CHAPTER 13: He likes me?!

12 1 0
                                    

Papasok na ako ng garden at nakita ko si Kevin na nakaupo sa isang bench.

Nakaupo lang siya pero ba't sobrang gwapo nya?! Nasan ang hustisya?!

Tumayo agad siya ng makita nya ako.

"Hi, Scarlet." Bati nya sa akin sabay smile. Jusko! Ang Gwapo!

"Hi."

"Ahm I just want to talk to you."

"Tungkol saan?" I asked. Inayos ko naman yung eyeglasses ko.

"Tungkol sayo." What?! Tama ba yung narinig ko.

"Tung-ko sa a-kin" sabay turo sa sarili ko.

"Yes. Tungkol sayo" Ngiti nyang sabi.

"Huh?! I mean bakit?" I asked in curiosity.

"Because we're friends." Hindi ako makasagot...

"I mean, diba sabi mo friends na tayo at dahil hindi pa kita kilala masyado gusto kong mas kilalanin ka pa." Dagdag na sabi niya.

"Seryoso ka?! Gusto mo talagang maki pag-usap sa akin?! As in sa akin pa?!" Hindi ko makapaniwalang sagot.

"Yes. Why? What's wrong? Ayaw mo bang makipagkaibigan sa akin." He asked.

"Gusto. I me-an gus-to ka-si uhm kas-i mabait ka...oo yun mabait ka pero seryoso ka talaga na ako yung kakaibiganin mo?! Ang dami daming estudyante dito sa campus bakit ako?!" Lord totoo po ba 'to?! 'Di po ba 'to isang malaking Biro?!

"Mali bang makipag kaibigan sayo?" Malumanay nyang tanong sa akin. Tinatanong pa ba 'yan...syempre oo.

"Oo. Malaking oo. Tingnan mo nga isa kang campus heartthrob, andaming babaeng nagkakagusto sa'yo....handa nga silang makipag patayan para lang makuha ang atensyon mo.. 'tas sikat ka, andami ding mga famous dito sa campus na gustong makipag kaibigan sayo, matalino ka din at talented, kumbaga na sa'yo na ang lahat tapos makikipag kaibigan ka lang sa isang katulad kong chubby na nerd. Seryoso ka?!" Paglilitanya ko. Medyo naghahabol pa ako ng hangin kasi anhaba ng sinabi ko.

Nabigla ako ng tumawa siya ng slight.

"Ano ka ba kaya nga ikaw yung gusto kong kaibiganin kasi ang bait mo. Eh ano naman kung hindi ka famous. Ganon ba ang tingin mo sa akin? Na makikipag kaibigan lang ako sa isang tao kung sikat ito. Gusto kitang kaibiganin kasi kakaiba ka, kasi mabait ka." He explained. Makikipag kaibigan sa akin yung crush ko?! Oo kinikilig ako pero ayaw ko munang isipin yan dahil ang mas iniisip ko ay kung magiging magkaibigan nga kami siguradong hindi na ako masisikatan ng araw pag nalaman 'to ng mga fangirls nya.

"Hindi ko pa din maiintindihan." Inosente kong sagot. Tumawa ulit siya ng slight. Nakakatawa ba 'yong sinabi ko?!

"Akala ko ba matalino ka?!" Tawa-tawa nyang tanong. At natutuwa pa talaga siya ha?!

"Hindi naman."

"Sus! Ang humble mo talaga." Sabi nya sabay hawak sa chin ko pero sandali lang. Wahhhh!!! Naiihi na ako sa kilig!!!! Char. Hehehe

"Ba't ba kasi ang pursigido mong kaibiganin ako?!" I asked.

"Because I like you." He smiled and walked away.

I was left dumbfounded.

He likes me?!

****************************

A/N: Hmmm I smell something fishy! Ansaveh!!! Hahahaha

How's this chapter guys?!

LIKE • VOTE • COMMENT • FOLLOW

Pretty pls.?

Ms.Chubby Nerd Meets Mr.BullyWhere stories live. Discover now