KEVIN'S POV:
Sh*t! Bakit ko ba sinabi 'yon?! G*g* ka talaga din minsan Kevin noh?!Mahinang sabi ko sa sarili ko, yung tipong ako lang yung naka dinig.
Papunta ako ngayon sa canteen.
"Psst! Huy Kevin!" Tawag sa akin ni Patrick. Ay nalagpasan ko na pala yung table kung saan kami palaging kumakain. Bumalik ako papuntang table namin at umupo na ako.
"What happened to you bro?" Ezekiel asked.
"Ah a-ko? Wa-la, oo wala" Nag smile ako ng konti. Pero peke lang 'yon.
"You sure? You looked nervous." Kyle said. Napaka observant talaga na tao 'to! Bwesit!
"Para kang natatae bro. Tingnan mo nga yung sarili mo, sobrang pawis na pawis mo na." Tawang tawang sabi ni Patrick sabay abot sa akin ng tissue. Pinahiran ko naman yung buong mukha ko.
"Di ok lang talaga ako mga bro. Don't worry." Sabi ko pero ang totoo hindi namn talaga ko ok eh. Bwesit kasi 'tong dila ko minsan eh. Bakit ko ba kasi sinabi 'yon!
"Sige. Sabi mo eh." Walang ganang sabi ni Ezekiel.
***********************
SCARLET'S POV:
"Tsaka alam mo ba nak, mas dumami yung mga gustong mag-order sa atin ng ulam at desserts."
"Nak....nak....SCARLET!" I was taken back to the reality when Tita Nanay shouted at me.
"Po?"
"Ok ka lang nak? Kanina ka pa tulala dyan ah." Tito Tatay said.
"Oo nga nak. Kanina pa ako kwento ng kwento dito hindi ka naman nakikinig." Tita Nanay said.
"Ah opo. Ok lang po ako. Napagod lang po siguro." Pagrarason ko. Kumakain kami ngayon ng hapunan.
"Naku! Sige nak kumain ka ng madami tapos matulog ka kaagad at baka magkasakit ka." Tita Nanay said in a concerned tone.
I just nodded to them.
Pagkatapos naming kumain ay pumasok na ako sa kwarto ko at humiga na. Tiningnan ko yung ceiling at inisip yung nangyari kanina nung nag-usap kami ni Kevin.
Di ko pa rin sya gets eh, alam nyo 'yon?! Kasi naman bakit sa akin pa siya makikipag kaibigan?!
Nung tinanong nya ako na pwede bang makipag kaibigan (chapter 11) tinanggap ko kasi akala ko naman na 'friends' kami na friends lang talaga but I didn't expect na gusto nya pala akong kilalanin and all. So anong gusto nya maging friends kami na as in 'BESTFRIENDS'?! Katulad namin ni bes?! Ganon?!
At ang pinaka hindi ko na gets sa lahat ay yung sinabi nyang 'Because I like you' !!! Gusto nya ako?! Ayoko namang mag assume noh! Madami kayang meaning 'yon! Pero anong ibig sabihin nya 'don?! Like nya ako as a person? Like nya ako as a friend?! Or Like nya ako kasi like nya talaga ako?! Huh? Aish! Ang GULO GULO naman nito!
Makatulog na nga lang.
*************************
A/N: How's this chapter guys?
Feel free to comment (basta wag lang yung mga harsh.)
LIKE • VOTE • COMMENT • FOLLOW (my account)
Pretty please?
YOU ARE READING
Ms.Chubby Nerd Meets Mr.Bully
Teen FictionEzekiel Mark Chua...ang DAKILANG BULLY!!! Scarlet Marie Dela Vega...ang NERD na CHUBBY!!! Anong mangyayari kung ang dalawang magkaibang tao ay magtatagpo sa di inaasahang pagkakataon?