Napakagandang araw na ito, para maglaba. Yun ang unang pumasok sa isip ko sa pagdilat nang aking mga mata nang araw na iyon. Alas-7 nang umaga nang magising ako. Ilang minute din akong nakatitig sa kisame at pinagmamasdan kung paano magligawan ang dalawang butiki na kanina pa naglalampungan. Dali dali akong bumangon, nag-unat unat at diretso sa banyo. Mula sa bukas na bintana ay nakita ko ang asul na asul na langit, Napakaganda nang panahon. Sakto para makapaglaba.
Dumiretso ako sa kusina para magtimpla ng kape, binuksan ang cabinet para hanapin yung kulay brown na oso, pero ubos na ang tsokolateng cereal sa kahon. Ayaw ko na sanag magluto pero no choice. Wala nang laman ang ref, kaya to the rescue ang oatmeal. Buti nalang may LPG at gatas pa. Kape at oatmeal, wala na yatang mas sasarap pa sa umagang ito, saying naubos na yung tuyo dahil pinapak ko na kagabi kasama ang kalahating kalderong kanin, na kinatakutan kong mapanis kaya inubos ko kasabay ang dalawang pirasong tuyo, na mabilis naubos kayat para masimot ang madaming kanin ay sakto naman na si mang tomas ay naging kaagapay ko. Napasobra yata ang busog ko, kaya mabilis akong nakatulog.
Sa kalagitnaan nang aking pagkakahimbing, siguro dahil sa kabusugan ay natagpuan ko ang sarili sa isang panaginip na hindi ko maintindihan. Hindi ko na maalala ang karamihan dito pero ang naaalala ko lang ay nasa taas daw ako ng isang building na nakatayo sa isang bundok. Sa aking harapan ay kita mo ng buong Metro Manila. Nakatayo lang ako doon at pinagmamasdan ang ibat ibang ilaw ng Kamaynilaan, ang matataas na building na may ibat ibang kulay, sa kaliwa nito tanaw moa ng malaking bahagi ng Laguna De Bay.
Gumising ako na ang mga tanawin na iyon ang aking nasa alaala, napakaganda at kalmado nang tagpong iyon, ang mga ilaw ay nagpapaalala sakin nang pasko,parang Christmas lights, at ang malamig na hangin ay parang hinehele ako.
Mabilis pa sa LRT ang paglantak ko sa oatmeal at kape, minus the pila at siksikan. Tinungo ko ang aking kwarto para ihanda ang mga labada, at doon saktong tumunog ang aking Nokia 3310 na nakapatong sa lamesita sa tabi ng aking maliit na kama.
"Kailangan nating mag-usap. 7pm sa Megamall sa dating tagpuan. Importante".
Eto nanaman si April, ano kayang nakain nito, matapos ang 2 buwan na hindi pagpaparamdam, eto nanaman siya. Ano nanaman kayang sapi nito at gustong makipagkita. Hindi naman kaya dahil bored nanaman siya at kailangan niya ng kalaro. Hindi ko talaga maintindihan ang mga babae. Isang araw, napakasweet sa iyo, sa susunod biglang magsusungit. Kulang pa ba ang ilang araw nilang pagiging monster sa isang buwan? Kung may tawag man sa ugnayan naming ngayon, hindi ko rin sigurado kung ano. Hindi ko rin alam kung anong itatawag. Pero sa takbo ng kung ano man ang namamagitan sa amin, isa itong bitter-sweet escape. Isang bagay na kay sarap balik-balikan kahit alam mong masakit. Hindi naman sa sadista o masochista, pero basta ang hirap. Ang labo.
Hindi ko rin alam kung paano nagsimula, pero bigla nalang kaming nag-click ni April. Siguro dahil narin sa pareho kaming may toyo at may saltik. Una ko siyang nakita sa Math Club, officer siya dun, Auditor ata, tapos kame eh mga totoy na first year na puno pa ng excitement at idolohiya sa pagpasok sa kolehiyo. Punong puno pa kami ng sigla para magexplore at lasapin ang stage na, “yes! Hindi na kami hayskul”. Nasa totoong mundo na kami, sa kolehiyo, ang huling stage bago mo masabing napagdaanan mo na ang pagiging bata at immature. Iba ito, iba dito, dito labo-labo na, matira ang matibay. Dito sa paaralang kulay pink kami unang nagkita ni April.Nasa same building lang kasi yung office ng Math Club at classroom namin, sa labas, sa corridor madalas kaming tumambay, at doon una naming naispatan ang Math Club.Parang wala lang, biro-biruan, na napasali kami sa org na iyon. Saka sa udyok nadin ng math teacher namin, na sumali kami dagdag grade narin at syempre, iba kapag fresman ka. Uto-uto.
Ibang klaseng babae si April, napakatangkad niya para sa isang second year, tuwing nakikita ko siya eh sumasakit ang batok ko kakatingala. Simpleng estudyante, saktosa ganda, may dimples, naka-brace at masayahin. Pero hindi siya yung klase ng babaeng type ko, ang totoo yung isang officer ng Math Club yung trip ko, si Danica. Saktong tropa kami ni April, masaya siya kasama, ang totoo ay matagal din kaming walang balita sa iba, grumadweyt siya at ako naman ay nagkaroon ng nobya, isa sa mga ka-klase ni April. Walang wala sa hinagap ko na mapupunta kami sa sitwasyong ganito. Love-Hate.
Nagsimula ang aming chemistry nung nasa grumadweyt na ako. Salamat sa Friendster at nagkaroon kami ng koneksyon muli. Mula sa kwentuhan kulitan, nagkaroon ng palaayan ng loob. At eto na nga kami sa paglalaro ng apoy.
Napatingin ako sa washing machine, at sa aking kamay hawak ko ang denim jacket na aking suot nung una kaming nagkita si April matapos ang mahabang panahon. Tandang tanda ko pa ang lahat. Siya ang nauna. Siya ang una. Agad kong ipinasok sa washing machine ang jacket, kasama ang iba pang lalabhan. Halo-halo, gaya ng nararamdaman ko ngayon. Ano kaya ang importanteng sasabihin ni April sa akin?
BINABASA MO ANG
PUWAN (Mini Novel)
ParanormalAnong gagawin mo kapag isang araw nanunood ka ng sine, nakatulog ka at pag-gising mo wala na ang lahat ng tao. Ikaw nalang mag-isa. End of the World na ba? Kinuha na ng mga aliens ang lahat ng tao? O nasa malaking production ka lang at ginogoyo ka n...