon. Gusto kong masilayan sa unang pagkakataon kung ano man yun, gusto kong magkaroon ng idea sa mga tanong na gumugulo sa isip ko, gusto kong malaman kung ano ang dapat kong takbuhan na kanina pa ay nagpapapraning sa akin.
Mula sa aking kinatatayuan ay mas lumakas ang mga tunog na nakakakilabot. At sa aking harapan, sa gitna ng EDSA sa poste ng MRT. Sa mga madidilim na bahagi nito na hindi tinatamaan ng liwanag, sa mga poste nitong nababalot ng anino, ay parang Christmas Lights na nagliwanag. Pula kulay pula.
Isa isang naglabasan ang mga pares ng mata sa madilim na bahagi na iyon. Isa, dalawa, tatlo, hanggang sa hindi ko na mabilang kung ilang pares ng mata ang nandoon. Lahat sila nakatitig sa amin.
Maya maya pa ay nagsilabasan ang pinaka-nakakatakot na nilalang na nakita ko sa tanang buhay ko, maliban sa mga korupt na politico, hulidap na mga pulis at mga adik sa barangay namin. Mula sa mga nakakatakot na mata, ay unti unti lumabas at nakita ko ang mga mukha nila. Nagsimula ulit silang mag-ingay. Mga alulong na hindi mo maintindihan, ang iba ay parang model ng tootpaste na inilabas ang kanilang mga matutulis at nakakadiring mga pangil. Puno ng laway at may bahid pa ng kulay pula. Unti unti ring umalingasaw ang mabahong amoy.
“Pasok!!!”, muling sigaw ni Christina na bumasag sa pagiging estatwa ko, nagising ako mula sa pagkakatulala at pumasok na sa kotse, pero hindi ko parin maalis ang aking tingin sa mga nilaang na iyon. Nasa anino parin sila, ang iba ay nagsimulang umabante at akmang susugod. Mas naging malinaw sakin ang kanilang itsura. Isang animoy aso na hindi mo maintindihan ang itsura, apat ang paa. May matatalim at malalaking ngipin, pula ang mga mata. Mukha silang mababangis na lobo sa tindig pero ang mukha nila ay mas malapit sa mukha ng kangaroo. Ang katawan ay nahahalintulad sa isang kambing, may mga paa ng kambing at balahibo ng kambing. Pero kakaiba ang kanilang buntot, isang mahaba at mapayat na buntot. Itsurang buntot ni Raichu, yung evolve stage ni Pikachu. Pero manipis, manipis at mahaba. Parang buntot ng Pagi pero, basta ang hirap i-explain. Nakatitig lang ako sa mga nilalang habang nasa loob ng kotse, takot na takot at hindi makagalaw, naalala kong i-lock yung pinto. Ni-lock ko ito.
BINABASA MO ANG
PUWAN (Mini Novel)
ParanormalAnong gagawin mo kapag isang araw nanunood ka ng sine, nakatulog ka at pag-gising mo wala na ang lahat ng tao. Ikaw nalang mag-isa. End of the World na ba? Kinuha na ng mga aliens ang lahat ng tao? O nasa malaking production ka lang at ginogoyo ka n...