Because I'm feeling gloomy, here's a Filipino drabble ;A; forgive my poetic side.
"Kaya pa ba?
Kaya pa ba ng iyong mga mata, na wala nang ibang ginawa kundi ang lumuha?
Kaya pa ba?
Kaya pa ba ng iyong puso na matagal nang gumuho at unti-unti nang sumusuko?
Parang hindi na ata, kaibigan.
Bakit ayaw mo pang tigilan?
Bakit pilit ka parang umaasa,
kung siya mismo, sumuko na?
Tigil na, parang awa.
Pano na ang puso mong wasak na wasak na?
Hindi na dapat iniisip pa
Hindi na dapat magintay pa
Hindi na dapat umasa pa
Kasi wala na, hindi ba?
Nagpalinlang tayo sa tadhana
Inakalang ikaw na nga talaga
Pero mukhang mali nanaman ako
Ika'y akin, pero kailanman, ako'y hindi pwede maging sayo."
Hindi namalayan ni Jihoon na unti-unti na palang pumapatak ang kanyang mga luha habang sinusulat ang huling tulang kanyang iaalay kay Cheol. Sino ba kasing mag-aakalang magtatapos lang sa isang iglap ang lahat? Hindi kapani-paniwala.
Teka. Hindi kapani-paniwala, o sadyang ayaw lang talagang paniwalaan?
Paniwalaan na ano? Na tapos na ang lahat sa kanila. Tapos na ang mga araw na makikita mo ang isang Jihoon na nasa loob ng mga maiinit na yakap ni Cheol. Tapos na ang mga araw na mauulinigan mo ang mga tawa nila na para bang wala nang bukas.
Tapos na.
Tapos na ang kwento nilang dalawa.
Saglit.
Pano matatapos ang kwento nila, kung wala din namang naging "sila"?
Oo nga pala. Kaibigan nga lang pala.
YOU ARE READING
Sempiternal ♢ Jicheol
FanfictionSempiternal (n.) everlasting; eternal. ♢♢♢ A compilation of jicheol one shots. ♢ coupzi-jpg 2017
