CHAPTER 17: GUILTY?

28 2 1
                                    

KEVIN'S POV:

Papunta ako ngayon sa condominium ni Ezekiel para kausapin sya. I called Kyle and asked him kung nasaan sila. Si Kyle na yung tinawagan ko kasi bukod sa matalino yang si Kyle, hindi 'din yan nag sisinungaling, sya ang tinaguriang 'Santo' sa grupo namin. Pero wala namang taong walang kasalanan diba?, may mga kasalanan din yang si Kyle pero hindi gaya sa aming tatlo na sobrang dami talaga.

I entered in Ezekiel's condominium without his permission since I knew the password of his door and besides we're bestfriends.


Pagpasok ko ay wala sila sa sala kaya pumunta ako ng kitchen and I saw them. May nakita din akong mga beers at mga pulutan, nagiinuman ang mga g*g*. Naka upo sina Kyle at Patrick, they sat beside each other. Nakatayo naman si Ezekiel in front of the sink, bale nakatalikod siya sa aming tatlo, he opened another bottle of beer. Bumalik siya sa kinauupuan nya. Nakatayo pa rin ako sa harap nilang tatlo.

"Hey bro." Patrick greeted me.

I just nodded to him.


"Ezekiel you need to apologize to Scarlet." I said, straight to the point.

The three of them looked at me as if they saw a ghost.

"What did you say?" He asked unbelievably.


"I said you need to apologize to Scarlet." I repeated.


"Are you joking?!" He asked unbelievably......again.


"Do I look like I'm joking?" I asked him back. Nakakainis na sya ha.


"Wait...wait bro! Bakit gusto mo na humingi ng tawad si Ezekiel kay Ms. Chubby Nerd?" Patrick asked me.


"Because what he did to Scarlet was wrong....sobrang mali." I answered. This time ay galit na akong sumagot kay Patrick. Habang si Kyle naman ay nanunuod lang sa amin.


Tumingin naman ako kay Ezekiel na parang walang pake sa sinasabi ko.



"Mali na ipinahiya mo sya sa harap ng maraming tao, mali na sigaw sigawan mo sya sa harap ng maraming tao at sobrang mali na ininsulto mo sya sa harap ng maraming tao." Sobrang galit na sabi ko kay Ezekiel. Tama naman talaga yung mga sinabi ko ah at kahit na kaibigan ko si Ezekiel kung mali sya, hindi ko sya kukunsintihin.



"I don't care." He just plainly answered me.

"You don't care?! Wow! Hindi mo ba alam ang word na 'GUILTY'?! Hindi ka ba na gi-guilty sa ginawa mo sa kanya?!" Sobrang galit na talaga ako. I bet na nahahalata na nina Patrick at Kyle na nagkaka initan na kami ni Ezekiel.


"Why would I be guilty?" Inosente nyang tanong sa akin.

"Ganyan ka ba katigas?!" I asked him. Galit na galit ako sa kanya! He just ignored me. Hindi ko na lang sya hinintay sumagot kasi halata naman na ayaw nyang sumagot kaya umalis na ako.

**************

EZEKIEL'S POV:

Nandito ako sa kitchen at umiinom ng tubig. Natutulog ako nang bigla kong napanaginipan yung nangyari nung pinahiya ko si Ms. Chubby Nerd.

Yeah. That's one of my evil plan for her. I planned all of that. Pinatid ko yung paa nya para yung pagkaing binili nya matapon 'don sa sapatos ko at yun yung ginawa kong rason para sigaw sigawan sya at ipahiya sa maraming tao. Wala akong pakialam kung nadumihan yung sapatos ko kanina dahil kaya kong palitan yun kahit magkano pa ang gusto ko. Nag galit galitan lang talaga ako kanina para ipahiya siya in short---- umacting lang ako. As I expected,she didn't fight back.

BUT...hindi parte sa plano ko ang paiyakin siya, I mean I didn't expect na iiyak sya. Nung umiyak sya sa harap ko, deep in me I felt something I can't describe.

Naguluhan din ako sa inasta ni Kevin kanina, bakit ba concern sya sa chubby nerd na babaeng 'yon? Nakuha nya pa akong sigawan! At ang pinaka malupit sa lahat ay inutusan nya pa talaga akong mag-sorry kay Ms. Chubby Nerd!

Ms. Chubby Nerd cried in front of me....that scenario keeps on repeating inside of my head, again and again.

Am I guilty?

*******************

A/N: How's this chapter guys?

Feel free to comment (basta wag lang yung mga harsh.)

LIKE • VOTE • COMMENT

Pretty please?







You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 17, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ms.Chubby Nerd Meets Mr.BullyWhere stories live. Discover now