Chapter 5: Sa Loob ng Bermuda

865 16 9
                                    

Minulat ko ang aking mga mata at nakita ko si April sa aking tabi. Wala na ako sa loob ng maliit at madilim na tattoo shop. Inikot ko ang aking mga paningin at natagpuan ang sarili sa isang pamilyar na lugar. Tama oo eto nga, nasa Bermuda Motel ako. Yung motel sa may shaw boulevard sa likod ng ginagawang condo ng CityLand. Sa gilid ng paradahan ng jip sa tabi ng Lancaster Suite. Kasama si April, dito kung saan unang nangyari ang lahat.

Madilim at ang tanging ilaw lang ay ang naiwanang bukas na TV na wala nading palabas. Hinanap ko ang remote, nasa tabi ko, nakatali sa lamesang maliit. Pinatay ko ang TV at binuksan ang lampshade na nakapatong sa maliit na lamesa sa aking kaliwa. Mas lumiwanag ang paligid, ibinalik ko ang tingin ko kay April. Maaliwalas at napaka-ganda ng kanyang mukha. Nakalugay ang buhok na bahagyang tumatakip sa kanyang malulusog na dibdib. Muli kong iginala ang aking mga mata, tama ito nga, hindi ako nagkakamali, nandito nga ulit ako sa lugar na ito. Nasa aming mga paanan ang mga bag, sa sahig nakakalat ang aming mga damit, kasama ang aking necktie at longsleeves na pampasok sa opisina.

Huminga ako ng malalim, napatitig sa kisame na puno ng salamin, inikot muli ang aking paningin sa mga pader na nakapalibot sa amin na siya ring nababalutan ng salamin.

"salamat, salamat" ang mga unang salitang sinabi ko.

Huminga muli ako ng malalim saka ibinalik ang tingin sa kanya. Sa maliwanag na ilaw ng lampshade mas lalo kong nakita ang kagandahan ng kanyang maamo na mukha. Napabuntong hininga muli ako. Isang ngiti ang namutawi sa aking bibig. Nandito muli ako kung saan kami unang nagniig ni April.

"Gusto mo, i-try?"

"Ah, eh... OO siguro...", sagot ko sa tanong ni April habang kausap ko siya sa telepono.

"Ikaw gusto mo ba?", ang tanging nasabi ko matapos ang ilang segundong katahimikan.

"OK lang.... Matagal-tagal narin nung huli ko. Eh Ikaw, kelan yung huli mo?", natatawang tanong niya.

"Wala, Wala pa....."

"Ows, seryoso? Wag mo nga akong niloloko?" Hindi nga, don't tell me walang nangyari sa iyo ni Trina?"

Napatigil ako sa mga sinabi niyang iyon, hindi ko masabi kung meron nga o wala, ang totoo hindi ko rin masagot dahil hindi ako sanay na pagusapan ang mga bagay na ganito, lalo na at kaibigan niya ang pinag-uusapan namin. Hindi rin ako at ease, hindi rin naman ako kiss and tell.

"Meron kaming intimate moments pero hanggang dun lang"

"What do you mean intimate moments?"

"Alam mo na yun, kiss, touch, Blow Jobs..... pero  yung.....", natigilan ako sa mga sandaling iyon.

"Pero.... yung ...... ok I get it, just foreplays"

"OO yun lang, hindi ko kaya... takot ako.... pero...."

"Pero ano?" tanong ni April

Sa mga sandaling iyon kahit hindi ako at ease sa mga pinaguusapan namin, sumipa kahit papaano ang ego at pride narin ng pagkalalaki ko, ayaw ko naman isipin ng kausap ko na mahina ako at di ako sanay, kayat kahit feeling ko hindi appropriate ay sinabi ko nadin.

"Pero we do, anal"

"OMG! Hindi nga, thats so adventurous... As in?  May  pagka-wild din pala kayo.... Parang di ko kaya yan. Ok na ako sa ForePlay" sabay tawa niya.

