ANNA POV
"'Miss Anna, bakit ka ba sumisigaw?" Anas ng lalaking may hawak sa akin, bigla ang inis ko ng malaman si Vans lang pala iyon. Kinurot ko ng madiin ang kamay nyang nakapaikot sa bewang ko. Agad din nya akong binitawan.
"Aray ko! Bakit ka ba nangungurot? Sakit ah!" Inis na sagot nito.
"You stupid asshole! You scared me! Akala ko may papatay na sa akin!" Inis na sabi ko sa kanya
"Aist... uunahan ko na sila, nakakainis na babaeng to! Bakit ba kasi di ka nagbubukas ng ilaw? May kuryente naman!" Bwisit na sagot nya sa akin
"Stupid! Hinahanap ko nga diba ang ilaw! Kakagising ko lang kasi!" Bulyaw ko din sa kanya. Nakita kong kumilos ito at binuksan ang switch sa dingding papasok sa kusina.
Naroon pala ang switch!
Lumiwanag na ang paligid at kita ko na ang salubong nyang kilay. Mukhang pagod sya at nanlalambot. May mga bakas ng grasa ang mukha at damit nya at basang basa sya pero mukha pa rin syang model. Hapit na hapit sa kanya ang damit nya at dahil basa sya ay nakapababa ang buhok na. Nagtitigan kami ng ilang segundo.
"Pasensiya ka na ha, ginabi na ko. Nasira kasi ang isa sa makina sa kiskisan kaya inayos ko pa. Buti na lang hindi kita isinama, bigla kasi ang buhos ng ulan. Nagugutom ka na ba? Saglit lang at magluluto ako pagkatapos kong maligo, mabilis lang to." Anito at umakyat na sa taas.
-------------Pagkababa nito ay nagsimula na itong magluto. Pinapanood ko lang sya habang naghihiwa ng gulay at karne. Kita ko ang pag flex ng muscles nya sa braso sa simpleng paghihiwa nya.
"Anong ulam?" Tanong ko na lang sa kanya para basagin ang katahimikan
"Sinigang." Maikling sagot nito.
"Can you teach me how to cook it?" Interesadong tanong ko. Huminto ito sa paghihiwa at tumingin sa akin.
"What? I just wanna try it!" Anas ko ng matagal syang nakatitig.
"Sige. Halika dito." Anas nito, halatang pagod nga siya. Lumapit ako at tumabi sa kanya. Inisa isa nya ang ingredients non at sinabi ang procedure kung paano lutuin. Medyo na gets ko naman ang sinasabi nya. Ng pinapakuluan na lang ang ulam ay naghain na sya ng plato sa mesa. Mukhang wala na sya sa mood kaya nanahimik na lang din ako.
"Ah Miss Anna, ayoko sanang intregahin mo pa ung kanina. Ayaw kong masisira ako kay boss. Utang na loob ko ang buhay ko don kaya ayaw kong may masabi kang ikakabahala niya." Seryosong sabi nito sa akin, titig na titig din ito sa mata ko
"Which one? Na gusto mo ang asawa nya?" Naiinis na sabi ko
"Aist... masama bang humanga? Paghanga lang yun Miss Anna, kasal na yung tao. At sa boss ko pa. Wag mo naman lagyan ng ibang kahulugan yun!" Inis na ring turan nito, parang lalo akong nainis sa sagot nya kaya tumahimik na lang ako. Tumayo na sya at sumandok ng kanin at ulam.
Tahimik lang kaming kumain. Pagkatapos non ay nagkusa na akong magligpit dahil halata ko rin ang pagod nya. Natanaw ko sya sa labas pagkatapos kong magligpit ng plato. Nagyoyosi ito at matamang nakatingin sa langit.
Iniisip siguro ang asawa ng boss nya!
In a way parang naawa din ako sa kanya. Mukha naman kasi syang kawawa eh. Lumabas ako at tumabi sa kanya. Nagulat pa ito ng umupo ako sa tabi nya.
"Where are your parents?" Namalayan ko na tinatanong ko. I saw him smirk at me.
"Wala na, sumakabilang buhay na. Namatay si tatay nung baby pa si Ali, aksidente sa construction. Nag asawa uli si Nanay pero ilang taon lang sumunod na din sya kay Tatay, pneumonia. Si Alicia na lang ang pamilya ko. Naiwan kami ni Ali sa amahin namin. Pinakulong sya ni Eros kasi araw-araw kaming binubugbog. Si Eros na ang nag paaral sa aming magkapatid." Anito habang hithit ang yosi nya.
"You had it rough." Malungkot na sabi ko. Kaya pala ganon na lang ang depensa nito sa tingin ng amo nya. "lost my mom too when I was seven. Heart attack, she died on my arms." Mahinang kwento ko.
Napatingin ako sa kanya, titig na titig din sya sa akin. Bumaba ang tingin nito sa labi ko. Mayamaya pa ay namula na ang mukha ni Vans. At nag iwas ito ng tingin. I can feel the tension in the air.
"I'm going to bed now. Maiwan na kita." Nagmamadali kong sabi at agad din akong tumayo pero hinawak ako ni Vans sa braso bago pa ako makapasok.
"I'm sorry kanina kung nahalikan kita. Baka kasi anong masabi mo, palabas pa naman si boss." Anito sa akin.
Hindi ko alam kung bakit nainis ako sa sinabi nyang yun. Dahil ba sya ang first kiss ko o dahil ba yun ang dahilan nya kung bakit nya ako hinalikan. Katahimikan lang ang sinagot ko sa kanya. Mayamaya din ay binitawan nya ang braso ko at tinuloy ko na ang pagpasok ko sa loob ng bahay at ng kwarto ko.
BINABASA MO ANG
Alluring Anna (COMPLETED)
RomanceAnna Francesca Larazabal was thrown out of the city by her family because of family death threats. Out of her comfort zone she tried to live without losing her mind to the things around her in a secluded area in Quezon. How will she strive when ever...