CHAPTER 11: Friends

15 2 0
                                    

SCARLET'S POV:

Naglalakad kami ngayon ni bes papuntang classroom. At na kwento ko na din sa kanya yung nangyari kahapon about dun sa pag ta-transfer ni Kevin sa Club namin.

"Alam mo ba yung dahilan kung bakit nag transfer yung si Kevin sa Club niyo?" Bes asked me.

"Aba malay ko 'don. Close ba kami?" Pagtataray ko Kay bes.

"'To naman nagtatanong lang eh." Sabi niya sabay hampas ng braso ko.

"Aray bes!" I shouted at her. At nag peace sign lang siya. I rolled my eyes.

Pumasok na kami ng classroom. Pumunta na ako sa upuan ko at umupo. Malamang-_-

Pagkaupo na pagkaupo ko..........

"Good morning Scarlet." Kevin greeted me. At nag smile sya sa akin. Wahhhh!!! Lord totoo po ba 'to?! Paano nya nalaman ang pangalan ko?! *blush*

" Good morning din." I said while smiling. Baka kasi sabihin nya na 'others' ako pag di ko siya pinansin diba?

"Hmm may notes ka ba tungkol dun sa pinag meeting-ngan natin kahapon sa club?" Tanong niya sa akin.

"Meron. Bakit?" I whispered. Binulong ko na lang kasi pag nakita/narinig kami ng mga classmates na nag-uusap I'm sure na magiging issue yan.

"May I borrow?" He asked. Alam nyo yung feeling na nagpipigil ng kilig?!

Alam nyo yun?! *blush*

I nodded to him. Kukunin ko na sana yung notebook ko sa bag ng biglang dumating si Mr. Perez kaya hindi ko na nabigay kay Kevin yung notebook. Strict kasi si Mr. Perez as in sobrang strict. Ayaw nyang may nakikita siyang estudyante na gumagawa ng kung ano-ano kapag oras ng klase nya.

Fast forward......

"Hoy! Bes! Nakikinig ka ba sa akin?!" Inis nyang tanong sa akin.

"Hmmm ano nga ulit 'yun?"

"Ano bang nangyayari sa'yo at kanina ka pa tulala dyan?! Kanina pa ako kwento ng kwento dito di ka naman pala nakikinig!" Pangsesermon nya sa akin. Kumakain pala kami ngayon ng lunch dito sa canteen.

"Sorry na...ano ba kasi ulit 'yon?"

"Wala sabi ko, ang ganda ganda ko!" Sabay flip ng hair.

"Ay ewan." Napailing iling na lang ako. Ayokong sakyan yung trip nya noh.

Pagkatapos naming kumain ni bes, plano naming pumunta ng library kasi may libro akong hihiramin, ng mapansin kong may hinahanap siya sa bag nya.

"May hinahanap ka bes?" I asked.

"Ah oo, yung copy ng schedule ko for Fashion Club" Tinulungan ko siyang maghanap sa bag niya pero wala talaga eh.

"Ay oo nga pala bes naiwan ko sa locker ko." Sabi nya.

"Tss. Sige na kunin muna 'yon."

"Eh pero pano ka?"

"Bakit di ko ba kayang pumunta ng library mag-isa?"

"Sure ka bes? Baka kasi pagtripan ka ng mga bruha dito sa campus"

"Ano ka ba bes, kaya ko nga. Don't worry ok?!" And I gave her a reassuring smile.

"Sige, susunod na lang ako sa'yo ha."

We parted ways------ siya papuntang locker at ako papuntang library, naglalakad ako, pero lumiko ako ng daan ng makita ko ang school garden. Tinitigan ko ang mga bulaklak. Grabeh ang ganda nila. Iba't ibang kulay pero pare-parehong mabango. Dalawang lugar lang naman ang pinaka paborito ko dito sa school----- ang library at ang garden. Nakaka relax lang kasi.

I was taken back to the reality ng may na rinig akong nagsalita sa likod ko. "Ehem! Hi Scarlet" Si Kevin. My God! Kinausap na naman nya ako wahhhh!!!

"Hello,hmmm bakit?" I asked.

"Kasi kanina gusto ko manghiram ng notes mo pero di mo nabigay kasi dumating si Mr. Perez, kaya pwede ko bang mahiram ulit?" Grabeh siyang magsalita, napaka malumanay. Marunong kayang magalit 'tong taong 'to?

"Ahm oo naman, sige" Kinuha ko yung notebook ko at ibinigay ko sa kanya.

"Thanks. Ibabalik ko din sayo 'to kaagad kapag natapos na akong mag copy." He smiled.

"Sige, Kevin" I smiled back.

Lumakad na siya pero pagkatapos ng tatlong hakbang lumingon ulit siya sa akin.

" Hmm Scarlet ka-si a-no" Nauutal nyang sabi.

"Bakit?" Tanong ko.

"Can we be friends?" At sa moment na yun, parang di ako makapaniwala.

"S-ure si-ge" nauutal ko ding sagot. Ano ka ba naman Scarlet sasagot ka na nga lang, mauutal ka pa.

"Talaga! Friends?" Hindi makapaniwala nyang sabi.

"Friends." At nag shake hands kami.

We both smiled to each other.

Kilig akech!!!hehehe

***********************

A/N: How's this chapter guys?

LIKE • VOTE • COMMENT • FOLLOW (my account)

Pretty please?

Ms.Chubby Nerd Meets Mr.BullyWhere stories live. Discover now