"OO hanggang ganun lang kami, gaya nga ng sinabi, takot ako. Kahit alam kong gusto din niya. Di ko kaya. sinubukan namin minsan, pero di ko talaga kaya. Masyadong malaki ang tiwala sakin ng mga magulang ni Trina. Ayaw ko masira yun, saka mahirap na baka madisgrasya."

"So ano, tuloy ba tayo?"

Bumalik ang aking ulirat sa loob ng Bermuda. Pinikit ko ang aking mga mata. umaasa na sa pagmulat ko siya parin ang aking makikita, sana sana hindi panaginip ito. Sana yung mga tagpo sa loob ng tattoo shop yung panaginip, yung tagpo na gumising ako sa loob ng sinehan at wala nang tao yung hindi totoo. yung nag-iisa lang ako at takot sa mangyayari yung guni-guni. Sa aking pagmulat nakita ko ulit si April sa aking tabi. Pero paano, panaginip lang ba yung lahat, yung sa mall, sa kalsada, si brando. Maari bang natuloy kaming nagkita sa megamall at nanaginip lang ako sa aming pagkakahimbing. Pero bakit parang bumalik ako sa unang tagpo sa kwartong iyon. Mula sa sahig nakita ko ang damit ni April. Yung gold na blouse na may lace, parehos sa kung ano yung suot niya nung una kaming pumunta dito. Yung brown na mini skirt. Yung longslibs kong asul at yung jacket kong jeans. yung butas kong brief na Jiordano na immitation galing sa divisoria. Hindi ko na alam kung ano ang totoo, hindi ko na alam kung ano ang hindi. Lumapit ako sa kanya at hinalikan ang kanyang noo. Oh kay tamis ng sandaling iyon, ang bango ng kanyang buhok, sumasakal sa aking damdamin.

Ayaw ko nang mawala sa sandaling iyon. Ayaw ko nang pakawalan ang mga sandaling muli ko siyang nakita. Ilang buwan na nga ba? nung huli siyang nagparamdam. Binura na niya ako sa paysbuk, friendster at yahoo messenger. Hindi nagpaparamdam at madalas out of reach ang telepono. Pero ito siya ngayon, kasama ko ulit. Pero parang may mali.

Sa pagtapat ng aming mga mata pagkatapos ng mahabang halik na inilapat ko sa kanyang noo.. Nagtapat ang aming mga mukha at nakita ko siyang nakatitig sa akin. Blanko, blanko ang mga mata niya. Parang nakatitig sa kawalan. Nang bigla nalang umalog ang buong paligid. Nataranta ako at napa-upo sa kama. Ngunit walang bakas ng pagkabigla sa kanya, nakahiga padin at nakatingin sa kawalan. Umiikot, yumuyugyog ang paligid.

Blag... blag... blag!!! Malalakas na yabog at katok sa pinto.

Blag.... blag.... blag.... Lumalakas ang lindol.... unti unting lumiliit ang kinalalagyan kong iyon. Nakakatakot. Lumingon ako sa kanya muli. Pero isang anino nalang ang aking nakita.

Nanlilisik ang mga pulang mata. At parang isang usok umangat sa hangin, parang isang ipo-ipo na mas lalong sumisikil sa lumiliit na kwarto ng bermuda. Paliit ng paliit, ang buong paligid, binabalutan ng kaniya'y wangis ni April ngunit ngayon ay madilim na usok na bumabalot sa akin.

Blag... Blag.... Blag.... Papalakas na katok sa pinto.

Blag.. Blag.. Blag... Ipinikit ko ang aking mga mata upang takasan ang mga pangyayari. Sa aking pagmulat... Naghahabol ako ng hininga...

Blag... Blag... Blag.... Nasumpungan ko ang aking sarili sa loob muli ng madilim na tattoo shop.

"Hayaan mo na yan", isang malakas na boses ang nagpagalaw sa akin mula sa kinahihigaan.Tumigil ang ingay sa labas.

"Tara na, alis na tayo. baka abutan pa tayo ng Buwan dito", at tanging mga yabag nalang papalayo ang narinig ko mula sa labas.

(ITUTULOY)

PUWAN (Mini Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon