CHAPTER 12:

18 2 0
                                    

SCARLET'S POV:

I'm here at the campus. Papunta na ako ng classroom...pero di ko pa din maiwasang maisip kung bakit ako kinaibigan ni Kevin. Kasi naman diba sa dinami-dami ng students dito sa Chua Academy, bakit ako pa?! I mean hindi naman sa ayaw ko siyang kaibagan----mabait naman siya, kaya nga lang baka pagdiskitahan ako nung mga bruha dito sa campus pag nalaman nilang magkaibigan kami ni Kevin noh.

Pumasok na ako at nakita ko kaagad si Kevin. *Dug dug dug dug*

'Wag ka ngang maingay my heart.

He smiled ng makita nya ako. I smiled back. Umupo na ako sa chair ko.

"Good morning, Scarlet" ang gwapo nya grabeh!!!

"Good morning din, Kevin." Bulong ko sa kanya.

"Why are you whispering?" He asked me.

"Ka-si a-no uhmm." Bakit ka ba kasi nauutal Scarlet ha.

Bago pa siya makasagot pumasok na si Mr. Catigbak.

Hay salamat! Thank you talaga Sir! Niligtas mo ako.

Nag simula ng mag discussed si Sir....ng may nag abot ng papel sa akin galing sa kaliwa ko.

Tiningnan ko kung sino yung nag abot at si Kevin 'yon na naka tingin lang kay Sir at nakikinig. Ba't nya ako binigyan ng papel?!

May napansin akong nakasulat sa papel at binasa ko 'yon.

Can we talk?

Sinulat ko ang sagot ko na 'yes' at inabot sa kanya yung papel pero nakatingin pa din kami kay Sir para hindi mahalata. (A/N: Naransan nyo na mag pasa pasa ng papel sa ka seatmate nyo noh?! Ako na try ko na, sa crush ko before hahaha.)

Kinuha nya 'yon at nagsulat siya sa papel. I think 'yun yung reply nya.

Inabot nya sa akin ulit ang papel at binasa ko kung ano man yung sagot nya.

:-)

Yun lang yung reply nya. Sumagot naman ako.

Sa garden na lang tayo mag-usap mamayang lunch.

Pinasa ko sa kanya yung papel at binasa nya 'yon. Nagsulat ulit siya ng reply sa papel, iaabot nya sana yung papel kaso nahulog ito and the next thing happened.....

"Ouch" sabay hawak ko sa noo ko, nakauntog kami ng noo ni Kevin. Sabay kasi naming pinulot yung papel.

"Ehem! Mr. Aguas and Ms. Dela Vega are you listening to my discussion?!" Galit na tanong sa amin ni Sir. Lahat ng classmates namin ay nakatingin lang sa amin ni Kevin. Lalo na ang 'The Malditas' pinagtaasan nila ako ng kilay. Patay!

"Yes Sir. Tinulungan lang ako ni Ms. Dela Vega na pulutin yung papel ko na nahulog, Sir." Pagrarason ni Kevin which is totoo naman. Hindi ako makatingin sa mga classmates ko dahil sa kahihiyan.

Sir nodded to us at nag continue na ang discussion. Nakinig naman kami ni Kevin kay Sir at hindi na namin na ipagpatuloy ang aming conversation gamit ang papel dahil baka makita na naman kami ni Sir lalo na ng mga classmates ko.

*bell sound* (A/N: i-imagine nyo na lang.)

Tumunog na ang bell which is sign na ng lunch.

Lumabas na lahat ng classmates ko except kay bes, Kevin, Patrick, Kyle, Ezekiel at sa akin.

Lumapit sa akin si bes.

"Tara na bes. Kain na tayo. Gutom na gutom na ako." Para siyang bata kung maka pagreklamo.

Sasagot sa na ako kay bes ng nagkatinginan kami ni Kevin. Oo nga pala may usapan kami na mag-uusap kami sa garden.

"Ah una ka na bes, susunod na lang ako. I-susuli ko lang 'tong librong hiniram ko kahapon sa library." Sana naman tumalab yung rason ko pls. lord.

"Cge, pag order na lang din kita para makakain ka pag dating mo." Sabi ni bes. Nag yakapan muna kami bago siya umalis.

Inayos ko ang mga gamit ko, nilagay ko sa bag at umalis na ako.

**********************

A/N: How's this chapter guys?

LIKE • VOTE • COMMENT • FOLLOW(my account)

Pretty please?

Ms.Chubby Nerd Meets Mr.BullyWhere stories live. Discover now