Inspired by a prompt found in Tumblr. Ang corny lang talaga ng pagkakagawa ko, but I hope you like it. ❤
Kinakabahan si Seungcheol habang pinagmamasdan ang pagka-gwapo gwapong lalakeng nakaupo sa may gilid ng cafe.
Bakit kamo? Ganito kasi yan.
Dinare siya ng mga kaibigan nyang sila Mingyu at Joshua na makipagkilala sa kahit sinong nasa loob ng cafe at dapat makuha niya ang number nito gamit lang ang mga pickup lines na alam niya.
Syempre, he won't let his pride down kaya tinanggap niya ang dare. Papatunayan niya sa mga kumag niyang kaibigan kung gano talaga siya ka-"gwapo" kuno.
"Dalian mo na. Natatakot ka ba, hyung?" Nakangising tanong ni Mingyu sakaniya. Seungcheol shot a deadly glare towards the younger, bago siya bumuntong hininga ng malalim.
"Oo na, gagawin ko na. Watch me win, you bastards." Tumayo na siya at naglakad papalapit doon sa pwesto kung saan nakaupo yung lalaki.
Nagkatinginan ang dalawang magkaibigan nang maglakad papunta sa isang bakanteng table ang lalake. They just shrugged it off, thinking na baka humahanap lang siya ng timing sa ibang tao.
Paulit-ulit sa isip niya ang pickup line na gagamitin niya para hindi nya makalimutan. Nakailang pahid na din sya sa jeans nya ng kamay niyang pawis na pawis.
"Uh-hi. Pwede ba maupo dito?" Tanong niya sa lalaki. Hindi nya napigilan ang sarili niya, at napatitig sya dito.
He has cotton candy-like hair and warm, brown eyes. Amputi ng balat niya na akala mo isang multo, plus makinis pa.
"Okay?" The guy widened his eyes, bago siya agtatakang sumagot kay Seungcheol. Andami dami naman kasing ibang upuan, bakit sa harap pa niya? Weird. Atsaka, pano niya—
Right after Seungcheol sat down, he asked the guy's name. Na-interrupt tuloy yung iniisio nya.
He introduced himself as Jihoon, which made Seungcheol smile widely. The latter introduced himself too, which only got a nod as a response from Jihoon.
"Jihoon," Napatingin siya kay Seungcheol na may ngisi sa mga labi, "Did it hurt when you fell from heaven?"
Napatulala si Jihoon sa tanong niya. Seungcheol saw the boy's expression which made him confused and happy at the same time. Siguradong panalo na agad sya sa dare ng mga kumag.
"A-ah, sorry. Ang galing naman, nakikita mo pala ako. Ikaw siguro ang naka-assign sa akin. Oo, medyo masakit, pero nakaya ko naman."
Seungcheol's face turned in to a shocked expression. Muntik nang halikan ng panga nya yung lapag dahil napanganga nalang siya. He couldn't believe what the guy just told him.
"A-ah, o-okay bye!" Tumayo na agad si Seungcheol at lumapit agad sa mga kaibigan niya. Hindi na niya pinansin ang mga tanong nila at agad na silang tumakbo papalabas ng cafe.
Jihoon just chuckled while shaking his head. He didn't expect na ganito ang unang magiging encounter niya sa taong naka-assign sakaniya. First time pa naman niya maging isang guardian angel.
YOU ARE READING
Sempiternal ♢ Jicheol
FanfictionSempiternal (n.) everlasting; eternal. ♢♢♢ A compilation of jicheol one shots. ♢ coupzi-jpg 2017
