CHAPTER 5: Ezekiel & Kevin

25 2 0
                                    

I love to write A/N so expect it in every chapter:)

Enjoy reading:)

****************************

SCARLET'S POV:

Nakauwi na ako galing school at salamat sa diyos na naka survive ako kanina. Gusto ko na ngang lamunin ako ng lupa nung time na nag 'Introduced Yourself' kami. My God! I mean ngayon lng ba nila ako nakita at kung makatitig sila sa akin parang papatayin nila ako. Oo! Pinapatay nila ako using their death glare. Kung nakakamatay yung tingin nila siguro kanina pa ako patay,siguro bangkay na ako ngayon. And you know what I hated the most? Yung maging seatmate ko yung si MR.BULLY! Oo,aaminin ko na hindi ako nagugustuhan at palagi akong naaapi ng mga estudyante dito because of my looks. Chubby Nerd and all. I'm used to it,being bullied by a lot of people. Pero para maging seatmate ko yung MR.BULLY na 'yon! Jusko naman! Of all people! Why me?! Every time na nakikita ko siya naiinis na ako ano pa kaya ngayong naging seatmate ko sya! At hindi lang yan! Eto pa! Diba seatmate ko sa right side si Mr. Bully. Guess who's my seatmate in my left side?

.

.

.

.

None other than Kevin Josh Aguas, who is he? Well siya lng naman yung bestfriend ni Mr. Bully na si Ezekiel Mark Chua. Yes! Magkaibigan sila at seatmate ko din yung dalawa pa nilang kaibigan sina Patrick at Kyle.

Sikat silang apat dito sa school kahit din siguro sa labas ng school sikat pa din sila, first because they are good looking guys, second napaka talented nila nag guest na din sila sa iba't ibang show sa t.v., at third dahil sa pamilya nila------dahil sa mga sobrang sikat na kompanya nila na ang parents din nila ang nagpatayo.

Well, back to the topic, ganito yung sitting arrangement.

Ezekiel - Me - Kevin - Patrick - Kyle

Gets nyo?

I was in between Ezekiel and Kevin.

Ezekiel used to bully some students but Kevin, he's not. Magkaibigan nga sila pero sobrang layo naman ng agwat ng ugali nilang dalawa. I mean they have super opposite attitude. Si Ezekiel palaging ng bu-bully, wala siyang paki sa mundo, napaka bad boy nya, he's a happy-go-lucky person, palagi na lng syang masungit sa lahat, napaka tamad nya I bet dahil yung parents nya yung may-ari ng school, they have a lot of companies around the world kaya siguro naiisip nya na hindi nya na kailangan magsikap kasi nasa kanya na ang lahat ng kailangan nya at sigurado na maganda yung future nya. Opposite naman si Kevin Kay Ezekiel. Si Kevin mabait siya, palangiti, napaka hard working, napaka good boy nya. Although may mga bagay na pareho sila like gwapo sila pareho at talented. Pano ko nalaman ang lahat ng 'to? Duh! Schoolmate kaya kami since first year highschool. Palagi sila ang bukang bibig ng lahat ng tao dito sa school---- specifically mga babae.

Patrick and Kyle? Well, si Patrick siya yung pinaka babaero sa kanilang lahat. Everyday iba iba ang mga babae. 'Chick Magnet' kumbaga. Si Kyle naman siya yung matalino sa kanilang apat. Kung hindi ako, siya yung nagiging representative sa mga quiz bee competition palagi.

I really admired Kevin. Why? Kasi sabi nga sa kanta ni Daniel Padilla ' Na Sayo na ang lahat' at ganun si Kevin, nasa kanya na ang lahat. Kaya ang daming babaeng nagkakagusto sa kanya eh. Crush ko siya??? Maybe kasi sabi nga nila kapag ina-admire mo ang isang tao ibig sabihin crush mo daw siya.

"Nak! Ok ka lang" Tita Nanay asked me.

"Opo Tita Nanay" I answered.

"Kanina ka pa kasi tulala dyan tingnan mo yang hinihiwa mong gulay sobrang liliit na." Tiningnan ko yung hinihiwa kong gulay. Ay oo nga noh.

"Ay sorry po."

"Nako cge na nak umakyat ka na sa kwarto mo't ako na dyan, magluluto lang ako ng hapunan. Tatawagin nlng kita kapag kakain na." Sabi sa akin ni Tita Nanay.

" Cge po Tita Nanay" I said to Tita Nanay.

Hay ikaw kasi Scarlet eh isip ka ng isip dyan kina Ezekiel, Kevin, Patrick at Kyle yan tuloy kawawa yung mga gulay na hinihiwa mo. Sabi ng utak ko sa sarili ko.

*************************

A/N: How's this chapter?

Ang hirap pa lng maging author kung wala kang WiFi sa inyo?!huhuhuhuhu

LIKE • VOTE • COMMENT • FOLLOW (my account)

Pretty please?

Ms.Chubby Nerd Meets Mr.BullyWhere stories live. Discover now